Chapter 71

14 1 0
                                    

"Pumayag ka na Franan."

Hindi kumibo si Franan. Tinitigan lang niya si Loreni. Hindi na niya ito halos makilala dahil mistula na itong reyna. Ang dami ng mga Ulome na nakasunod ditong parang mga kawal.

Hindi na nga rin ito halos malapitan ng kahit sino at para na rin itong kung sinong umasta.

"Franan."

"Paano mo naman nalaman na kailangan natin ang Dome na yan?"

"Hindi pa ba talaga malinaw sayo na nasisira na ang mundo? Sige na Franan. Magpakasal ka na sa akin, ipapangako ko sayong magiging Hari ka sa Dome na ipinapatayo ko."

Hindi siya sumagot. Malakas ang kutob niyang may kinalaman ito sa nangyayari sa Diyosa ng Tubig at kumbakit nagkaganoon ang mundo.

"Nasisira na ang mundo dahil nanghihina na ang mga Diyosa. Ito ang ibinilin nila, ang gumawa ng Dome para maging ligtas tayo."

"Sino naman sa tingin mo ang may kasalanan sa nangyayari ngayon?"

"Ang mga tao." Deretsong sagot nito. "Kasalanan naman nila dahil mga sakim at ganid sila. Kailangan mo ng magdesisyon Franan. Ikaw lang ang gusto kong maging katuwang ng lahat." Hinawakan nito ang kamay niya.

Hindi siya kumibo.

"Pag-iisipan ko pa, Loreni."

"May limang araw ka para mag-isip." Sagot lang nito saka na umalis kasama ang mga nakasunod dito.

Nasundan na lang ng tingin ni Franan ang babae. Hindi niya maisip na magpapakasal dito. Hindi niya gustong maging Hari. Sapat na sa kaniya kung ano siya at kung ano ang ikinabubuhay niya.

Ng nasa malayo na ang mga ito ay saka siya tumalikod at umuwi ng bahay.

Hindi na niya halos makilala ang mga namamatay na puno sa daanan papunta sa kanila. Dati rati naman ay berdeng-berde ang mga dahon non at malabong. Ngayon ay patay na ang mga yun. Napupuno na rin ng alikabok ang tuyong lupa. Hindi tulad dati na punong-puno pa yun ng mga damo.

Nakita niya ang bahay nila saka siya lumapit. Nagulat na lang siya ng biglang lumabas si Takari. Nakatanaw ito sa kaniya at may hindi maipaliwanag na lungkot sa anyo nito.

"Si Mana." Malungkot na wika nito. Yun ang tawag nito sa mama niya.

Mabilis siyang pumasok ng bahay at tinuntun ang ina. Nakita niya itong nakahilata sa higaan at sobrang putla nito.

"Mama," agad niya itong nilapitan. Sapat lang ang lakas nito para makita siya at magawa nitong ngumiti. Sobrang init ng katawan nito pero nilalamig ito ng hindi maipaliwanag.

"Franan," mahinang sagot nito saka hinawakan ng mariin ang mga kamay niya at natulog.

Pero yun na ang naging pinakamahabang tulog nito. Hinintay lang siyang makauwi at tuluyan ng bumigay ang ina niya. Nanghina ito at nagkasakit dahil sa pabago-bagong panahon na nangyayari.

At sigurado rin siyang hindi lang ang ina niya ang sumuko sa pagbabago ng panahon. Maraming mga Ulome na rin siyang nadinig na bumigay mas lalong-lalo na ang mga tao.

Kahit saang panig ng mundo ay nakikita na ang pagkasira ng mundo. Kumukunti na rin ang pagkain at malinis na tubig. Nagkakagulo na rin sa ibang bayan. Hindi na maipaliwanag ang mga nangyayari at maraming nagsasabi na yun na ang katapusan ng mundo.

Kumalat na rin ang mga halimaw sa kahit na saang mundo. Nilalapa ang lahat ng makita at sinisira ang mga bayan. Wala na ring magawa ang kahit na sino para pigilan pa ang mga halimaw lalo pa't walang kahit na sinong Diyosa ang nagpapakita.

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon