NAKAWALA si Iminako mula sa mga usok pagkatapos silang bugahan ni Pyro. Hindi pa rin ito tumitigil kaya hindi makakilos si Noburi.
Well, hindi naman siya napapaso kaya walang problema sa kaniya yun. Lumipad siya paalis doon. Hindi pa rin tumigil sa ginagawa niya si Pyro. Umaasa siyang matatapos ito sa paraan na yun.
Natigilan si Iminako ng may maramdaman siyang kakaiba. Mabilis siyang tumingin sa dereksyon ng palasyo. Naikunot na lang niya ang noo niya ng may makita siyang usok na lumalabas mula sa palasyo.
"Hindi!"
Patda siya ng madinig ang malakas na sigaw na yun ni Noburi. Biglang sumabog sa bahagi nito dahilan para mahinto si Pyro sa ginagawa at sabay silang humagis palayo.
Tumama ang katawan niya at natumba naman si Pyro na lumikha pa ng malakas na paglindol. Nawala rin ang pagliliyab ng katawan nito.
"Pyro!" mabilis siyang bumangon saka niya nasundan ng tingin si Noburi.
Wala man lang nangyari dito pagkatapos ng malakas na apoy na yun. May galit sa anyo nito na agad sumugod sa palasyo. Hindi niya alam kumbakit pero nagduda na rin siya.
"Pyro, tulungan mo sina Hydro." Aniya dito saka siya lumipad ng matulin at sinundan ito ng tingin.
"Mag-iingat ka!" sagot lang nito saka ito lumipad papunta sa dereksyon ng mga nagkakagulong Dragon.
"Iminako!" malakas na sigaw ni Takari ng makita niya itong sinusundan si Noburi papunta sa palasyo.
Mabilis niyang hinarangan ang ataki ni Hikari sa kaniya. Napaigik siya ng malakas dahil kuryente yun.
"Wala tayong mapapala kung hindi tayo lalaban, Takari." Wika ni Kazumi sa kaniya na pinalipad sa malayo ang mga Diyosa pero agad namang nakabawi ang mga ito at muling sumugod.
"Sundan mo si Iminako. Masama ang kutob ko sa pagsunod niya kay Noburi!" aniya.
"Paano ka?"
"Ako na ang bahala sa kanila." Inayos niya ang tayo saka hinanda ang sarili sa pagsugod ng apat. "Wag kang mag-alala. Kaya ko sila."
Hindi sumagot si Kazumi. Nakatingin lang siya kay Takari pero ng makitang seryoso ang kaibigan ay umalis na lang siya doon at lumipad papunta rin sa palasyo.
"Ako ang kalaban niyo!" mabilis na hinuli ni Takari sina Inaka at Miyakira ng akmang susunod ang mga ito kay Kazumi. Hinuli niya gamit ang tubig ng nagmistulang latigo.
Saka niya hinagis palayo ang dalawa.
Sumugod naman sa kaniya sina Wunesa at Hikari. Parehong kumikidlat ang mga kamay ni Hikari.
"Wag niyong kalimutan na ako ang Diyosa ng Tubig at may dahilan kumbakit ako ang naging pinuno. Ipapaalala ko sa inyo yun." itinaas niya ang mga kamay at iginalaw ang mga daliri.
Natigilan ang dalawa at nanigas. Nagpumilit na kumilos ang dalawa. Sumugod ng sabay sina Inaka at Miyakira sa kaniya pero itinatapat niya ang isang kamay sa mga ito.
Nanigas ang apat at hindi makakilos sa kung anong bagay na pumipigil sa kanila.
Inihagis niya palayo ang mga ito papunta sa isang bahagi at ibinangga ang mga ito. Napasigaw sa sakit ang mga ito at idinikit niya doon na parang glue.
Lumapit siya at inisa-isa niyang pinitik ang noo ng mga ito kaya naiwang walang malay.
Bumuntong-hinga na lang siya habang nakatingin sa mga kaibigan na tulog na. Ikinulong niya sa harang na gawa sa tubig ang mga ito.
"Kaya kung kontrolin ang kahit na anong tubig kahit pa ang tubig sa katawan niyo. Seventy percent ang tubig sa katawan ng isang tao ano? Sana hindi niyo nakalimutan yun." marahas na bumuntong-hinga na lang siya. "Pero bakit hindi ko agad ginawa ito kanina?"
Oo nga.
Lumipad siya at sumunod sa dalawa.
----------
BUMANGON si Imaru pero hindi niya naiwasan ang wag mapaigik ng maramdaman ang sakit sa gilid ng katawan. Tumama siya sa gilid ng pinto ng biglang sumabog ang kung ano.
"Sasu," tawag niya agad sa kaibigan na bumangon na rin pero nakatanaw kay Coran. May gulat sa anyo nito.
Nasundan niya yun ng tingin at ganoon na lang ang gulat niya ng makita ang galit na si Noburi. Nakatayo na ito doon na galit ang anyo at nasa likuran nito si Coran.
"Mga lapastangan!" galit na wika nito.
Nakilala pa rin nila ito sa kabila ng kakaibang anyo nito.
"Noburi!" hinanda niya agad ang sarili sa posibleng pagsugod nito sa kanila. Hindi maganda ang nararamdaman nila mula dito eh.
"Dapat talaga pinatay ko na kayo!" gigil na wika nito. Saka itinaas ang kamay. Mabilis na sumugod sa kanila ang mga usok na nakapalibot dito.
"Sasu takbo!" hinila ni Imaru ang kaibigan palabas ng silid pero hindi na nila nagawa. Nahuli na sila ng maiitim na usok. At kahit usok lang yun, pakiramdam nila ay dinadaganan sila ng mabigat na bato.
Napasigaw silang pareho ng maramdaman ang mistulang pag-ipit ng maitim na usok sa kanila.
"Imaru, Sasu!" gulat na sigaw ni Iminako ng makita ang dalawang lalaki. "Pakawalan mo sila Noburi!" mabilis niya itong sinugod.
Hindi niya naiwasan ang ataki nito dahilan para matilapon siya. Sa sobrang lakas ng ginawa nito ay nasira ang mga dingding ng palasyo at tumagos siya hanggang sa labas.
Nagulat si Kazumi ng makita ito. Mabilis niya itong tinulungan. "Iminako!" nasalo niya agad ito bago pa ito bumangga.
"Nasa loob sina Imaru at Sasu."
Pinanlakihan siya ng mga mata. Mabilis nilang sinugod papasok ang palasyo pero pumalibot ang makapal at maitim na usok sa paligid non na parang harang.
Parang unan na tumalbog lang sila doon pagkabangga.
"Sasu!" sinubukang pasukin ni Kazumi ang usok pero niluluwa lang siya non palabas. Sunod-sunod niya yung ginamitan ng kapangyarihan pero hindi nauubos ang itim na usok non. "Iminako, sabihin mo. Anong nasa loob?" tiningnan niya ang babae.
Inalala saglit ni Iminako ang nakita niya. Masyadong mabilis ang nangyari dahil sa nakita niyang nangyayari sa mga kaibigan.
"May pino-proktehan si Noburi sa likuran niya. Hindi ko na masyadong nakita kung ano yun. Marahil kaya galit na galit si Noburi kina Sasu at Imaru dahil nakita nila yun." sagot niya.
"Anong nangyari?"
"Takari!" sabay nilang bulalas ng makita itong palapit.
"Nasa loob sina Sasu at Imaru. Hindi maganda ang ginagawa ni Noburi sa kanila." Mahinahong wika ni Kazumi. Wala silang mapapala kung mawawalan agad siya ng pasensiya eh.
"Tsk!" yun agad ang naging sagot ni Takari kaya nagkatinginan lang ang dalawa. "Ano naman ang ginagawa nila dito?" inis na sagot nito.
"May kung anong bagay sa loob na kakabit sa kapangyarihan ni Noburi. Hindi kami makapasok sa mga usok na ito." sagot ni Iminako.
Hinawakan ni Takari ang mga itim na usok. Tumagos ang kamay niya pero niluwa yun ng usok. Napaatras na lang siya.
"Susubukan kong gumawa ng lagusan papasok. Siguruin niyong makakapasok kayo at iligtas ang dalawang yun." tiningnan niya ang dalawang Diyosa.
Tumango lang ang mga ito saka umatras. Hinanda ng mga ito ang sarili.
Hinarap niya ang usok. "Hindi mo ako mapipigilan sa ganitong paraan Noburi." Bulong niya saka hinarap ang mga palad sa usok. "Hindi mo ba alam na gawa sa maliliit na tubig ang isang usok? Kaya kong kontrolin to, pansamantala."
Mabilis siyang gumawa ng butas hanggang sa nakita nila ang palasyo sa loob.
Agad namang lumipad papasok ang dalawa tamang-tama lang para muling sumara ang usok.
May tiwala siya sa mga ito.
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantasyIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...