Chapter 76

15 1 0
                                    

"WOAH, ang laki ng bulkan." Di makapaniwalang bulalas ni Naru ng marating rin nila sa wakas ang napakalaking bulkan na yun. Umuusok pa ang bunganga non na parang sasabog maya-maya lang. "Active yata ang bulkan na ito Iminako, wag ka na lang muna sigurong pumasok, baka sumabog eh."

Kunot-noong tiningnan ni Iminako ang lalaki. "Tingin mo masusunog pa ako ng bulkan?"

Nagkibit-balikat lang ito. "Hindi kompleto ang Gem mo eh. Baka lang."

"Ang hilig mo sa 'baka'."

"Hindi naman. May sa vegetarian naman ako eh. Mahal ang karne sa Dome eh."

"Baliw. Diyan ka na nga. Wag ka ng sumunod. Maghintay lang kayo ng Horus dito." Sagot niya saka lumipad papunta doon.

"Mag-ingat ka."

Napasimangot na lang si Iminako. Ang wierd na ng mga sinasabi ngayon ni Naru eh. Naasar rin siya dahil ang bilis nitong binawi ang sinabi nito kanina. Hindi naman pala ito kasing kulit tulad ng inaasahan niya.

Bumuntong-hinga na lang siya saka huminto ng marating ang dulo ng bulkan. Sinilip pa niya ang ilalim non pero wala siyang maaninag dahil sa makapal na usok.

Para nga talagang sasabog na yun.

Papasok na sana siya pero biglang sumabog ang bulkan.

"Iminako!" gulat na sigaw ni Naru ng makita niya yun. Nakatayo lang siya malayo sa bulkan para makapagpahinga ang ibon. Hindi niya inaasahang sasabog talaga ang bulkan.

Mabilis siyang umangkas sa Horus at lalapit na sana ng matigilan siya. Kakaiba ang pagsabog ng bulkan eh.

Dapat tumatalsik na ang mga lava at mga batong nag-aapoy pero hindi. Nanatili lang yun papunta sa kalangitan at isa pa, hindi naman mukhang lava ang lumalabas eh.

Humuni ang ibon. Katulad na katulad nong makita ng mga ito si Hydro.

Napanganga siya ng malaman kung ano ang mistulang ahas na lumabas doon.

"Si Pyro."

Saglit pa yung nagtagal hanggang sa nakita na rin niya ang buong kabuuan ng napakalaking dragon. Nagbabaga ang buong katawan nito. Apoy rin ang nagsisilbi nitong balahibo sa spinal nito. Hindi niya makita ang ulo ng Dragon.

Saglit pa siyang naghintay ng mapansin niya ang nagliliyab sa di kalayuan. Si Iminako yun.

Kumilos ang dragon at bumaba ang ulo non mula sa mga ulap. Pumwesto yun sa harap ni Iminako.

Namangha si Iminako ng makita ang napakalaking dragon. Napaka-astig nitong tingnan. Nagbabaga ang buong katawan nito. Baka kapag hinawakan niya yun ay mapaso siya eh.

"Yo, Iminako. Kumusta ka na." Masiglang bati ng Dragon sa kaniya.

Inaasahan niyang galit na galit ito dahil nakakatakot ang itsura nito. "Pyro?" tanong niya. Hindi kasing baritono ng boses ni Hydro ang boses nito. Masigla at para itong hipster kung magsalita eh.

"Ano bang tanong na yan? Para hindi mo na ako matandaan ah. Wag mong sabihing nawalan ka rin ng alaala tulad ni Takari? Ah, pero hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngayon sa mundo eh. Basta ang alam ko lang ay nakawala ako sa Gem mo."

In fearness ang daldal nito. May naalala tuloy siyang certain someone na madaldal rin.

"Bumalik na ang lahat ng alaala ni Takari."

"Aba, mabuti yan." Masiglang sagot nito.

"Sinabi niya sa aking sunduin kita dito."

"Lalaban na ba tayo? Well, ang sarap ng tulog ko pero naramdaman kita kaya nagising ako. Matagal na rin bago ako nakatulog ng ganoon kasarap."

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon