Chapter 92

4 0 0
                                    

"ANONG ginagawa niyo?" takang tanong ni Gem sa dalawang lalaki na sinusubukang putulin ang rehas gamit ang isang matulis na nahanap ng mga ito.

"Papakawalan ka, ano pa?" balik tanong ni Imaru sa kaniya.

"Subukan mo rin ito." binigay ni Sasu sa lalaki ang isang bakal na nakita niya.

Kinuha yun ni Imaru saka niya ginamit. Pero kahit anong kiskis ang gawin niya ay hindi naman nagkakaroon ng gasgas ang rehas.

"Walang kwenta ang ginagawa niyo."

"Ano pa nga ba ang dapat gawin? Hintaying abutan tayo ni Noburi dito?" balik tanong ni Sasu. Kiniskis na rin niya ang bato doon.

"Siya lang naman ang makakapaglabas sa akin dito."

"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ka ba pwedeng gumawa ng paraan para ilabas ang sarili mo dito?" si Imaru. "Kailangan agad nating makalabas dito. Hindi maganda ang nangyayari ngayon sa Dome. Ayaw kong tumunganga lang dito."

"Gusto mong tumulong? Ano naman ang kaya mong gawin para matalo si Noburi."

"Kahit na anong paraan."

Hindi sumagot si Gem. Pinagmasdan lang niya ang dalawang lalaki. Napasaisip na muna siya.

Wala siyang ideya kung ano na ang nangyayari ngayon.

Pumikit na lang siya at pinakiramdaman ang paligid.

"Wala ka bang kapangyarihan para ilabas ang sarili mo sa kulungang ito?" tanong ni Sasu sa kaniya. "Hindi ka tao diba? Isa kang Keeper, siguradong may alam ka ring tricks tulad nina Takari."

"Hindi ko kayang gawin yun. Nasa pagawa ng Gem lang ang buong kapangyarihan ko."

"Ang ibig sabihin, wala ka palang silbi. Pitong Gem lang naman ang nagawa mo diba? Saka matagal na yun. Ano ang ginagawa mo ng mga panahon na wala kang ginagawang Gem?"

Dumilat si Gem saka niya tinitigan si Imaru. Hinahamon siya nito sa tanong nito eh.

"Bakit hindi ka gumawa ng Gem na makakapaglabas sayo dito?"

Naikunot niya ang noo niya. "Hindi ganoon kadali yun. Nakadepende sa sangkap na gagamitin sa Gem ang kapangyarihan na magagawa non."

Nagkatinginan ang dalawa saka ulit tumingin sa kaniya.

"Ano ba ang sangkap ng isang Gem na makakapag-pawala sayo dito?"

"Kung ano ang ginawa ni Noburi para makapasok ako dito. Ganoon rin dapat ang gagawin para makalabas ako dito."

"Ano ba ang ginamit niya?"

"Ang usok niya. Katulad ng kung paano niya kayo dinala dito. Kailangan ko ang usok niya at isang bagay na pag-aari niya."

"Yun lang?"

Tumango siya.

"Kung ganoon, maghahanap kami." Saka umalis ang dalawa.

Nasundan na lang ng tingin ni Gem ang dalawang lalaki.

May naisip na rin siyang paraan kung paano matutulungan ang mga na-kontrol na Diyosa. Sana nga lang, wala pang ginawang kakaiba si Noburi.


---


"SAAN mo dinala ang mga Gem?" tanong ni Kazumi kay Noburi.

Hindi nila makita ang mga Gem sa katawan nito kaya sigurado siyang dinala nito sa ibang lugar ang mga Gem gamit ang kakayahang usok nito.

Pero hindi nagsalita si Noburi. Hindi pa rin nito magawang huminga dahil pinipigilan ni Kazumi na pumasok ang hangin sa bibig nito. Kahit naman gawin niya yun ay hindi pa rin ito mamamatay lalo na at isa itong Diyosa pero mararamdaman pa rin nito ang hirap ng hindi makahinga.

Hinayaan niya ang hangin na pumasok sa lalamunan nito sapat lang para makahinga ito at makapagsalita.

"Nasaan ang mga Gem?" tanong niya dito.

Nakahawak na rin si Iminako sa katawan nito baka kung sakaling manlaban ito.

Akala niya sasagot si Noburi pero ngisi lang ang binigay nito.

Walang pag-iingat na sinampal niya ito ng malakas. Bahagya itong napalingo saka niya hinawakan ng mariin ang mukha nito.

"Hindi mo ba ako nadinig?" galit na tanong niya dito. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa baba nito kaya napangiwi ito.

"Kazumi," mahinahong awat ni Iminako sa kaibigan.

Marahas na binitiwan ni Kazumi ang babae kaya natawa ito ng mahina.

"Dinala ko ang Gem sa kung saan ko dinala ang mga kaibigan niyo." Sagot nito habang natatawa. "Hindi rin naman kayo makakapunta doon kahit pa sabihin ko sa inyo."

"Saan?"

Ngumisi lang ito sa kaniya.

Hindi pa man ito makapagsalita ay niyanig ang paligid nila. Biglang nabitak ang lupa sa pagitan nila kaya napalayo siya.

"Anong nangyayari?" gulat na tanong ni Iminako.

Pinanlakihan ng mga mata si Kazumi ng isang malaking kamay ang bigla na lang lumabas sa pagitan non at hinuli siya.

"Kazumi!" gulat na sigaw ni Iminako.

Mabilis na kumawala sa kaniya si Noburi ng hindi niya namamalayan saka siya nito tinulak ng malakas.

"Iminako!" sigaw naman ni Kazumi. Sinubukan niyang kumawala sa malaking kamay na yun pero hindi siya makakilos.

Napasigaw lang si Iminako lalo na ng tumilapon siya hanggang sa labas ng palasyo. Mabilis siyang bumangon. Nakita niya ang paglaho ng mga usok na nakapaligid sa palasyo.

Lilipad na sana siya papasok doon ng makita niyang matulin na pumasok si Takari. Susunod na sana siya pero bigla siyang dinamba ng isang halimaw.

Napasigaw siya saka galit na pinaliyab ang sarili. Saka lang niya nakita si Pyro na nagwawala na rin. Namangha rin siya ng makita ang napakaraming halimaw sa paligid.

"Kazumi!" mabilis na pinutol ni Takari ang kamay na nakahawak dito at agad naman itong nakawala.

"Yo, Takari. Ang tagal mo yatang nakasali sa amin." Nangungutyang tanong ni Noburi.

Tinitigan lang ng masama ni Takari ang babae. "Nasaan sina Imaru?" walang lingon na tanong niya kay Kazumi. Hindi niya nakita ang mga ito.

"Dinala sila ni Noburi sa isang lugar. Hindi ko alam kung saan." Sagot ni Kazumi.

Pumiksi ng malakas si Takari saka niya tinitigan ng masama ang nakangising si Noburi. "Dinala mo sila sa palasyo mo?"

Namangha ito. Kahit si Kazumi na nakadinig ay namangha rin.

"Naiisip mo agad yun Takari?" napangisi lang ito.

"Alam kong sa palasyo mo sila dadalhin dahil yun lang ang nag-iisang lugar na hindi napupuntahan namin ng basta-basta." Sagot niya.

"Pero nakapunta ka doon dati diba? Ba't hindi mo gawin ngayon at tulungan ang mga kaibigan mo. . ." natawa ito ng maiksi. "At si Gem."

"Gem?" naulit ni Kazumi. Tiningnan niya si Takari pero lalong nagdilim ang anyo nito.

"Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya dahil isa siya sa dahilan kaya nagagawa kong kontrolin ang mga Elementong Dragon ngayon."

"Takari," mahinang tawag ni Kazumi sa babae. "Nasaan ang palasyo niya? Ako ang pupunta doon."

"Papunta na doon si Naru." Mahinang sagot nito na ikinagulat niya.

"Si Naru?"

"Wag kang mag-alala. Ligtas siyang makakarating doon. Ang kailangan nating gawin ngayon ay ang pigilan si Noburi."

"Kaya niyo?" nangungutyang tanong nito saka suminyas.

Hindi nila maintindihan pero sa gulat nila ay isang kamay na mas malaki pa ang muling lumabas sa bitak na lupa. Mabilis nitong nahawakan si Takari.

At bago pa man makakilos ang dalawa ay hinila na papasok ng kamay na yun si Takari.

"Takari!" gulat na sigaw ni Kazumi. Mabilis niyang sinundan ang babae pero agad naman siyang nahuli ng usok ni Noburi. Ang nagawa na lang niya ay ang isigaw ang pangalan ng pinuno nila.

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon