PINANLAKIHAN ng mga mata si Miho ng matagpuan niya ang sarili niya sa isang napakagandang lugar.
Puno ng damo at mga bulaklak ang kinaroroonan niya. May mga malulusog na puno. May nakikita siyang mga ibong lumilipad at marahang humuhuni.
Naikunot na lang niya ang noo niya habang tinitingnan ang paligid. Para siyang nasa paraiso sa sobrang ganda ng lugar.
Nakikita rin niya ang maaliwalas na kalangitan at mainit na sikat ng araw. Marahang ihip ng hangin at tunog ng marahang paglagaslas ng tubig sa batis.
Hindi niya maalala kung paano siya napadpad sa lugar na yun. Sigurado ring siyang hindi yun ang Dome.
Natigilan siya ng may madinig na mahihinang tawanan sa di kalayuan.
Hindi man sigurado ay sinundan na lang niya yun. Isang malaking puno ang nakita niya at sa likuran non ay may nadidinig siyang tawanan.
Lumiko siya saka niya nakita ang dalawang tauhan. Nakaupo sa nakalatag na carpet ang mga ito at masayang kumakain ng prutas.
Ang nakakagulat lang ay dahil tao at Ulome ang nakikita niya.
At ang Ulomeng yun ay ang Ina niya.
"Ina," masayang tawag niya saka lumapit dito. Hahawakan sana niya ito pero ganoon na lang ang gulat niya dahil tumagos ang kamay niya.
Na para bang isa siyang kaluluwa.
Napaatras siya sa gulat saka siya napatingin sa kasama nito.
Kulay dahon ang buhok nito at meron itong napakaamong mukha. Sobrang puti ng balat nito at sobrang ganda nito.
Simpleng dress lang ang suot nitong gawa sa seda na may makukulay na desenyo. Kakulay ng bahaghari. Hindi pa siya nakakita ng totoong bahaghari pero sigurado siyang yun ang kulay ng bahaghari na may pitong kulay.
Mas lalo siyang nagtaka. Hindi niya alam na may kaibigang tao ang Ina niya.
Umikot siya saka ulit sinilip ang mukha ng ina. Hindi man lang nito napansin na naroroon siya. Ang nakakagulat pa ay dahil mas bata itong tingnan doon.
"Masaya ako at nagkaroon ka ng libreng oras, Diyosa ng Bahaghari." Masayang wika ng Ina niya sa babae.
Namangha siya saka tiningnan ang babaeng kaharap nito.
Ito ang Diyosa ng Bahaghari?
"Ano ka ba, Loreni? Sabi ko naman sayo, Inaka na lang ang itawag mo sa akin eh. Magkaibigan naman tayo eh."
Natawa ng bahagya si Loreni. "Pasensiya na. Hindi pa rin kasi ako nasanay eh. Akalain mo ba yun, may kaibigan akong Diyosa. Nakakatuwa talaga to."
Ngumiti lang ito ng matamis.
"Pero sino nga ba ang niloloko ko. Alam naman natin pareho na malapit ka talaga sa kahit na sinong nilalang eh."
"Siguro dahil ganoon akong Diyosa. Kaya nga kapag may nag-aaway na mga Ulome at Tao ay hindi ko alam kung sino ang kakampihan ko eh."
"Wag mo na lang masyadong isipin yun, Inaka. Nagkaka-asaran rin naman talaga ang mga tao at Ulome eh. Ang mahalaga ay makapagpahinga ka ngayon sa trabaho mo. Siguradong mahirap yun."
"Medyo. Pero gusto ko naman ang ginagawa ko eh."
"Talaga? Kahit nasasaktan ka sa mga nakikitang mong gulo na nangyayari sa mundo? Kahit ang mga kapwa tao ay nag-aaway-away. Ganoon rin ang mga Ulome. Meron naman na nagkakasiraan at nagpapatayan. Gusto mo ba yun?"
"Kahit naman masakit ay hindi ko pa rin naman pwedeng talikuran ang responsibilad ko. Habang tumatagal kasi ay mas lumalala ang mga nangyayari sa mga tao. Hindi naman masyadong nag-aaway ang mga Ulome eh."
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantasyIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...