Chapter 70

19 1 0
                                    

DERE-deretso lang ang paglalakad ni Takari papunta sa dereksyon ng karagatan. Sa tulong ng mga Horus ni Kazumi ay inihatid na isa-isa ang mga Diyosa sa kani-kanilang mga palasyo.

Kahit ayaw ay nagtiwala ang mga ito sa kaniya. Ayaw lang niyang may mapahamak sa mga ito. Naroroon naman si Kazumi eh. Nasabi na niya dito ang dapat nitong gawin kung sakali mang may mangyari sa kaniya.

Sana nga lang, hindi ito makalimot.

Huminto siya saka tumitig sa kawalan. Hindi na siya nagulat ng lumitaw sa tapat niya si Noburi.

"Nagwagi ka na. Ano pa ang gusto mong gawin?" aniya dito.

"Wala pa ito sa gagawin ko Takari."

"Ano bang ginagawa mo dito?"

"Tingin mo ba talaga, hahayaan na lang kitang ganito? Hangga't nabubuhay ka, hindi ako magtatagumpay sa mga plano ko."

"Ba't di mo ako patayin."

"Sana nga lang ganoon kadali yun pero may paraan naman para hindi ka makialam sa plano ko eh."

Naikunot lang ni Takari ang noo niya.

Hindi niya naiwasan ang paghawak ni Noburi sa noo niya.

"Makapangyarihan ka nga, Takari. Pero ano ang mapapala mo sa Diyosa ng Pagkalimot?"

Kasunod ng salitang yun ay biglang bumagsak sa lupa si Takari. Walang malay. At sa palasyo naman ng iba pang mga Diyosa, tuluyan rin nawalan ng malay ang mga ito.

Malaking pagkakamali na ginawa yun ni Noburi. Kung hinayaan lang sana nitong puntahan ni Takari ang palasyo nito, baka nalaman pa nitong clone lang ang Gem na nasira. Inakala kasi nitong, magtatagumpay na ito.

"Diyosa ng pagkalimot?" naulit ng naguguluhang si Naru. "Hindi ko maintindihan, akala ko ba kayo lang ang Diyosa?"

"Akala nga namin eh." Sagot lang ni Kazumi.

Nagulat sila ng ipakita sa paligid ang walang malay na Diyosa ng Hangin.

Tuluyang nagising si Kazumi mula sa pagkatulog. Takang tiningnan niya ang sarili saka tumingin sa paligid.

"Ano bang ginagawa ko dito? Hindi pa rin siya bumabalik. Kailangan kong gawin ang bagay na ito." wika niya sa sarili saka agad na tumayo at naglakad ng may pagmamadali.

Pumunta siya sa isang silid at bubuksan na sana yun ng matigilan siya. Nasapo lang niya ang noo sa gulat.

"Sinong siya?" nalilitong tanong niya sa sarili. "Ano nga ang dapat kong gawin. Tika." Ipinilig niya ang ulo. "Diyosa ng Tubig. Diyosa ng Tubig."

Napasinghap lang sa gulat si Kazumi. Kahit ano ang gawin niya ay hindi niya maalala ang Diyosa ng Tubig. Kung ano ang pangalan nito at kung ano ang itsura nito. Hindi na rin niya matandaan kung ano ang ibinilin nito sa kaniya.

"Naku hindi!" nasapo niya ang bibig. "Hindi ito pwedeng mangyari, hindi!" nalilitong nagpalakad-lakad siya sa paligid.

Baka sa pagkakataong yun ay makaalala siya. Hindi niya alam kung ano ang nangyari pero pakiramdam niya ay ang daming kulang sa kaniya. Maraming puwang sa isip niya at nahihirapan siyang alalahanin ang lahat ng yun.

Magkaganoon man ay pinipilit niya. Sigurado siyang mahalaga ang ibinilin sa kaniya ng Diyosa ng Tubig pero hindi niya maalala kung ano. Siguradong yun lang ang paraan para mabawi nila ang mga Gem pero ano?

"Hindi,Hindi, Hindi." Paulit-ulit na lang na sambit niya dahil kahit ano ang gawin niya. Hindi na rin niya maalala.

Hanggang sa nakalimutan na rin niya ang tungkol sa bagay na yun.

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon