Napaatras sa gulat si Sasu ng biglang humampas ang dulo ng halaman sa dinaanan niya. Mabilis siyang lumiko dahil naging sobrang magalaw na ang mga halaman.
Di kalaunan ay nakalabas rin sila sa mga halaman na yun. Tumakbo sila sa malayong bahagi bago tiningnan ang mga halaman na nagwawala.
"Ano ba ang nangyayari? Anong nakita mo?" naguguluhang tanong ni Iminako.
Hindi sumagot si Kazumi. Nakatitig lang ito sa gubat.
Nagulat silang lahat ng bigla na lang tumuwid ang mga yun. Sa sobrang haba siguro mistulang latigong halaman na yun ay sumayad na yun sa kalangitan.
Malinaw na nilang nakikita ang mga katawan non na nakabaon sa tuyong lupa. Nagkaroon na rin ng malaking spasyo para makadaan sila pero hindi kumilos ang mga Diyosa.
"Maari mo bang sabihin sa amin kung ano ang nakita mo para hindi naman kami magmukhang tanga dito?" agaw pansin ni Sasu sa Diyosa.
Tumingin lang sa kaniya ang Diyosa ng Hangin. Maya-maya ay nag-iwas ito ng tingin.
"May mga halimaw sa ilalim ng gubat na to."
"Ano? Diba sabi mo kanina, hinuhuli ng mga halamang yan ang kahit na sinong kumilos lang?" si Takari.
"Hindi ko rin alam kung paano."
"Wag na kayong magtaka. Kaya nga abnormal na panahon diba? Syempre maraming maaiba." Wika ni Naru. Tiningnan lang nila ito.
Natigilan sila ng may madinig na mga ingay mula sa madilim na kagubatan. Palapit ang mga ingay na yun na hindi pangkaraniwan.
Maya-maya ay naglabasan sa dilim ang mga halimaw. Kulay pula ang mga ito na matataas ang ngipin. Tumutulo pa ang mga laway. Pula ang nanlilisik na mga mata. At parang troll ang porma ng mga ito pero mas malaki ng tatlong beses sa mga tao.
Pwede sana nilang labanan yun pero hindi lang isa o dalawa ang mga yun. Kundi maraming-marami.
Sunod-sunod ang paglabasan ng mga ito. Hindi na yata nauubos. Palapit ang mga ito sa kanila na para bang nasasabik.
"Naku, nakahanap pa yata sila ng dinner." Wika ni Takari.
"Paano natin lalabanan ang lahat ng yan? Wala sa atin ang mga armas natin." Bulalas naman ni Sasu.
Hindi kumibo ang dalawang Diyosa na nakatitig lang sa mga halimaw. Dahan-dahan lang ang paglapit ng mga ito. Marahil binibigyan sila ng pagkakataong tumakbo kahit mukhang hindi naman nila makakaya.
"Takbo!" wika ni Kazumi.
"Ano? Pero kasama naman natin ang Diyosa ng Apoy eh! Kaya niya yan!" si Naru.
Tumingin sa kanila si Iminako. Hindi nila inaasahan ang pag-ngisi nito. "Siguro kung nasa akin ang buong Gem ko pero wala eh. Sa ngayon, pansindi lang ng bonfire ang apoy na magagawa ko sa kanila."
"Ano?!" silang lima yun ha?
"Pero kanina, ang lakas ng apoy mo eh!" si Sain.
"Pero hindi sapat yun para matalo ko silang lahat. Ang mabuti pa, tumakbo na tayo."
Hindi sila nakakibo.
"Takbo!" sigaw ni Kazumi.
Naguguluhan man ay nagtakbuhan na lang sila. Naalarma ang mga halimaw kaya humabol rin sa kanila ang mga ito. At tulad ng inaasahan nila, ang bilis nga ng takbo ng mga ito.
Pero di nila inaasahan ang sunod na nangyari.
Biglang kumilos ang mga halamang latigo at pinaghuhuli ang mga halimaw. Ang ilan ay hinahagis sa malayo at ang ilan naman ay nilalatigo ng mga yun.
Nahinto lang sila saka pinagmasdan ang nangyayari. Tinamaan siguro ng topak ang mga halaman kaya nagkaganoon.
Nagtakbuhan palayo ang mga halimaw pero nahuhuli pa rin ang mga ito ng mga halamang latigo.
Hindi na sila nakapagsalita habang pinagmamasdan ang nangyayaring gulo.
Ang nakakapagtaka pa ay dahil hindi man lang sila ginagalaw ng mga halaman. Kahit magtakbuhan na ang mga halimaw lampas sa kanila ay hinuhuli pa rin ang mga ito.
Hanggang sa tuluyang naubos ang mga halimaw. Muling tumuwid ang mga halaman. Pero hindi sila kumilos.
Saka nila napansing may isang bulto pa ang palabas sa dilim. Akala nila halimaw ulit yun pero hindi. Isa yung babae. Huminto ito at tumingin pa sa kanila.
"Sabi ko na eh!" masayang wika ni Kazumi. "Ikaw nga yan, Miyakira."
Ang Diyosa ng Lupa.
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
Viễn tưởngIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...