Chapter 99

12 0 1
                                    

"MIHO," mahinang bulong ni Coran saka siya dahan-dahang dumilat.

"Coran," masayang bulalas ng kapatid niyang si Cirun. Sumalubong agad sa paningin niya ang masayang anyo nito. "Coran!" natutuwang hinawakan siya nito.

"Kuya," bumangon siya saka tumingin sa paligid. Nasa sariling silid siya ng bahay nila. "Anong ginagawa ko dito? Anong nangyayari?" nalilitong tanong niya.

Hindi sumagot ang kapatid niya. "Wag mo ng isipin yun, ang mahalaga ay hindi ka nasaktan."

Napahawak na lang sa ulo si Coran. Ang huli niyang naaalala ay bihag siya ng mga Diyosa at ni Sain ng tumakas ang mga ito. Nakatakas siya sa mga ito at nasalubong niya si Noburi.

Hinawakan nito ang noo niya at agad siyang nawalan ng malay.

"Anong nangyayari Kuya?" tanong niya dahil kahit may tuwa sa anyo nito, hindi naman naalis ang pag-alala doon.

"Pasensiya ka na sa ginawa namin Coran." Bulalas nito. "Hindi namin sinasadyang ikaw ang gamitin para magamit ni Noburi ang mga kapangyarihan nating halimaw."

Pinanlakihan siya ng mga mata. Alam niya ang plano ng ama nila. Ang tulungan si Noburi na maging Diyosa dahil kapag nangyari yun, pwede na silang mamuhay sa ibabaw ng mundo katulad ng mga tao.

Pero hindi niya inaasahang siya pala ang gagamitin ng mga ito.

"Pero ayos na ang lahat. Nagising ka na rin at sa pagkakataong ito, hindi na magagamit ni Noburi ang kapangyarihan nating mga halimaw."

"Bakit? May nangyari ba?"

Napuno ng takot at pangamba ang anyo nito. "Hindi na maganda ang nangyayari ngayon sa mundong ibabaw. Nagkakagulo ang lahat. At si Noburi, nilinlang niya tayo."

"Ano?"

"Ang sabi niya, tulungan lang natin siyang talunin ang mga Diyosa para makontrol niya ang mga Elementong Dragon at maging Diyosa siya ng lahat ng Elemento pero. . ." nakagat nito ang pang-ibabang labi bago ulit nagsalita. "Gusto lang pala niyang malaman kung saan nakatago si Darkos at ginamit niya ang kapangyarihan na pinapahiram natin sa kaniya para masira ang kulungan nito."

Hindi nakapagsalita si Coran.

Sa pagkakataong yun, umaasa siyang sana ay may magawa ang mga Diyosa.

"Pero matatalo naman yun ng mga Diyosa diba? Tulad ng ginawa nila noon."

Hindi ito sumagot kaya nag-alala siya.

"Kuya,"

"Hindi ko alam Coran. Masama rin ang lagay ng mga Diyosa ngayon lalo pa't sapilitang kinokontrol ni Noburi ang ilan sa kanila. Hangga't hindi kompleto ang pitong Elemento, wala ng pagkakataon para mahuli at makulong ulit si Darkos."

"Hindi," napailing na lang siya. Ngayon ay binaha siya ng pagsisisi. Hindi niya alam kumbakit nadala siya ng mga matatamis na salita ni Noburi. Na magiging malaya sila kapag ito ang naging Diyosa.

Malaya naman sila eh. Hindi naman sila nakakulong sa lupa. Sadyang yun ang tahanan nila at hindi naman ipinagkait ng mga Diyosa sa kanila ang mundong ibabaw. Sila lang talaga itong masama ang hangarin at walang ibang gusto kundi ang kainin ang mga tao.

"Ano ang ginagawa nila ngayon? Tika," napasinghap siya. "S-si Miho. Kasama ba nila si Miho? Ligtas ba siya?"

Tumango ito kaya nawala ang pag-alala niya para sa kasintahan.

"Ano ng gagawin natin ngayon, Kuya? Hindi ba natin pwedeng tulungan ang mga Diyosa? Ayaw ko rin sa Darkos na yun. Kapag walang nakapigil sa kaniya, kakainin niya ang buong mundo. Ayos na sa aking nakatira tayo sa ilalim ng lupa basta wag lang magunaw ang mundo."

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon