"Kazumi bakit?" tanong ni Takari sa babae.
"Ayaw dumaan ng mga Horus sa bundok eh. Palagay ko may mga halimaw sa mga bundok na yan. Siguro mga halimaw na kinatatakutan nila."
"Akala ko ba matatapang itong mga Horus mo?" tanong ni Sain sa babae.
"Pasensiya ka na pero hindi pandigma ang mga Horus ko."
"Ako na ang titingin." Lumipad sa ibaba si Iminako.
"Mag-iingat ka." Pahabol pa niya.
Tinanaw nila ito habang lumilipad ito palapit sa bundok.
Pumasok ito sa pagitan ng mga bundok. Para bang sinusuri kung ano ang meron sa mga bundok na yun pero wala namang nangyayari. Pumasok ito sa makipot na daanan na pinagigitnaan ng dalawang matarik na bundok.
Ganoon na lang ang gulat nila dahil biglang nagliyab ang isang napakalakas na apoy doon. Kasunod non ay may nadidinig silang nagkakagulo.
"Iminako!" malakas na sigaw ni Miyakira.
"Horus!" sigaw ni Kazumi. Lumipad ng mabilis papunta doon ang mga Horus. Nakikita pa rin nila ang sunod-sunod na pagliyab ng mga apoy. Na para bang may kalaban si Iminako sa baba.
"Ano bang nangyayari?" takang tanong ni Naru.
"Halimaw siguro. Marami sa kanila ang ninirihan malapit dito eh." Inis na pumiksi lang ito.
Nakalapit na sila doon pero hindi naman makapasok ang mga Horus dahil sa makipot na daan pero nakikita nilang tinatambanan ng mga halimaw si Iminako. Magkaganoon man ay pilit pa rin itong lumalaban.
Anyong tao ang mga halimaw at kasing laki lang din ng mga tao pero mukha silang mga Golem. May ilan naman sa kanila na mas malaki. Mga metal ang sandata ng mga ito na may suot pang mga armor.
"Iminako!"
Tumingala ito. "Alis! Umalis na kayo! Bilis!" malakas na sigaw nito. Hindi nito naiwasan ang isang halimaw na dumamba dito. Papalag pa sana ito pero dinambahan na ito ng iba pang mga halimaw.
"Umalis na tayo dito!" sigaw ni Sasu.
"Hindi ko iiwan ang kaibigan ko!" sagot ni Kazumi.
"Syanga!" segunda naman ni Naru.
Pero ganoon na lang ang gulat nila ng pinapana sila ng mga halimaw. Nagwala ang mga Horus. Hindi na sila nakakapit ng maayos at nalaglag sila.
Nagsigawan na lang sila lalo na dahil malayo-layo rin ang huhulugan nila. Bago pa sila tuluyang tumama sa sahig ay nasalo na sila ng mga net na hinagis ng mga halimaw.
Namalayan na lang nilang naka-kulong na sila.
Mabilis na tiningala ni Kazumi ang mga Horus. Napangiti na lang siya ng makitang kompletong lumilipad palayo ang mga ito.
"Nakakulong na nga tayo ay nakangiti ka pa rin?" takang tanong sa kaniya ni Sasu.
Hindi niya ito tiningnan. Baka kasi kapag ginawa niya yun ay magkahalikan sila. Dahil sa net na binagsakan nilang lahat ay nagmistula silang mga isdang nahuli doon at parang mga isda ring nakapiit.
Nagkataon naman na napadikit siya kay Sasu at nakadapa pa siya sa dibdib nito. Hindi naman siya makalayo dahil nakaupo sa likuran niya si Miyakira.
"Masaya lang ako dahil ligtas na nakaalis ang mga Horus! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanila."
"Mas mahalaga ang Horus sayo kesa sa kalagayan mo?"
Tiningnan niya ito. Nagsalubong ang mga mata nila. Kunti na lang ang distansiya ng mga mukha nila. "Oo naman!" sagot niya.
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantezieIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...