Chapter 61

14 2 0
                                    

Apologies, now ko lang napansin na ibang chapter pala na-post. I edited it.


=======================


"ANONG nangyayari? Anong lugar to?" tanong na lang niya dito.

"Nasa gilid tayo ng pinakamalalim na trench ng mundo. Sa ngayon ay bihag ka namin at wala ng tutulong sayo. Wala na tayo sa malamig na lugar. Malayong-malayong lugar na ito." sagot nito.

Tinitigan lang niya ito. Sinulyapan niya ang mga tauhan sa likuran nito. Hindi niya maintindihan kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Sila ang mga Diyosa." Nakangiting wika nito kahit hindi naman siya nagsalita. "Hindi ko na iisa-isahin pa kung sino-sino sila pero tama ang sabi ko sayo diba? Buhay pa sila at totoo sila. Ano ka ngayon ha?"

"Hindi mo na rin naman kailangang sabihin sa akin kung sino sila. Kilala ko silang lahat." Nag-iwas siya ng tingin kaya hindi niya nakita ang bahagyang pagtaas ng kilay ni Takari.

Nakita niyang lahat ng yun sa ilusyon. Sa katunayan. Alam na niya ang lahat. Magkaganoon man, hindi pa rin niya alam kung ano ang gagawin.

"Kilala mo silang lahat?"

Muli niyang tiningnan ang babae na may mangha sa anyo. Tingin lang ang naging sagot niya dito.

"Oo nga naman." Wika nito maya-maya. "Syempre alam mo yun dahil alam mo nga ang tungkol sa kanila diba?"

"Sabihin mo, wala silang maalala diba?"

"Anong ibig mong sabihing maalala?"

"Wala silang maalala sa lahat ng mga nangyari dati. Ang tanging alam lang nila ay mga Ulome ang may kagagawan ng lahat ng nangyari."

"Hindi ba?"

Natawa lang siya ng maiksi dahilan para mas lalo itong mahiwagaan sa kaniya.

"Hoy, hali kayo dito." Tawag nito sa mga kasama na agad tumingin at lumapit sa dereksyon nila.

"Well, gising na pala siya." mungkahi ni Naru habang nakatitig sa kaniya.

Nakatingin lang din sa kaniya ang ibang Diyosa na wari'y sinusuri pa siya ng mabuti.

"Siya ang prensepe ng mga Ulome?" tanong ni Wunesa. "Wala namang kakaiba sa kaniya maliban sa isa pa rin siyang Ulome."

"Wala naman talagang kakaiba sa kanila maliban sa mga traydor sila." Sagot naman ni Miyakira.

"Traydor?" naulit niya na bahagya pang natawa kaya nagtaka ang mga ito sa reaksyon niya. Totoong siya ang nakagapos ngayon pero may alam siyang hindi alam ng mga ito. "Hindi ba dapat sabihin mo yan sa harap ni Inaka?"

"Anong sabi mo?" galit na akmang susugod sa kaniya si Miyakira pero mabilis itong pinigilan ng kalmadong si Kazumi. Bagamat may mangha rin sa anyo ng babae.

"Anong alam mo?" tanong ni Imaru sa kaniya. "Alam mo kung ano ang nangyari bago nasira ang mundo?"

Pero hindi siya sumagot sa sinabi nito.

"Syempre alam niya." si Hikari ang sumagot. "Isa siyang Ulome hindi ba? Isang prensepe, imposible namang hindi sinabi sa kaniya ng may kagagawan sa atin ang lahat."

"Walang nagsabi sa akin." Mariin niyang sagot. "Tinutukoy niyo ang ina ko pero kahit siya ay nagsinungaling sa akin. Hindi niya sinabi ang totoo kaya kusa kong inalam."

Nagtaka ang mga ito.

"Kaya ba pumasok ka sa kweba?" tanong ni Takari sa kaniya kaya ito ang tiningnan niya. "Yun ang dahilan mo kahit alam mong dilikado?"

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon