MABILIS niyang pinigilan ang kamay nito. Natatakot kasi siyang baka masaksak nito ang prensepe. Hindi naman para sa prensepe yun eh. Ayaw lang niyang makapatay ito.
Tumingin sa kaniya ang nagulat ng babae.
Sumalubong sa kaniya ang lito at takot nitong anyo.
"Ano bang nangyayari sayo?" tanong niya.
"Hindi ko alam." Sagot nito. May pagmamadali. Nanginginig. "Wala akong maisip na paraan. Nawala lahat ng iniisip ko ng makitang may dalawang Diyosa silang bihag. Hindi ko alam kumbakit eh. Baka kasi mapahamak sila sa kung ano man ang gagawin ko. Hindi pwede."
Inagaw niya ang patalim sa kamay nito.
"Kailangan niyo akong ibalik sa kanila."
Tiningnan niya ang seryosong Ulome.
"Ako, kapalit ng mga Diyosa. Yun na lang ang tanging paraan para hindi sila saktan."
"Pag ginawa namin yun, saka naman nila kami papatayin." Reklamo ni Naru. "Hindi pwede."
Patuloy pa rin sa pag-iyak si Wunesa na niyakap lang ng mahigpit ni Miyakira. Nakabantay naman si Sain baka sakaling umalis ulit ang babae. Hindi na rin humihinto ang pagtulo ng mga luha ni Hikari.
"Hindi."
Nagulat sila sa sagot na yun ng prensepe.
"Susubukan kong kombinsihin si Coran na wag kayong saktan."
"Pero bakit?" manghang tanong ni Imaru sa prensepe. Seryosong-seryoso lang ang anyo nito.
Lumingon ito sa kaniya. "Dahil. . ." saka si Takari naman ang sinulyapan nito. Saka walang babalang hinawakan ang kamay ng babae. "Gusto kong makitang gumanda ulit ang mundo."
Hindi nakapagsalita si Takari.
Napatingin si Imaru sa kamay ng Ulome na nakahawak sa kamay ni Takari. Saka niya tiningnan ang mukha ng prensepe.
Mataman itong nakatitig kay Takari. May nababasa siyang pakikiusap at pag-asa sa titig nito.
Na para bang si Takari ang pinakikiusapan nitong ibalik sa dati ang mundo.
Hindi niya maintindihan.
Nalilito tuloy siya kung totoo ba o ilusyon lang ang nakikita niyang may paghanga at respeto siyang nakikita sa prensepe para kay Takari.
Pero bakit?
"Takari," pukaw ni Naru dahil nakatulala lang ang babae. "Wag ka ngang maniwala sa pinagsasabi niya?"
"Pero kailangan," sagot nito. "Ito lang ang paraan para hindi mapahamak ang mga Diyosa."
"Yun ba talaga ang dahilan?"
Bahagyang natigilan si Takari saka niya sinulyapan si Imaru. Seryoso itong nakatitig sa kaniya.
Hindi muna siya sumagot. Tiningnan lang niya ang prensepe na nakatitig lang sa kaniya. "Dahil naniniwala ako sa sinasabi niya."
Ngiti ang naging sagot ng prensepe.
Nag-iwas na lang ng tingin si Imaru.
Hindi na rin naman niya ito mapipigilan dahil mas matimbang pa rin naman ang buhay ng mga Diyosa.
"Magtiwala ka lang sa akin." Wika ng prensepe kaya tiningnan niya ito.
Dumako agad ang paningin niya sa mga kamay nitong nakahawak sa kamay ni Takari.
Tiningnan niya ang mukha ng babae at matamis na ngiti ang iginanti nito sa Ulome.
Dapat ba talagang yun ang sagot nito?
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantasyIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...