"Hindi kasing linis at ganda ng palasyo mo. Hindi siya palaging busog at kumakain. At higit sa lahat, mukha siyang pulubi. Hindi yun kaaya-ayang tingnan para sa isang Diyosa na tulad niya. May choice siyang tumira dito para magpakasasa sa mga yaman dito pero hindi niya ginawa dahil alam pa rin niya ang responsibidad niya bilang isang Diyosa. Si Iminako naman, sinusubukan niyang hanapin ang nawawala niyong kasama. Lumilipad kung saan-saan, hinahanap ang isang taong hindi niya alam kung buhay pa ba. Ikaw? Ano ba ang ginawa mo nitong mga nagdaan na taon?"
"Wag mo akong husgahan! Isa ka lamang hamak na tao."
"Totoo, pero kita mo naman. Mas may ginagawa pa kami kesa sayo."
"Takari!" Mabilis hinila ni Imaru ang babae paalis sa inuupuan nito.
Dumikit sa sandalan non ang binatong mansanas ng Diyosa.
"Miyakira!" inis na asik ni Kazumi sa babaeng galit na galit ang anyo.
Walang salita na bigla itong nag-walk out.
"Dito lang kayo. Kami na ang kakausap sa kaniya." Mabilis na tumayo si Kazumi. "Tayo na Iminako." Hinila niya ito.
"Tika, ako rin?" naguguluhang napasunod na lang ito.
Nasundan na lang nila ng tingin ang dalawang Diyosa na agad sinundan ng isa pa. Naiwan silang nakatunganga doon bago tiningnan si Takari.
"Ang hilig mo talaga sa away noh?" tanong ni Imaru dito.
Inaalis nito ang mga tumilapon na parte ng mansanas sa katawan nito. "Nakakapikon eh. Sila na nga ang tutulungan siya pa itong maarte."
"Wala ka pang naging kaibigang babae noh? Para ka kasing pusa na inaaway ang mga kapwa pusa eh." Tanong naman ni Sasu.
"Palagay ko ay ayos na yun. Sumusobra na rin ang isang yun eh. Natanong ko na lang tuloy sa sarili ko kung Diyosa ba yun. Sama ng ugali eh." Sagot naman ni Naru.
"Baka naman nasira ang utak non sa dami ng kinain niya dito."
Natigilan silang lahat sa komento na yun ni Sain.
"Nakakabaliw ba ang sobrang pagkain?" mangha pang tanong ni Takari.
"Good example siya."
Nagtawanan sila doon na parang mga sira.
Walang mga utang na loob. Sila na nga ang pinakain, sila pa ang nanglait.
Huminto sa pagtawa si Imaru saka siya napatitig kay Takari na ang lakas ng tawa. Nahihiwagaan na siya ng sobra dito eh. Siguro sa kaniya lang yun pero sigurado siyang may kakaiba dito eh.
Hindi niya alam.
Napatingin rin sa kaniya si Takari kaya nagtama ang mga mata nila. "Bakit?" tanong pa nito.
"Siguro dapat mong humingi ng pasensiya sa kaniya."
Natahimik ang tatlong lalaki.
"Kasalanan ko na naman?" bulalas nito.
Nagkibit-balikat siya. "Gawin mo pa rin. Siguradong nasaktan siya sa mga sinabi mo."
"Hindi ako magpapasensiya sa kaniya. Kasalanan niya yun dahil pangit ang ugali niya. Makasarili. Isa pa, bahala na ang mga kapwa niya Diyosa sa kaniya. Baka ano pa ang gawin niya sa akin noh?" nagmatigas pa rin ito.
Hindi sumagot si Imaru. Tinitigan lang niya si Takari na nakasimangot pa rin. Ang sama pa ng titig sa kaniya.
"Hindi ako magpapasensiya kahit titigan mo pa ako ng ganyan."
Nagtaas lang siya ng kilay.
"Go girl, kausapin mo yun. Malay mo naman, kinulang lang yun ng atensyon. O baka walang boyfriend." Tumawa pa si Naru.
"Gusto mong bugawin ko ulit kayo sa kanila?"
"Naku, pass na muna ako diyan." Mabilis na sagot ni Sasu.
Iling lang ang sagot ni Sain.
Tiningnan ni Takari si Imaru pero nakatitig pa rin ito sa kaniya. Sinusubukan pa rin siyang pakiusapan tungkol doon. Tinitigan niya ito ng masama.
"Alam mo bang sa sobrang bait mo gusto kitang kalbuhin?" asik niya dito.
"Hindi ba yun ang dahilan kaya may gusto ka sa akin?"
Patda siya.
"Woah!" malakas na sigaw ni Naru. Halatang nagulat. Maya-maya ay tumawa ito ng malakas. "Nice one, Imaru!"
Hindi pa rin nakapagsalita si Takari. Hindi niya kasi inaasahan yun eh. Nakatitig lang sa kaniya si Imaru. Hindi nagbago ang ekspresyon nito kahit ng sabihin ang bagay na yun.
"A-aba't. . . ang kapal naman ng mukha mong sabihing gusto kita?"
"Hindi ba?"
"Hindi! Kalbuhin kita diyan eh! Ayaw ko pa rin." galit na asik niya.
"O sige. Ganito na lang. Gagawin ko ang kung ano mang iuutos mo sa akin sa loob ng isang araw."
Pinanlakihan siya ng mga mata. "Hindi nga? Paano mo naman naisip na may gusto akong ipagawa sayo?"
"Anong malay mo diba? Isang araw, sayo ako."
Napuno ng tukso ang mesa. Pero kalmado lang ang anyo ni Imaru habang nakatitig sa kaniya.
Naiinis siya dahil para bang alam nitong gustong-gusto niya talaga yun. At gusto talaga niya. Naku! Ang daming bagay na gusto niyang ipagawa dito eh.
Sandali pa silang nagtitigan bago siya nagsalita.
"Fine! Sabi mo eh! Mag-handa ka!" sabay alis.
Nasundan na lang ng tingin ni Imaru ang babae. Di niya napigilan ang wag mapangiti. Talaga ngang may gusto itong ipagawa sa kaniya.
"Naniniwala ka ng may gusto siya sayo?" nakangiting tanong ni Sain sa kaibigan. "Kung kausapin mo kasi siya parang sigurado ka ng papayag siya eh."
"Siguro. Mukhang ayaw niyang malaman ko eh?" tiningnan niya ang tatlo. Nagtawanan lang ang mga sira.
"Whoo. Push mo yan, Imaru." Tukso pa ni Naru.
Napailing na lang siya sa sinabi ni Naru.
"Sigurado kang lahat ng ipapagawa niya gagawin mo?" tanong ni Sasu. Parang ito pa yata ang takot sa pustaan nila eh.
"Parang ikaw ang takot ah!"
"Imaru, may topak sa utak ang babaeng yun. Baka kung ano ang ipapagawa niya sayo."
"Sasu, relax. Babae siya. Kung ano man ang ipapagawa niya sa akin. Siya rin naman ang kawawa." Kampante niyang sagot.
"Sigurado ka? Kasi ako, masama ang kutob ko sa pustaan na yan eh. Kailangan mo rin ba talagang sabihin yun? Hindi mo naman pwedeng pilitin si Takari na magpasensiya. Alam naman natin pareho na ang Diyosa rin ang mali dito. Saka, hindi rin sincere ang pagpasensiya niya dahil sa pustaan niyo."
"Ang mahalaga ay nagpasensiya siya. Sincere man o hindi. Hindi rin naman alam ng Diysoa yun. At least, magkakabati sila."
"Kinain na rin ni Takari ang pride niya sa ginagawa niya kahit may pustaan. Hindi rin naman alam ng kabila yun eh." Dugtong ni Sain. Tinanguan lang ni Imaru ang kaibigan.
"Kailangan mo ba talagang mag-effort ng ganoon para lang maging mabait siya? Iba na yan ha?" tukso pa ni Naru.
"Hindi. Ginawa ko lang yun para hindi na ulit sila mag-away. Magulo ang paglalakbay ng may kasamang mga babaeng nag-aaway. Nakita niyo naman siguro ang nangyari sa kanila ni Kazumi diba?"
Nagulat ang mga ito. "Naku! Baka magkarambula silang mga babae eh. Nakakatakot pa naman silang mag-away."
"Exactly," sagot niya.
Pero yun lang nga ba talaga ang dahilan?
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantasyIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...