Eh ikaw, Iminako? Paano ka mag-enjoy?"
"Forest fire. Mga sunog ng bahay. Halos lahat ng sunog. Minsan kasi, sinasabayan ko ang init ng araw. Minsan naman ang bulkan."
"Sayo ang bulkan?"
"Sa amin ni Miyakira." Ngumiti pa ito.
"Hindi pa ba kayo matutulog?" agaw pansin ni Imaru sa mga kasama. Humikab siya. "Mauuna na ako ha?" aniya saka tumayo ng tumango ang mga ito.
"Gusto mo lang puntahan si Takari eh!"
Natigilan si Imaru saka niya tiningnan ang mga kaibigan. May nagpipigil ng ngiti ang mga ito. Halatang nanunukso. Kahit ang mga Diyosa ay hindi na rin napigil ang wag siyang tuksuin ng tingin eh.
"Kung ganoon, nasaan nga ba ang silid niya?" tanong niya.
Napuno ng tukso ang mesa pero wala lang siyang kibo. Nakatingin lang siya sa mga ito.
"Iba na yan ha?" tukso pa ni Sasu.
"Seryoso, nasaan ba ang silid niya?"
"Pupuntahan mo talaga siya?" gulat na tanong ni Naru.
Tinaasan niya ito ng kilay. "Bakit? Hindi ba't ikaw ang nakakaalam non?"
Namangha ito. "Pero tinutukso lang kita eh. Ano ka ba naman Imaru? Magkaroon ka naman ng kunting pagkailang o. Alam mong gusto ka ni Takari. Di ka ba makakaramdam ng kahit ano? Manhid ka ba?"
"Hindi rin magandang ganyan ka lang palagi. Siguradong masasaktan si Takari dahil alam niyang alam mong gusto ka niya. Syempre babantayan niya ang mga kinikilos mo. Kapag nanatiling kang hindi affected ay baka isipin na niya bilang rejection yun." si Sain.
Naikunot na lang niya ang noo niya. "Ano bang pinagsasabi niyo? Mga bading ba kayo? Daig niyo pang mga babae kung pag-usapan ang ganito ah."
"Sus, parang hindi rin naman interesado." Si Sasu.
"Ano ba dapat ang pag-usapan? Lalaking usapan? May mga babae o. Diyosa pa." Tinuro ni Naru ang dalawa na parehong kumunot ang noo.
"Bakit? May kaibahan ba ang usapan ng mga babae at lalaki?" tanong ni Iminako. Kitang-kita ang ka-inosentehan sa tanong.
Natawa lang ng mahina si Naru. "Meron. Pero hindi ko na sasabihin ang mga detalye." Siniko siya ni Sain kaya siniko rin niya ito.
Lalong kumunot ang noo ng babae. "Sabihin mo."
"Ang silid ni Takari?" agaw pansin ni Imaru.
"Hindi namin alam eh. Siguro, tingnan mo na lang. Baka madaanan mo. Marami kasing silid itong palasyo eh. Baka pumili siya ng isang silid." Sagot lang ni Kazumi.
Tumango lang si Imaru saka umalis.
Kunot-noong nasundan na lang ng tingin ni Kazumi si Imaru. Ang wierd nga na wala itong reaksyon sa nalaman eh. Baka naman wala itong gusto kay Takari? Pero close naman ang dalawa eh.
"Iniisip mo bang baka walang gusto si Imaru kay Takari?" tanong ni Sasu sa kaniya.
"Wala ba siyang gusto?" tiningnan niya ito.
Nagkibit-balikat lang ito. "Tinatanong ko rin yan sa sarili ko eh. Magkasama lang naman sila sa library na pereho nilang pinagta-trabahuan sa Dome. At sa pagkakaalala ko, nagkalapit lang sila nitong mga nagdaan na araw. Nong mapag-usapan naming hanapin kayo."
"Baka naman, ayaw lang niyang aminin at ipahalata dahil sa sinabi niyong rejection." May kahinaan ang boses nito at inosente sa anyo.
Napatitig si Sasu sa babae saka siya natawa ng maiksi. "Hindi naman siya mare-reject ni Takari dahil gusto naman siya nito eh."
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantasyIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...