Chapter 54

15 3 0
                                    


"Magsisisi ka dahil hindi talaga ako magpapasensiya sayo!"

Napatayo siya at nagsimulang maglakad papunta sa liwanag.

"Imaru, saan ka pupunta?"

Tiningnan niya ang kalansay. "Pasensiya na, pero hindi ko hahayaang magkaroon ng katotohanan ang pantasya ng babaeng yun sa akin."

"Ano bang pinagsasabi mo?" naalarma ito.

"Aalis na ako dito. Hindi ako pwedeng manatili dito. Hindi habang buhay."

"Pero kapag bumalik ka doon, malulungkot ka. Ikaw lang mag-isa. Wag mo akong iwan!"

"Pasensya na. Pero hindi ako mamamatay na tulad mong mag-isa at malungkot, Imaru." Nginitian niya ang kalansay.

Nagkabitak-bitak yun hanggang sa naging abo at inihip ito ng marahang hangin. Muli niyang ipinagpatuloy ang paglalakad papunta sa liwanag.


~~

"BILISAN mo na Takari. Alam mong hindi magigising si Imaru kapag binantaan mo siya ng ganyan."

Tinitigan ng masama ni Takari si Naru. Ito pa yata ang atat sa gagawin niya eh.

"Pwede ba? Hindi ka ba makapaghintay?"

"Ang tagal mo eh."

"Baka mahuli ka na at hindi na magigising si Imaru." Wika naman ni Kazumi.

"Ito na o, hahalikan na nga. Kapag hindi talaga kayo nag-hintay, ingungudngud ko ang mga labi niyo sa pader." Mura niya.

Saka niya hinarap si Imaru pero ganoon na lang ang gulat niya ng magsalubong ang mga mata nila.

Kasunod ng pag-ihip nito sa bibig niya.

Nagsisigaw na napaatras siya sabay takip ng bibig. "Gising ka!" Hindik na sigaw niya. Daig pang nakakita ng patay na nabuhay.

"Imaru!" masayang bulalas ni Naru. "Gising ka? Paano ka nagising?"

"Nadinig ko ang banta ni Takari eh." Tumayo ito na pinagpag ang sarili saka tiningnan si Takari. Bahagya siyang napangiti saka naman pinanlakihan ito ng mga mata. "Salamat. Nagkaroon ako ng motivation para umalis sa ilusyon na yun."

Hindi ito nakapagsalita na pinamulahan lang pero nagdidilim ang anyo.

"Sana hindi ka agad gumising. Sana hinayaan mong halikan ka ni Takari." Sulsul pa ni Naru.

"Kaya nga ako nagising eh. Ayaw kong halikan niya ako. Alam kong isa yun sa pantasya niya at ayaw ko siyang pagbigyan."

"Hoy! Ang kapal naman ng mukha mo!" galit na tumayo na ang pikon na babae. "Tingin mo ba gusto rin kitang halikan? Ang swerte mo naman yata. Hindi ko gagawin yun kung hindi lang ako pinilit ng dalawang halimaw na yan." tinuro sina Naru at Kazumi na nagpigil ng matawa.

"Pumayag ka sa gusto nila, ibig sabihin gusto mo rin. Diba?"

"Aba't---!"

Ang lakas ng tawa nina Naru at Kazumi lalo na dahil sa itsura ni Takari.

"Imaru," boses yun ni Sain.

Nasundan nila ng tingin yun.

"Miyakira." Napangiti si Kazumi ng makitang maayos na ang babae pero naikunot niya ang noo niya ng makitang nakayakap ito sa braso ni Sasu. "Ayos ka na?" di na lang niya yun pinansin.

Mabilis itong bumitiw sa braso ni Sasu. "Oo,"

"Salamat." Aniya kay Sasu. Tumango lang ito. Mabilis siyang tumalikod. "Tayo na. Umalis na tayo dito bago pa ulit mangyari yun." aniya saka nauna.

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon