"YEAH~ Now this is Life." Kontentong bulalas ni Naru saka siya bumuntong-hinga ng malalim.
Nagising siya dahil sa masusuyong haplos ng malalambot na kamay. Ng dumilat siya ay sumalubong sa paningin niya ang magagandang babae na nakabihis katulong.
Nakahiga siya sa isang Queen Size bed na mistulang silid ng isang prensepe. Napaka-laki at engrande ng silid niya. Lahat ng mga naninilbihan sa kaniya doon ay mga babaeng magaganda at seksy.
Nakatira siya sa isang mansyon at lahat ng mga kagamitan doon ay halatang mamahalin. Napakalinis at kintab ng buong lugar. Kompleto sa pagkain at mga damit.
Ngayon nga ay masaya siyang pinapaliguan ng mga katulong niya habang nakalublub siya sa bath tub. May sumusubo naman sa kaniya ng grapes.
Napakalawak rin ng bakuran ng bahay nila ng silipin niya sa labas. May malaking fountain sa gitna at engranding gate sa di kalayuan. May mga kotseng nakaparada at lahat ng yun ay brand new at mamahalin.
Nakita rin niya ang isang silid na puno ng kayaman.
Kung panaginip man yun. Ayaw na niyang magising.
Ngumanga siya saka naman sinubuan siya ng isang babae sa tabi. Masayang kinurot niya ang pisngi nito.
"Sabihin niyo sa akin girls. Ilan ba kayong mga katulong ko dito?" tanong niya sa mga ito.
"Marami po. Pinipili niyo lang kasi ang mga dalagang katulong." Sagot ng isang babae.
"Ako ba ang pinakamayaman dito?"
"Opo. Kahit nga sinong babae ay umaasahang manungkulan sa inyo."
Natawa ng malakas si Naru. Yun na ang pinakamagandang bagay na nangyari sa kaniya at wala ng sisira kahit ano doon.
Biglang bumukas ng malakas ang pinto.
Nagsigawan ang mga babae na agad nagtakbuhan paalis.
Nagtaka si Naru na napabangon. "T-tika, saan kayo pupunta?" tawag niya sa mga ito pero hindi na bumalik ang mga ito.
Tiningnan niya ang bumukas na pinto. Pinanlakihan siya ng mga mata ng makita ang isang napakatabang babae na may magarang kasuutan. Sobrang pangit nito. Hindi naman sa panlalait pero talagang napakapangit nito.
Mas pumangit pa yata ito sa mistulang clown nitong make up at mukha na itong Drag Queen sa dami ng mga alahas na suot nito.
"Naru, kailangan na nating umalis." Bulalas nito.
Naikunot niya ang noo niya. Hindi naman kasi niya ito kilala eh. "S-Sino ka?"
Nagulat ito. "Ano bang pinagsasabi mo? Ako ang asawa mo."
"HA?!" ang lakas ng boses niya. "H-hindi kita asawa." Parang gusto niyang masuka eh.
"Eh ano yan?" may tinuro ito sa dingding.
Isang napakalaking wedding picture kung saan naroroon siya at ito.
Hindi na naalis ang panlalaki ng mga mata niya at pagnganga. Parang tumigil na rin ang mundo sa pagkakataong yun eh. Ayaw na nga rin yata niyang huminga.
"Magbihis ka na. Ngayon ang flight natin papunta sa ibang bansa para sa wedding anniversary natin." Excited pang wika nito. "Magkakaroon tayo ng second honeymoon."
Napasigaw siya ng malakas.
Gusto na niyang magising.
~~
"TEACHER! Kumusta, Teacher. Maligayang pagbabalik."
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantasyIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...