Chapter 26

23 5 0
                                    

NASUNDAN nila si Kazumi ng maglakad ito palapit sa babaeng nakatayo lang. Hihinihintay sila.

Lumipad palapit doon si Iminako at sinalubong ang babae.

Hanggang sa tuluyan na silang nakalapit at mas nakita ng malapitan ang babae.

Kulay kahil ang buhok nito at may kayumangging mata. Pandak ng kaunti kay Takari pero tao rin ang anyo nito. Dahon ang suot nitong damit. As in Dahon.

Pareho pang nagtaka ang mga tao dahil talagang preskong dahon yun.

"Bwisit talaga ang mga Halimaw na yun. Peste sa mga halaman ko." Bulong pa nito. "Hindi ko inaasahan pupunta kayo?" nakangiting salubong nito kay Kazumi.

"May mahalaga kasi kaming sasabihin sa iyo. Ikaw ang una naming pinuntahan." Nginitian ni Kazumi ang babae.

Hindi ito sumagot saka tumingin sa likuran niya. kumunot pa ang noo nito. "Sino naman sila?"

Tumabi siya para mas makita ng mga ito ang mga kasama niya. Nakatitig lang ang mga ito sa bagong Diyosa eh.

"Mga tao sila na lumabas sa Dome para hanapin tayo." Sagot ni Iminako.

"Dome?" nagulat ito. "Galing sila sa Dome?"

"Hi," si Takari rin ang nagsalita sa wakas. "Kumusta, ako nga pala si Takari. Ito naman ang mga kaibigan kong sina Imaru, Sasu, Naru at Sain. Mga lalaki sila kaya siguro sila nakatulala dahil ang ganda-ganda mo."

Siniko ni Imaru ang katabing babae na natawa lang ng malutong.

Kumunot lang ang noo nito. "Alam kong mga lalaki sila. Namangha lang siguro akong makakita ulit ng mga tao. Akala ko tuluyan na nilang tinalikuran ang mundo pagkatapos nila itong abusuhin at nagtago na parang mga duwag na daga."

Pinanlakihan sila ng mga mata. Ibang-iba kasi ito sa dalawang Diyosa.

At marahil, hindi ito kasing friendly ng dalawa. Nakikita na nila yun sa talim ng titig nito sa kanila. Nawala na rin ang ngiti nito na kanina lang ay ipinakita nito kina Kazumi at Iminako.

Walang nakapagsalita sa lima. Natawa naman ng maiksi si Iminako sa reaksyon nilang mukhang takot na takot.

Siniko ni Naru si Sain. Siniko ulit siya nito. Siniko naman niya si Sasu. Siniko naman nito si Imaru. Siniko naman ni Imaru si Takari na sumiko rin pabalik. Nagtutulakan sila kung sino ang magsasalita eh.

"Miyakira," natatawang awat ni Kazumi sa kaibigan. Pareho na kasing nanigas ang apat eh. "Wag mo nga silang takutin. Alam nating pareho na ginawa lang nila yun para mabuhay."

"Oo nga, para maabuso ulit nila ang mundo kung bumalik man ito sa dati. Tingin ba nila hahayaan ko ulit yun?" sagot nito pero sa kanila nakatitig ng masama.

Muling nag-sikuhan ang lima.

"Mas apektado si Miyakira sa pag-abuso ng mga tao noon dahil sa lupa nakatanim ang mga halaman. Sa halaman nakasalalay ang mga hayop. Parang siya na rin ang nagbabantay ng eco-system ng lupa. Maiintindihan niyo rin kumbakit galit siya sa mga tao." Paliwanag ni Iminako sa kanila. Pero nakangiti pa ito. Parang natutuwa sa kamiserablehan nila.

"Hindi ako galit sa mga tao. Kinamumuhian ko sila katulad ng pagkamuhi ko sa mga Ulome." Pagtatama nito.

"Miyakira. Gusto nila tayong tulungan."

"Ano?" gulat na tiningnan nito si Kazumi. "Hihingi tayo ng tulong sa mga hampas lupang tao na yan? Hindi Kazumi. Ayaw kong humingi ng tulong mula sa mga mapanirang tao na yan."

"Nakakapikon na itong isang to ah!" bulalas ni Takari.

"Takari," pinigilan ni Imaru ang babae sa braso dahil lumapit ito sa Diyosa pero hindi ito nagpapigil.

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon