PAREHO pa ring hindi nakakilos sina Iminako at Kazumi. Pareho pa rin silang nakagapos sa mga usok. Nasa loob pa rin sila ng palasyo na pinapalibutan ng usok. Wala na sina Imaru at Sasu. Wala na rin si Coran.
Pinagmasdan lang nila si Noburi na permente lang na nakatitig sa kanila.
Kumunot ang noo nito ng mapatingin kay Kazumi.
"Nasaan ang totoong Gem mo?" seryosong tanong nito.
Hindi sumagot si Kazumi dahil kahit siya, hindi rin alam. Saka lang naman niya nalamang peke ang Gem ng sabihin yun ni Takari eh.
May inilabas ito saka tiningnan. Ang Gem ng Hangin. Kulay itim yun at umuusok mula doon ang itim na mahika.
"Hindi lang pala Gem ng Tubig ang itinago ni Takari mula sa akin. Pati na rin pala ang Gem ng Hangin. Lintik talaga ang babaeng yun."
Nagkatinginan rin sina Iminako at Kazumi.
"At ikaw naman Iminako, maswerte kang nasa sayo pa ang kalahati ng Gem mo dahil baka natulad ka rin ng iba."
"Muntik na."
Hindi na ito nagsalita saka tumitig ng mataman kay Kazumi. Hinawakan nito ng mahigpit ang Gem hanggang sa mawasak yun at magkapira-piraso.
Nabigla si Iminako pero hindi siya natinag doon.
"Anong ginawa mo?" gulat na tanong ni Iminako. Tiningnan niya si Kazumi pero ng makitang hindi ito natinag ay kumalma na siya.
Napamura ito ng malakas. "Peke ang Gem na ito kaya wag ka ng magulat." Wika nito.
Hindi na lang nakapagsalita si Iminako.
Nginitian lang ng nakakaloko ni Kazumi ang babae. "Naisahan ka na naman ni Takari, Noburi. Nagpapatunay lang yan na wala ka pa ring laban sa kan—argh!" napaigik siya ng malakas ng humigpit ang usok sa paligid niya.
"Kazumi!" sinubukang magwala ni Iminako pero hindi nito magawa.
Mabilis na sumugod palapit si Noburi dito at walang pagdahan-dahang hinawakan ang baba nito.
Hindi kumibo si Kazumi. Tinitigan lang niya ng masama ang babae.
"Nasaan ang Gem mo?" diin na tanong nito.
"H-hindi ko alam." Matapang niyang sagot. "Hindi ko nga alam na peke yan diba?"
"Hoy!" malakas na tawag ni Iminako kaya tumingin ito sa kaniya. "Hindi mo ba kukunin ang kalahating Gem ko para tuluyan mo akong makontrol?"
"Iminako!"
Nagtaas lang ng kilay si Noburi saka niya binitiwan ng marahas si Kazumi. Nilapitan niya si Iminako.
Pero ngiti lang ang naging tugon ni Iminako. "Tingin mo naman nasa akin ang Gem ko. Boba--!"
Isang sampal ang lumagapak sa pisngi niyo.
Mahinang napamura lang si Iminako. Sinubukan niyang kumawala pero hindi niya magawa.
Tumalikod na si Noburi. Bumuntong-hinga muna ito saka lumingon sa kanila. "Hindi ko alam kumbakit inuubos ko ang oras ko sa inyo. Dapat pinatay ko na ang mga Diyosa ngayon eh."
Pinanlakihan ng mga mata sina Kazumi at Iminako lalo na ng ilabas nito ang mga Gem. Purong itim ang mga yun na umuusok ng itim na mahika.
Hinawakan nito ang Gem ng Kidlat. Kitang-kita nila kung paano nito pagtangkaang wasakin yun.
"Itigil mo yan." Inis na utos ni Kazumi dito pero hindi kumibo. Tinitigan niya ito ng masama. Nabigla siya ng magsimula yung mabitak.
Sinubukan niyang kumawala sa usok. Humihigpit yun pero hindi siya nagpatalo. Sinubukan niyang kumawala. Ayaw niyang tuluyang masira ang mga Gem ng mga ito. Sigurado siyang masama ang mangyayari kasunod non.
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantastikIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...