Chapter 79

12 1 0
                                    

"DITO!" tawag ni Sain sa mga babae. Panay ang kubli nila dahil nakakalat ang mga Ulome sa paligid. Hindi sila makakilos ng maayos.

"Pasensiya. Hindi ko napigilan si Coran." Wika ni Miyakira sa kanila.

"Wag mo ng isipin yun, Miya. Hahanap na lang tayo ng ibang paraan para makuha ang mga Gem. Nandito naman si Inaka eh." Tiningnan ni Wunesa ang babae.

"Kahit papaano ay alam ko ang mga paliko-liko sa palasyo. Parang alam ko na rin kung saan tinatago ni Loreni ang mga Gem natin." Sagot niya.

"Bago natin gawin yan. Kailangan muna nating iwasan ang mga Ulome dito. Sain, may lugar ba dito na walang mga Ulome?" hinawakan ni Hikari ang lalaki.

Napasaisip saglit si Sain. "Sa tahanan naming mga tao." Sagot niya. "Pwede tayong makapag-tago doon dahil maraming tao. Pwede kayong mag-suot ng disguise para hindi kayo makilala. Dito dali. Sundan niyo ako." gumapang sila sa mga damuhan.

Walang nagawa ang mga Diyosa kundi ang sundan si Sain. Mas mabuting gumawa sila ng matinong paraan dahil malalagay sa wala ang pagtakas nila.

Naging desperado na rin si Noburi. Kahit ito ay tumulong na rin sa paghahanap sa kanila.

"Mahirap ba ang trato ng mga Ulome sa inyo dito?" tanong ni Hikari sa lalaki. Mahina lang habang nakasunod sila dito.

"Hindi madali at hindi rin naman mahirap. Alipin ang trato nila sa amin pero hindi naman sila malala."

"Lahat ba ng mga tao dito alipin?" si Miyakira.

"Oo. Kailangang maging alipin ng mga tao para makatira sila dito sa loob ng Dome. Ang mga Ulome lang naman daw kasi ang may karapatang tumira dito kaya yun ang naging kabayaran ng mga tao sa pagsira ng mundo."

Nagkatinginan lang ang apat na babae.

"Ang galing gumawa ng kwento ng babaeng yun." wika ni Hikari.

"Alam mo ba kung saan tayo pupunta?" tanong ni Inaka.

"Wag kayong mag-alala. May mga kaibigan akong maaasahan natin. Tutulungan nila tayo. Isa sa kanila, malapit sa palasyo ang trabaho." Sagot lang niya.

"May ibang kaibigan ka pa maliban kina Imaru?"

"Hindi naman kailangang kunti lang ang kaibigan eh."

Di kalaunan ay narating na rin nila ang tahanan ng mga tao. Ilang tao ang nakikita nilang ginagawa ang mga trabaho habang papunta sila doon. Mukha rin namang walang tao sa lugar na yun lalo pa at hindi pa gabi.

"Sigurado ka bang nandito sila?"

"Susubukan lang natin." Pinuntahan niya ang isang bahay na alam niya at kumatok doon.

Patingin-tingin pa sila sa paligid dahil baka bigla na lang may mapadaan na Ulome doon.

"Kazuki!" tawag niya habang panay ang katok. "Kazuki, nandiyan ka ba?"

Walang kahit na anong kaluskus sa loob.

"Mukha namang walang tao dito eh."

Aalis na sana sila ng bigla nilang madinig ang pagbukas ng pinto. Sumalubong sa kanila ang pagkislap ng salamin ng taong bumukas non. Mabait ang bukas ng anyo ng lalaki na may kayumangging buhok.

"O Sain. Saan ka galing? Akala ko ba lumabas kayo ng Dome nina Imaru?" manghang tanong nito na inayos pa ang salamin.

"Sinong kasama mo diyan?"

"Nandito si Hayato pero--- tika!" hindi na ito nakapagsalita ng itulak niya ang pinto at pumasok siya.

Mabilis na pinapasok ni Sain ang mga babae na ikinagulat pa nito. Agad niyang sinara ang pinto at ni-lock. Sinilip pa niya ang bintana kung may nakapansin ba. Ng walang makita ay agad niyang sinara ang kurtina non.

"B-b-babae?" gulat na bulalas nito na pinamulahan ng bongga. Napaatras pa ito.

"Kazuki, pwede bang hinaan mo ang boses mo?" nayayamot na asik ng isang lalaking pababa ng hangdanan. Kulay pula ang buhok nito na may nayayamot pang anyo. May mahabang phonytail sa likod ng bahagi ng buhok nito. Artistahin rin ang itsura nito.

Pinanlakihan ito ng mga mata ng makita ang hindi inaasahang panauhin. "Mga babae?" gulat na bulalas nito. Pero hindi naman ito kasing gulat ni Kazuki.

Bumaba ito ng hagdanan at lumapit sa kanila.

"Kumusta, ako nga pala si Hayato." Nakangiting pagpapakilala nito na kumindat pa.

Pinamulahan ang mga Diyosa at kulang na lang ay maghugis puso ang mga mata sa nakita.

"Hi," si Hikari ang agad na lumapit sa lalaki. "Ako nga pala si Hikari." Pakilala niya agad sa mga ito.

"Hi, Hikari. Ako naman si Hayato." Nilahad niya ang kamay na agad nitong tinangap. Walang babala na hinalikan niya ang likod ng kamay nito na ikinakilig ng babae.

"Hoy!" nakasimangot na inilayo ni Sain ang babae sa playboy na kaibigan. "Itigil mo nga yan!" asik niya sa lalaki pero tinitigan niya ng masama si Hikari na nabigla pa. Maya-maya ang ngumiti lang ito ng makahulugan.

"Heh~ bad trip ka naman eh!" nag-pout ito at mabilis na nakalusot sa kaniya. Agad nitong inakbayan si Inaka. "Ang ganda mo, girl. Gusto mo bang mag-enjoy kasama ako?"

"O-oo!" wala sa sariling sagot ni Inaka.

"Inaka!" sinapak ni Miyakira ang babae sa ulo na nagulat. Mabilis niyang hinila palayo ang tatlo sa lalaki at tinitigan niya ito ng masama. "Hindi ko alam kung anong mahika meron ka pero hindi kami magpapahipnotismo sayo!" asik niya.

"Haha~ hindi naman ako nanghihipnotismo eh. Magandang lalaki lang talaga ako." at muling kumindat.

Nagpigil mapatili sa kilig ang mga ito.

"Hayato, pwede ba?" awat ni Sain dito. "Kailangan namin ang tulong niyo kaya kami naririto." Agaw pansin niya sa mga ito. "Kazuki." Tawag niya sa lalaking nanginginig sa takot at sobrang pula ng mukha. "Hindi ko pa rin maintindihan kumbakit napakalapit niyo sa isa't-isa gayong napaka-opposite niyo pagdating sa mga babae."

"Ano ba ang kailangan mo?" tanong ni Hayato na hinawi pa ang bangs. Sobrang hangin di porke't sobrang guapo. Napangiti siya ng makitang pinamulahan ang mga babae sa likuran ni Sain. "Lakas talaga ng charm ko."

"Hayato." Asik ni Sain dito.

"S-sandali." Wika ni Kazuki. "Wag mong sabihin na kayo ang pinag-hahanap ng mga Ulome kaya nagkakagulo ngayon sa labas? Lahat ng mga tao pinapabalik sa tahanan nila dahil doon eh."

Walang nakapagsalita.

Napasigaw ito sa takot. "Sain, wag mo kaming idamay sa gulo niyo! Kailangan itong malaman ng mga Ulome!" tarantang agad itong tumakbo sa pinto.

"Hindi mo pwedeng gawin yan! Pigilan siya!" malakas na sigaw ni Hikari.

Mabilis na dinamba ni Miyakira ang lalaki at binalibag ito padapa sa sahig at dinaganan. Napasigaw ito pero agad niyang pinigilan ang bibig nito.

"Heh~ ako rin!" bulalas ni Hayato na tumakbo kunwari sa pinto.

"Tumigil ka!" isang sampal ang binigay ni Wunesa dito.

Tumilapon ito at napatihaya. "H-hindi mo ako dinaganan.."

"Sain, sila ba ang dapat ay tutulong sa atin?" nakasimangot na tanong ni Miyakira.

Natatawang nagkamot na lang ng ulo si Sain. "Pasensiya na."

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon