Chapter 73

11 2 0
                                    

"ANONG bagay?" naguguluhang tanong ni Sasu.

"Ang tungkol sa katauhan ni Noburi." Walang nagsalita sa kanila. "Dating Diyosa ng Bahaghari si Noburi, naalis sa obligasyon at naging Diyosa ng Pagkalimot. Ang ibig bang sabihin nito, hindi lang kayong pito ang mga Diyosa?"

Tiningnan lang nila si Takari. Pinagmasdan nila ang reaksyon nito pero nanatili lang itong kalmado. Wala rin itong naging sagot habang nakatitig kay Imaru.

Maya-maya ay nag-iwas lang ito ng paningin. "Maraming sekreto ang mundo, Imaru. Mas mabuti pang wag mo na lang alamin ang mga bagay na yun."

"Nalulungkot lang siguro si Imaru dahil baka may ibang tulad niyo at baka may gusto ka sa mga lalaking tulad niyo." Sagot agad ni Naru.

Inis na binatukan ni Imaru ang kaibigan na napasigaw lang ng malakas. Napayuko ito habang sapo-sapo ang ulo.

"Wag mo ngang binibigyan ng kahulugan ang sinasabi ko baliw! Batukan pa kita eh!"

"Binatukan mo na ako eh!" reklamo nito.

"Baka naman ikaw lang ang nag-aalala ng ganoon?" tanong ni Sasu dito.

Hindi ito sumagot saka tiningnan si Iminako. Nagulat pa si Iminako saka agad tumalim ang titig.

"Ano?" sagot pa ng Diyosa ng apoy.

Naka-pout na nag-iwas lang ng tingin si Naru. "Medyo." Bulong niya.

Pinamulahan sa gulat si Iminako dahil dinig na dinig niya yun. Isa pa, ang cute ni Naru ngayon habang namumulang nakalabi eh. "Ah, mas mabuti pang umalis na tayo." Mabilis niyang sigaw habang nakatingin sa malayo.

"Namumula ka baliw!" tukso ni Kazumi.

"Hindi ah!" ang bilis ng sagot nito saka agad na pinaliyab ang sarili at lumipad.

"Hoy, tika lang. Sasama ako sa pag-alis mo eh!" sigaw ni Naru na agad sumunod.

"Bilisan mo, sira!" sigaw pa nito.

Agad na umangkas ng ibon si Naru. "Aalis na kami." Paalam nito sa kanila saka na nito pinalipad ang ibon at agad sumunod sa nakaunang si Iminako.

Napangiti na lang si Kazumi habang sinusundan ng tingin ang dalawa.

"Ah, Kazumi." Agaw pansin ni Takari sa kaniya kaya tiningnan niya ito. "Ikaw na lang ang pumunta sa palasyo mo. Sirain mo ang statwa mo doon para makalabas si Aero. May gagawin pa pala ako."

Patda si Kazumi.

"Pasama ka na lang kay Sasu."

"Eh?" tiningnan niya si Sasu na sakto namang tumingin sa kaniya. "Okay," di niya napigilang sabihin habang napangisi kaya napangiti rin si Sasu.

Nagulat siya na agad nag-iwas ng tingin. Baka kasi iba ang ibig nitong sabihin eh.

"Miho, Imaru, mauna na kayo sa Dome. Susunod na lang ako sa inyo."

Nagkatinginan lang sina Miho at Imaru.

Nagkamot na lang ng pisngi si Takari. "Ayaw kong maharap ang galit ni Aero ngayon." Bulong niya.

"Mas mag-alala ka sa mga pikon." Sagot lang ni Hydro sa kaniya.

Hinarap na lang niya ang mga kasama. "O sige na. Wala na tayong dapat sayangin na oras. Magkita tayo sa Dome, okay?"

"Okay."

Mabilis na umangkas ng Horus si Kazumi. Umangkas rin sa isa pang Horus si Sasu at sabay na silang umalis papunta sa palasyo niya.

Isa-isa ring sinakyan nina Miho at Imaru ang Horus.

"Ano nga ba ang gagawin mo?" tanong ni Miho kay Takari.

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon