Chapter 5

55 4 0
                                    

"Wala tayong alam kung ano na nga ang nangyayari pero gusto kong subukan. Ayaw kong mamatay ng nakakulong lang dito. Ayaw kong maghintay na lang ng milagro. Gusto kong maging malaya at walang makakapigil sa akin kahit ang Ulome pa." Si Takari

Tinitigan lang ni Imaru ang babae. Nakikita niya ang determisayon sa berde nitong mga mata. Alam niyang matapang itong babae, marahil yun ang dahilan kaya hindi ito natatakot na makipagsapalaran.

Wala na rin namang magpipigil dito dahil wala na itong kamag-anak o kapamilya. Lahat sila doon pero walang gumawa ng paraan. Marahil lahat ng naroroon ay tanggap na kung ano ang magiging kapalaran.

"Sasamahan kita." Aniya kaya napatingin ang tatlo sa kaniya. "Hahanapin natin ang Diyosa."

Ngumiti ng matamis si Takari saka ito tumalikod at may hinanap na libro.

"Imaru, sigurado ka?" tanong ni Sasu sa kaniya.

"Sinabi ko lang ang gustong gawin ni Takari pero hindi ibig sabihin ay sasama agad kayo. Hindi ko kayo pipilitin pero, tama naman kasi ang sinabi ni Takari eh. Ayaw ko ring mamatay ng nakakulong lang dito."

Nagkatinginan ang mga ito.

"Gusto mo siyang samahang magpakamatay sa labas?"

Siniko ni Sain si Naru. "Kung yun ang gagawin niyo, ang tanong. Paano kayo lalabas dito sa Dome?"

Napangiti siya ng maiksi. "Ano nga ba ang ginagawa sa mga taong pasaway?"

"Nilalabas sa Dome." Namangha pa si Naru sa sarili niyang sagot.

"Bingo."

Nagulat silang lahat ng bigla na lang may naglaglagan na matigas na bagay sa loob. Agad nila yung nasundan ng tingin pero ganoon na lang ang gulat nilang apat dahil sunod-sunod na ang pagkatumba ng mga shelf.

At palapit sa kinaroroonan nila.

"Umiwas kayo." Sigaw ni Takari mula sa di kalayuan.

Binitbit ni Sain ang libro saka sila umiwas bago sila madaganan ng mga libro. Naging sunod-sunod yun na parang domino hanggang sa tumigil sa pinakadulo.

"Anong nangyari? Anong ginawa mo?" tanong ni Imaru sa babae.

Nagkamot ito ng noo. "Nahulog yung mga libro eh at---"

Patda sila ng madinig ang pagbukas ng pinto. Agad silang nagkubli saka nila nakita ang ilang mga Ulome na nagulat sa nasaksihan.

"May nakapasok dito. Tumawag kayo ng mga kawal." Sigaw ng namamahalang Ulome doon.

"Ano ng gagawin natin? Kapag nahuli nila tayo, baka kung ano ang gawin nila." tarantang bulalas ni Naru.

"Takari," tiningnan ni Imaru ang babae.

Kinuha nito ang librong hawak-hawak ni Sain saka binuklat ang pahina kung saan naroroon ang mapa ng mga palasyo. Walang pagdadalawang isip na pinunit nito ang pahina na ikinagimbal nila.

"Anong ginagawa mo?" tarantang tanong ni Sain.

Tumingin ito sa kanila. "Aalis tayo ngayon."

"Ano?!" nagimbal silang lahat.

"Pero kasasabi mo lang na hindi pa sapat ang mga nalalaman mo diba? Saka wala tayong mga kagamitan. Mga kasangkapan. Hindi tayo pwedeng umalis na lang ngayon." Si Imaru.

Tinuro nito ang pinto. "Mas gusto niyong mahuli nila kayo?"

Walang nakapagsalita. Nalilito kung ano ang gagawin. Hindi sila sanay na gumawa ng gulo. Hindi naman dapat nila ginagawa yun eh pero wala na.

Saka nakakatawa naman sila dahil naghihintay lang sila sa kung ano ang gagawin ng babae. Ni Takari. Para kasing sanay na itong lumusot sa mga kaguluhan eh.

"Sumunod kayo sa akin." Saka ito tumalikod pagkatapos itago ang mapa.

May nadidinig na rin silang mga yabag ng papalapit na mga Ulome.

Pumwesto ito sa isang shelf na nakadikit sa dingding. May hinahanap itong libro saka yun hinila. Nagulat sila ng biglang bumukas ang dingding at sumalubong sa kanila ang tunnel sa loob.

"Natagpuan ko ito dati. Dadaan tayo dito."

"Alam mo ba kung saan patungo yan?" tanong ni Sain.

"Hindi ko alam pero ito na lang ang daan. Tayo na." Nauna na itong naglakad.

Naguguluhan man ay sumunod na lang sila at kusa ng sumara ang dingding. Madilim ang loob at wala silang nakikita. Kinakapa lang nila ang paligid. Pare-pareho silang hindi sigurado kung saan pupunta.


~~~~~


DI nagtagal ay may nakita rin silang ilaw sa di kalayuan. Mapusyaw lang ang liwanag na yun pero sapat na para malaman nila kung saan sila pupunta.

"Bilisan niyo." Wika ni Takari sa kanila. Bumilis ang paglalakad nito kaya sumunod rin sila.

"Sigurado ka ba sa pupuntahan natin? Baka mas lalo tayong mapakahamak Takari." ni Naru.

"Hindi ako sigurado pero ayaw ko namang magpahuli sa mga lintik na puting tao na yun noh?" sagot nito. Hanggang sa narating rin nila ang dulo ng tunnel. May maliit na lagusan doon. Sinilip muna ni Takari ang lagusan.

"Anong nakita mo?" tanong ni Imaru.

"Nakikita ko ang parke. Mukhang wala namang mga Ulome kaya dito tayo dadaan." Hindi na sila nakapalag ng gumapang ito papasok sa lagusan na yun. kasya naman ang tao kaya madali lang itong nakalabas. Sunod-sunod na rin silang lumabas.

Nagtago muna sila sa mga damuhan doon bago lumabas at parang walang nangyari na naglakad sila sa parke. Mga taong nagwawalis lang ang nakikita nila sa paligid.

"Ano ng gagawin natin ngayon?" tanong ni Sasu. "Sigurado ka na bang ngayon tayo aalis? Alam mong hindi madaling pumunta sa pinto ng Dome."

"Alam ko yun." nakangiting sagot nito.

Nagkatinginan na lang silang apat. Habang tumatagal ay mas natatakot sila sa kung ano ang gagawin nito. Habang tumatagal pa kasi ang ginagawa nila ay parang mas lumalapit sila sa matinding panganib. Baka nga ikapahamak nilang lahat yun.


~~~~~~~

SINUSUNDAN lang ng tingin ni Imaru si Takari habang naghahanda ito para sa pag-alis nila. Kung ano-ano ang kinukuha nito saka pinapasok sa dadalhin nitong backpack. Tapos na silang nakapag-impaki at ito na lang ang hinihintay nila.

Nakatanaw naman sa labas si Sasu. Nagbabantay.

Nagtataka lang siya ngayon kung paano sila aalis doon ng hindi nakikita ng kahit na sino. Kahit tao o Ulome ay siguradong isusumbong sila kapag nakita.

"Ang laki yata ng bag mo Naru." Tanong ni Sain.

"Dinamihan ko na ang pagkain. Baka magutom pa tayo doon noh? No way!"

Pinuntahan ni Takari ang isang frame saka yun inalis at may kinuha sa likuran non. Isang papel na nakatupi. Para bang galing sa libro at pinunit lang nito.

"Ano yan?" tanong ni Imaru.

"Ang mapa ng Dome." Ipinakita nito sa kaniya yun. Nakasaad doon kung nasaan ang Dome. Kaya magiging malaking tulong yun kung saan sila pupunta.

"Saan mo ito nakuha?"

"Sa library nong nag-aayos ako. Isa sa studyanteng Olume ang nakakita nito. Kinuha ko na. Baka sakaling makatulong balang araw. At nakatulong nga." Ngumiti ito saka agad isinilid yun sa bag. Sinara na nito ang bag. "Handa na ba kayo?" tanong nito sa kanila.

Sabay-sabay silang tumango.

Walang kasiguruan kung mabubuhay pa nga ba sila sa paglalakbay na yun.


=============================

Next update on 11/17

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon