Tumayo rin ang ibang Diyosa. Tumayo rin siya habang hinihintay nilang lumapit ang Diyosa ng Tubig. Kaya lang sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi niya ito maaninag dahil sa liwanag.
Kahit nakalapit na lang ito ay hindi pa rin niya makita ang mukha nito.
"Kazumi, natutuwa ako at inimbita mo ang mga tao sa piging." Masayang wika nito sa kaniya.
Hindi niya makilala ang boses nito.
Hindi siya nakapagsalita. Akala niya kasi, tuluyan na itong nawala.
Pero kahit nasa harap lang niya ito ay hindi pa rin niya ito mamukhaan. Hindi rin niya maalala kung ano ang pangalan nito.
"Hindi mo siya masisisi ~. Gusto niya ang mga tao eh." Wika ni Hikari.
Mabilis niyang tiningnan si Hikari. Sigurado siyang nadinig niyang may sinabi itong pangalan pero hindi niya gaanong madinig.
"Huh," sagot lang ng Diyosa sa tapat niya. Lumapit ito hanggang nasa tapat na ito ng mesa niya. "Gustong-gusto mo ba talaga ang mga tao, Kazumi?"
Hindi siya umimik. Hindi pa rin kasi niya ito maaninag ng maayos. Tinatabunan ng liwanag ang paningin niya.
"Ang Gem mo." Inilahad nito ang palad nito.
Matagal bago siya magdisisyon na ibigay dito ang Gem niya. Tiningnan nito ng maayos ang Gem.
At sa gulat niya ay winasak nito ng pang-isahang kamay lang ang Gem niya. Hindi siya nakapagsalita sa sobrang gulat.
"Gusto mo ang mga tao pero hindi mo ginampanan ang pagiging Diyosa mo Kazumi."
"A-Ano?" nalilito siya ng sobra. Kilala niya ang Diyosa ng Tubig pero hindi siya makapaniwalang gagawin nito ang bagay na yun sa tapat niya. Sa harap ng mga kapwa Diyosa at sa harap ng mga tao.
"At tinatawag mo pa ang sarili mong Diyosa ng Hangin. Nakakahiya ka." Bahagya ring dumiin ang boses nito kaya lalo siyang naguguluhan. "Ano ang ginawa mo, Kazumi? Nagmukmuk ka lang sa palasyo mo at sumuko na. Ni hindi mo naisip na hanapin ako. Ni hindi mo naisip na tulungan ang mga taong inaalila ng mga Ulome."
Hindi siya nakapagsalita. Kung ganoon ay totoong nasira ang mundo?
"Nandito ako ngayon dahil sa mga kapwa mo Diyosa. Gumawa sila ng paraan. Pinalaya nila ang mga taong ito sa kamay ng mga Ulome pero ano ang ginawa mo? Ano ang ginawa mo? Nagmukmuk dito at kinalimutan ang lahat."
"Hindi," sunod-sunod siyang umiling. "K-kumilos ako kasama ang mga tao."
"Sinong mga tao? Sila?" may tinuro ito sa tabi.
Nasundan niya yun ng tingin at napasinghap siya ng malakas.
Nasa loob ng crystal sina Imaru, Sasu, Sain, Naru at Takari. At sigurado siya, patay na ang mga ito.
Nasapo niya ang bibig.
"Sinubukan nilang hingin ang tulong mo pero ano ang ginawa mo? Hinulog mo sila sa palasyo mo at hinayaang mamatay sa gutom. Ganyan ba ang gawain ng isang Diyosa? Ang pumatay ng mga taong ang hangad lang ay tumulong?" naramdaman niya ang pagyanig ng paligid sa lakas ng boses nito.
Tiningnan niya ang mga kapwa Diyosa at namangha siya sa nakitang anyo ng mga ito. May pandidiri at pagkamuhi sa mga mata ng mga ito.
"Kaya bilang parusa," tumingin siya sa Diyosa. "Inaalis kita sa tungkulin mo bilang Diyosa ng Hangin. Simula ngayon, isa ka na lang tao at mamamatay kang tao."
"Hindi!" malakas niyang sigaw. "Hindi ganoon ang nangyari! Hindi ko sila pinatay! Wala akong pinatay! Wag mong gawin ito. . ." hindi niya masabi ang pangalan nito.
"Ni hindi mo man lang maalala ang pangalan ko. Nakakahiya ka! Umalis ka na dito!"
Ganoon na lang ang pagyanig ng paligid. Tumingin siya sa inaapakan at ganoon na lang ang gulat niya ng magsimulang mabiyak ang sahig. Tuluyan yung nabiyak at nahulog siya sa kailaliman non.
Ang nagawa na lang niya ay sumigaw habang nakatingin sa mga Diyosang nakatanaw lang sa kaniya.
Sinubukan niyang lumipad pero hindi niya maramdaman ang sariling kapangyarihan. Kaya ang nagawa na lang niya ay ang titigan ang mga kasamang may dismayang tingin sa kaniya.
Hindi rin siya makapaniwalang kayang gawin ng mga ito sa kaniya ang bagay na yun.
Pero tika, magagawa ba talaga ng mga ito sa kaniya ang bagay na yun?
Kilala niya ang mga Diyosa at mas lalong kilala niya ang sarili niya. Hindi niya kayang pumatay ng mga tao ng ganoon lang kadali. Isa pa, hindi niya pinatay ang mga tao. Alam niya sa sarili niyang kasama silang naglalakbay ngayon.
Pinanlakihan siya ng mga mata ng maalala ang kweba.
Tama. Ang kweba.
Siguradong ilusyon lang lahat ng yun.
"Hindi!" sigaw niya kaya nagulat ang mga ito. "Hindi kayo totoo. Wala akong pinatay at mas lalong hindi pa sila patay. Ilusyon lang ang lahat ng ito! Ilusyon lang kayo!"
Nagsimulang mabiyak ang paligid. Lumitaw ang napakasilaw na liwanag hanggang sa magkapira-piraso lahat ng yun.
Naramdaman na lang niyang bumagsak siya sa sahig pero hindi naman masakit. Saka niya nakita ang dingding ng kweba.
Mabilis na bumangon si Kazumi. Nasa ilalim na nga siya ng kweba. "Takari?" mabilis siyang tumingin sa paligid.
Pero nabigla na lang siya ng hindi na niya makita ang mga kasama. Naputol na ang tali. Tumingin siya sa paligid pero hindi niya makita ang mga ito.
Agad siyang tumayo saka pinuntahan ang isang dereksyon para hanapin ang mga ito.
Hindi siya makapaniwalang naapektuhan rin siya ng ilusyon sa kwebang yun. Marahil na ganoon na rin ang nangyari sa dalawang Diyosa.
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantasyIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...