Chapter 17

29 4 1
                                    


"Malapit na!"

Saka lumapag ang mga ibon sa gilid ng bundok.

Dali-daling bumaba si Kazumi. Sinundan agad nila itong pumunta sa isang kweba.

Pinanlakihan ng mga mata si Imaru ng bumagsak sa tabi niya ang malaking bloke ng yelo. Sa pagkakataong yun ay kasing laki na yun ng bola ng basketball.

"Bilis!" sigaw niya sa mga kasama.

Mabilis silang pumasok sa kweba.

Napatingin sa likuran si Sasu. Nakita niya ang mga ibon na lumipad paalis. "Tika lang, saan pupunta ang mga ibon Kazumi?" tanong niya sa babae. Nagulat siya ng bumagsak ang malaking yelo sa tapat niya. Umatras siya at kumubli ng tuluyan sa kweba.

"May mapagtataguan sila sa taas nitong bundok. Wag kayong mag-alala. Babalik din sila agad kapag natapos ang bagyo." Sagot nito.

"Ano bang bagyo ito? Ba't puro yelo?" gulat na tanong ni Naru.

"Hindi lang ang mga yan ang babagsak kaya sumunod kayo." Pumasok ito sa kailaliman ng kweba.

"Ano bang lugar to?" tanong ni Takari habang nakasunod dito. Sobrang dilim ng loob. Kinuha niya ang lampara sa bag at pinailaw yun.

Tumingin pa ito sa kaniya saka napatitig sa lamparang hindi naman gawa sa apoy. "Tika, paano umiilaw ang lamparang yan?"

"Gamit ang kuryente. Iniikot ko ang bahaging ito para gumawa ng ilaw ang bulb dito." Para kasi yung music box na may iniikot sa gilid para tumunog. Yun naman para umilaw.

"Huh," sagot lang nito saka pumasok sa loob. "Maghihintay muna tayo dito hanggang sa matapos ang bagyo. Siguradong lalala pa ito."

Di katagalan ng paglalakad nila ay may nakita silang pinto. Pare-pareho pa silang namangha dahil gawa sa crystal yun. Nagliliwanag yun kahit wala naman yung ilaw.

Tinulak nito ang pinto na agad naman bumukas.

Sumalubong sa kanila ang mistulang bahay non. Halos lahat ng gamit doon ay gawa sa puting Crystal. Malinis ang lugar at napaka-gandang tingnan.

"Ang ganda ng lugar na ito ah." Si Sain. "May naninirahan ba dito?"

"Wala. Ang mga Diyosa lang ang pumupunta dito. Isa ito sa pinupuntahan nila kapag, alam mo na, gusto nilang mapag-isa at magtago."

"Magtago saan? Mga Diyosa na sila diba?" si Sasu.

"Maraming bagay. Hindi ko alam."

Nagulat sila ng bigla na lang yumanig ang paligid. May nadidinig silang ingay sa labas. Mga matitigas na bagay na nalalaglag. Siguro naging sobrang laki ng mga yelo na yun.

"Hindi mga yelo yun." wika ni Kazumi sa kanila. Itinabi nito ang dala. "Mga bato yun."

"Bato? Ano ba naman ulan yun? Nakakamatay pa yata ah!" si Naru.

"Nasira na ang mundo, diba?" baling ni Imaru sa lalaki.

"Magpahinga muna kayo. Siguro dalawang oras o higit ay matatapos na rin ang bagyong ito."

Nagsiupo na lang sila sa mga upuan doon na gawa rin sa crystal. Napakaliwanag doon kahit wala namang ilaw.

"Sa tingin mo ba hapon na tayong makakarating sa palasyo?" tanong ni Sain sa babae.

Tumango lang ito. "Sana lang mabilis matapos ang bagyong ito."

"Nagugutom ba kayo? Kasi ako nagugutum na." Agaw pansin ni Naru na may kinuhang tinapay sa bag. "Papaubos na ang mga pagkain ko eh. Hindi ko alam kung may mahahanap pa ba tayong pagkain dito."

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon