Chapter 4

56 6 0
                                    

Nagkibit-balikat na lang si Naru dahil sa seryosong mukha ng tatlo. "Wag niyong sabihin na hindi niyo napansin yun? Come on!"

Bumuntong-hinga na lang si Imaru saka nagsalita. "Alam niya ang tungkol sa mga Diyosa." Tumingin naman ang mga ito sa kaniya. "Nakita ko siyang pumasok sa bawal na silid kanina at sinabi niya sa akin ang kabaliwang naisip niya."

"Inamin niyang gusto ka niya? Ooy!"

"Pwede ba Naru?" asik ni Sasu dito.

"Naman eh! Nanunukso lang."

"Hahanapin niya ang mga Diyosa." Nagulat ang mga ito. "Akala ko kabaliwan lang yun hanggang sa sinabi rin ni Sain na totoo sila."

Hindi nakapagsalita ang mga ito. Parang alam na nga niya kung ano ang iniisip ng mga ito eh.


~~~~~~~


NAPAMURA ng mahina si Takari ng mag-alisan ang mga studyanteng Ulome sa section kung saan siya naka-assign. Puno ng libro ang mga mesa ng mga ito.

Wala naman talagang binabasa ang mga ito eh. Tinitingnan lang ang mga librong madadampot. Siguradong matatagalan na naman siya sa pag-sasauli ng mga librong yun. Kailangan pa man din niyang maghanap ng free time para mapag-planuhan ang paghahanap sa mga Diyosa.

Hindi na niya matitiis ang mga nagmamalaking Ulome na yun.

Bubulong-bulong na niligpit na lang niya ang mga libro saka binuhat. Tumalikod siya pero biglang may bumangga sa kaniya kaya nalaglag lahat ng libro.

"Ano ba? Hindi kasi nag-iingat eh!" asik niya na agad dinampot ang mga yun.

"Takari,"

Natigilan siya saka tumingala. Yumuko si Imaru at tinulungan siya. Tumitingin pa ito sa paligid. "Anong ginagawa mo dito?"

"Napag-isip-isipan ko kasi ang sinabi mo at. . . well. . ." tumingin ito sa paligid. "Mamayang gabi. Pumunta ka sa bahay namin. May mahalaga kaming sasabihin sayo."

"Ano? Ba't naman ako pupunta sa bahay niyo eh puro mga lalaki kayo doon? Maya-maya kung ano pa ang gawin niyo noh? Bah! Ang swerte niyo naman."

"Wala kaming gagawin."

"Ba't naman ako magtitiwala sayo?"

Tumitig ito ng mataman sa kaniya. "Tungkol ito sa mga Diyosa." Patda siya. "Sige." Binigay na nito sa kaniya ang mga libro at agad umalis.

Naguguluhang nasundan na lang ng tingin ni Takari ang lalaki. Kahapon lang tinatawag siya nitong baliw eh. Ngayon ito naman ang parang baliw.

Pero kahit nagtataka ay pumunta pa rin siya. Tapos na ang mga trabaho nila kaya ayos lang kung ano ang gawin nila.

Tiningala niya ang bahay ni Imaru. Magkakahawig lang naman ang mga bahay nilang mga tao doon eh. Para lang yung subdivision dahil sa itsura ng lugar. Kailangang malinis yun dahil strikto sa kalinisan ang mga Ulome.

Kumatok na siya sa bahay ng mga ito. Sandali din yung nagtagal ng bigla yung bumukas.

Bumungad si Imaru at walang babalang hinila siya nito papasok. Napasigaw siya sa gulat pero tinakpan nito ang bibig niya. Pumalag siya at agad itong kinagat.

"Aray!"

"Baliw ka ba?" Tinulak niya ito sa inis. "Ano bang ginagawa mo? Anong gagawin mo?" umatras siya.

"Wala naman akong gagawin eh. Baka kasi may makakita sayong pumasok dito."

"Bakit, bawal ba?"

"Hindi. Ayaw ko lang na may magsumbong sa mga Ulome. Alam mo namang may mga taong ganoon diba?" hinawakan nito ang nakagat na kamay.

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon