"Nagkalitse-litse na! Kaya pala walang nagtatagal na tao dito sa labas eh. Pinamumugaran pala ng mga halimaw ang labas ng Dome. Kasi naman eh!" malakas na sigaw ni Naru.
"Pwedeng tumahimik ka muna?" asik ni Takari sa kaniya kaya natigilan rin ang lalaki.
Hindi sila kumilos. Hindi rin nagsalita bagammat binabalot na sila ng takot. Nadidinig pa rin nila ang mga kaluskus. Dumadami yun, lumalapit pero wala naman silang makita sa paligid.
May hawak-hawak na rin silang mga armas.
"Dito," tawag ni Takari sa mga lalaki ng tingnan niya ang compass. Mabilis niya yung isinilid sa bulsa at saka naglakad ng dahan-dahan. Sumunod na rin ang mga lalaki.
Nagmamatyag sila sa paligid. Baka kasi kung ano ang bigla na lang lumabas at aasahan na lang nila ang napakaraming halimaw na tulad nong nauna nilang nakita.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Imaru sa babae. Papunta kasi ito sa iba pang gusali.
"Magtatago tayo sa mga gusali. Siguro naman hindi nila tayo matutuntun doon." Tumingala ito. Tapos na rin ang sandstorm. Pwede na sana silang makalabas sa syudad na yun pero pinamumugaran pala yun ng mga halimaw.
Nagkubli agad sila sa isang gusali saka naman naglabasan ang mga halimaw na katulad na katulad nga ng isa. Agad silang nagtago dahil napakarami non. Halatang hinahanap sila.
"Wag kayong maingay." Bilin pa nito sa kanila.
Parang hindi naman nila alam yun.
Pinagmasdan nila ang mga halimaw na dumadaan lang sa paligid. Hinahanap sila pero hindi naman makita ng mga ito. Siguro sa mata nakabase ang mga ito at hindi sa kung ano ang naamoy.
"Kailan ba aalis ang mga yan?" bulong ni Sain.
"Baka naman aalis din sila agad kapag hindi tayo nakita." Sagot ni Imaru.
Saglit pa silang naghintay ng mapansin nilang biglang nataranta ang mga ito. Hindi nila alam kung ano ang ikinatataranta ng mga ito na agad nag-alisan.
"Anong nangyayari?" sumilip si Naru.
Isang halimaw ang nakapansin sa kanila na agad sumugod sa kabila ng taranta ng ilan.
"Baliw ka talaga!" inis na hinila ni Sasu ang lalaki padapa.
"Huli na para diyan." Tumayo si Imaru at hinanda ang patalim. Sasalubungin niya ang halimaw. Bigla itong lumundag dahilan para kabahan din sila.
Ngunit bago pa ito tuluyang makalapit ay may dumagit bigla dito. Napasigaw yun ng malakas.
"Ano yun?" napatayo sa gulat si Takari at sinilip yun. Sinilip na rin nila yun at namangha sila ng makita kung ano yun.
Isang napakalaking puting agila lang naman.
"Takari," mabilis na hinila ni Imaru ang babae kaya naiwasan nito ang agilang dumaan.
Nakita na rin nila kung paano dagitin ng mga agilang yun ang mga halimaw na natitira. Hindi lang naman kasi isa o dalawa ang mga agila. Marahil na sampu ang mga yun. Dinadagit ng mga ito ang mga halimaw at hindi nila alam kung saan pupunta yun.
"Pagkakataon na natin. Dali!" lumabas si Takari at tumakbo.
"Sandali lang, hindi ka ba natatakot sa malalaking agila na yun?" sigaw ni Naru. Napasunod na rin siya dahil sumunod na rin ang ilan. "Imaru, Sasu, Sain, ano ba naman?"
"Umiwas ka na lang." Sagot ni Sain.
Tinakbo nila ang kabilang gusali at nagkubli.
Nagkakagulo pa rin kasi. Dinadagit pa rin ng mga agila ang mga higanting pugita doon. Parang bumabalik nga lang ang mga yun eh.
Nagulat sila dahil isang agila ang lumapag habang nakadagan sa higanting pugita. At doon mismo ay tinuka nito ang halimaw at kinain.
Napasigaw sila sa takot. Dahilan para tumingin sa kanila ang higanting agila. Sumigaw ito ng malakas saka naglakad papunta sa kanila.
"Takbo, takbo!" sigaw ni Imaru.
Sumuot sila sa ilalim ng gusali. Hindi naman nagpapigil ang agila. Kahit hindi ito makapasok ay pinilit pa rin sila nitong tukain. Sumuot pa sila hanggang sa mapadpad sila sa kabilang bahagi ng gusali. Tinakbo nila yun at liliko na sana pero naroon na ulit ang mga agila.
Pumunta sila sa isang bahagi pero sa gulat nila ay may lumapag rin na isa pang agila. Sumigaw pa ito ng malakas.
"Balik sa gusali!" sigaw ni Sain.
Bumalik sila sa gusali.
Natigilan sa pagtakbo si Takari ng malaglag ang compass niya. "Ah, lintik!" inis na binalikan niya yun.
"Takari, wag!" sigaw ni Imaru ng makitang bumalik ang babae. Tinakbo niya ito. Dumapa siya dahilan para maiwasan niya ang isang agila. "Takari!" sigaw niya sa babae. Mabilis nitong kinuha ang compass at bumalik sa kaniya. Mabilis niya itong hinila. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" asik niya dito.
"Ang compass, sira! Hindi pwedeng malaglag ito. Ito na lang ang pag-asa natin sa lintik na mundong ito!" sagot nito.
"Imaru! Dapa!" sigaw nina Sasu mula sa gusali.
Tumingala siya saka niya nakita ang papalapit na agila. Mabilis siyang dumapa. Pero nadinig niyang sumigaw si Takari.
"Takari!" sigaw nina Naru.
Bumangon siya saka nakitang dinadagit na ng ibon si Takari na nagwawala. "Takari!" hinabol niya ito pero ang bilis lumipad ng ibon.
"Imaru!" sigaw nina Sain.
Bago pa niya mamalayan ay dinagit na rin siya ng ibon. Tiningnan niya ang mga kaibigan. Hayun at nadagit na rin ng magtangka ang mga itong tulungan siya. Tinanaw niya si Takari. Hawak-hawak ito ng ibon tulad niya.
Papunta ang mga ibon sa hindi niya siguradong dereksyon. Para bang dadalhin sila sa kung saan.
Nakasunod na rin ang mga ibon na dumagit kina Naru.
Mukha namang hindi sila kakainin ng mga ibon na yun eh.
Natatanaw niya ang buhangin sa baba. Napakalayo nila sa lupa at siguradong mamamatay sila kapag hinulog sila ng mga dambuhalang ibon na yun. Sana lang walang mangyaring masama sa kanila pagkatapos non.
================
Next update on 12/5
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantasyIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...