NAALIMPUNGATAN si Miho ng madinig niya ang huni ng mga Horus. Bumangon siya saka tiningnan ang mga ibon.
Wala namang kakaiba sa mga ito maliban sa gising na. Siya rin ang naunang magising dahil tulog pa ang mga tao.
Marahil na kakasikat lang din ng araw dahil hindi pa gaanong maliwanag. Wala na ring apoy ang bonfire na ginawa at himbing pa ang lahat.
Sinilip niya ang bangin. Wala pa rin ang mga taong bumaba sa bangin. Marahil nga na ganoon kalalim ang bangin na yun.
Hindi rin naman ito tinawag na pinakamalalim na trench sa buong mundo kung hindi ito malalim eh.
Humikab muna siya saka tiningnan ang paligid. Wala siyang makitang kahit na ano. Siguro nga dagat ang lugar na yun noon.
Hindi na rin siya makapaghintay na makita ang magandang mundo. Hindi lang niya alam kung ano ang nag-udyok sa kaniyang Ina para gawin ang bagay na yun. Siguradong hindi naman worth it ang kapangyarihan ng mga Diyosa kung hindi magagamit ng buo.
Bumuntong-hinga na lang siya dahil hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya kung kanino siya kakampi.
Kung dapat ba siyang may kampihan.
"Gising ka na pala."
Nakita niyang bumangon na rin si Imaru na humikab pa.
"Nagpaplano ka ba kung paano tatakas lalo na at tulog pa kaming lahat?" tumingin ito sa kaniya.
Hindi na lang niya pinatulan ang pang-aasar nito. "Kahit naman gusto kong tumakas ay hindi ko naman alam kung saan dito ang dereksyon ng Dome. Tulad niyo, hindi ako sanay dito sa labas." aniya.
"Mabuti," sagot nito.
Tatayo sana si Imaru pero ganoon na lang ang inis niya ng makitang nakatanday sa binti niya ang isang binti ni Takari. "Tika, paano napadpad ang isang to dito?" inalis niya ang binti nito.
Saka naman niya napansing sa isa pang side si Naru.
Asar na tumayo siya at umalis sa gitna ng dalawa. Saka lang niya nalaman na kumpol-kumpol na pala sila. Si Sain nga ay napapagitnaan na ng mga Diyosa eh.
"Matagal na ba kayong magkakaibigan? Kayong mga tao?" tanong ni Miho sa kaniya.
"Pwedeng ganoon na rin. Pero hindi si Takari. Nakikita ko siya sa library pero kailan lang din naman kami nagkausap." Naikunot ni Imaru ang noo niya. Ba't ba siya nagku-kwento dito?
Baka naman may kinalaman yun sa nakita nito sa kweba pero anong connect? Hindi pa sila nabubuhay nong mangyari ang gulo eh.
"Gusto mo ba siya?"
Tiningnan niya ang Ulome. Hindi naman ito nang-aasar o nanunukso. Seryoso lang ang mukha nito habang hinihintay ang sagot niya.
"Magkaibigan kami." Aniya lang.
"Hindi naman yun ang sagot sa tanong ko eh." Mahinanong sagot nito kaya hindi siya sumagot.
Hindi niya maintindihan kumbakit tinatanong nito ang bagay na yun. Isa pa, wala naman yung kinalaman sa gulong nangyayari ngayon eh.
"May kinalaman ba ito sa nangyayari?" balik tanong niya.
"Parang meron na parang wala."
"Ano namang ibig sabihin non?"
"Ba't di mo magawang sagutin yun?"
"Hindi ko siya gusto." Deretso niyang sagot. "At alam niya yun pero hindi dahilan yun para hindi na kaibigan ang tingin niya sa akin."
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantasyIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...