NAPAMURA ng malakas si Takari dahil hindi na niya magawang mabuksan ang usok. Para bang alam ni Noburi kung ano ang ginagawa niya sa labas.
Sana lang nakagawa na ng paraan sina Kazumi sa loob.
Tinanaw niya ang mga Dragon. Tuloy pa rin sa pagpambuno ang mga ito. Walang kahit na sino ang nagpapatalo at para bang hindi man lang napapagod.
Nadinig niyang humiyaw ng malakas si Frost. Kasunod ng pag-ulan ng Nyebe.
Napanganga siya dahil hindi biro ang laki ng mga hailstorm. Mabilis niyang tiningnan ang mga tao. Malayong-malayo na ang mga ito pero sigurado siyang matatamaan ang mga ito.
Hinarap niya ang palad sa dereksyon ng kalangitan. Naglabasan ang mga tubig mula sa lupa. Namangha ang mga taong nanonood sa malayo dahil punong-puno ng lava ang kalupaan.
Nagliparan ang mga tubig hanggang sa huminto ang mga yun sa kalagitnaan ng ere at nagmistulang malaking harang na pinaligiran ang paligid.
Naging solido yun at ng tumama ang mga hailstorm ay hindi tumagos ang mga yun.
Sumigaw ng malakas si Hydro saka agad na kinagat si Frost. Sumigaw ito kaya nahinto ang pag-ulan ng yelo.
Iginalaw niya ang mga palad kaya pinalibutan ng kontrolado niyang tubig ang mga ice at sa himpapawid nila nakita kung paano yun matunaw. Ibinalik na ni Takari ang mga yun sa lupa. Hindi niya namalayan ang mga lumilipad na halimaw na agad umataki at sumugod sa kaniya. Hindi niya napansin na nagsumon ng mga halimaw si Bowin.
"Takari!" malakas na sigaw ni Naru ng makita yun. Akmang tutulungan niya ito pero sumigaw ito ng malakas.
"Lumayo ka dito!" pinipigilan nito ang mga pangil ng halimaw na gustong lumapa dito. "Umalis ka dito!"
Hindi siya nakapagsalita pero nakita niya ang isang halimaw na agad lumipad palapit sa kaniya.
"Lintik na! Horus!" lumipad palayo ang Horus pero sumunod naman ang halimaw kaya nataranta na siya. Naalala pa niya ang sinabi ni Kazumi na hindi pandigma ang mga Horus kaya sigurado siyang matatalo sila kapag kinalaban niya ito.
Natigilan na lang siya ng sumigaw ng malakas ang halimaw. Nakita niya kung paano ito mistulang maparalisa at agad na naglaho.
"Takari," tawag niya sa babae. Naagaw ang atensyon niya sa isang bagay. Namangha siya ng makita ang apat pang Diyosa na hindi makakilos habang nakagapos sa isang bahagi.
Itim na itim ang katawan ng mga ito at hindi makakilos na parang napaparalisa. May nakapalibot rin na tubig na harang sa mga ito.
"Ano bang nangyayari dito?"
PINANLAKIHAN ng mga mata si Imaru ng mapansin ang kakaibang lugar. Ang huli niyang naalala ay pinalibutan siya ng usok hanggang sa napansin niyang naroroon siya.
Tiningnan niya ang paligid. Pamilyar sa kaniya yun.
"Imaru," tawag ni Sain ng makita siya nito. "Anong nangyayari? Anong lugar ito?" gulat na tanong nito.
"Hindi ko alam pero pamilyar sa akin ang lugar na ito." tumayo siya ng mapansing wala namang kahit na sino sa paligid.
"Paano tayo napadpad dito? Nasa Dome lang naman tayo diba?" tumayo rin ito. "Hindi ba ito kagagawan ng usok?"
"Baka. Mukhang kayang dalhin ni Noburi ang isang nilalang sa ibang lugar gamit ang usok na yun pero. . ." tumingin siya sa paligid. "Sigurado akong nakita ko na ang lugar na ito."
"Sa ilusyon." Tiningnan niya si Sasu. "Hindi ba't katulad na katulad ito ng lugar sa ilusyon ni Takari? Ang palasyo ni Noburi?"
Namangha siya saka pinagmasdan ang paligid. "Tama ka. Siguradong ito ang lugar ni Noburi. Hindi ko lang maintindihan kumbakit dadalhin niya tayo dito."
"Siguro subukan nating suyurin ang lugar na ito. Baka may makita tayong laban sa kaniya." Nagsimulang maglakad si Sasu. Sumunod lang si Imaru.
"Sigurado akong may kinalaman si Coran sa kung anong kapangyarihan meron si Noburi ngayon at sa nangyayari sa mga Diyosa at mga Dragon."
Nilakad nila ang paligid. Hindi na nila pinapansin kung saan sila papunta sa palasyo.
Karaniwan lang ang disinsyo ng palasyo. Hindi naman kakaiba maliban sa halos kulay itim ang mga dekorasyon doon. Kahit ang ilang mga kagamitan na nakikita nila ay kulay itim.
Palingon-lingon lang sila sa paligid. Wala silang nakikitang kahit na sinong nilalang doon. Mukha ring walang kahit na sino doon maliban sa kanila.
Nakakatakot na lugar. Siguro si Noburi lang ang mag-isang nakatira doon.
Napadpad sila sa kulungan ng palasyo. Wala namang nakakulong sa mga yun na nasa ilalim ng palasyo.
"Mukhang wala namang kakaiba dito. Siguro maghanap na lang tayo ng daan palabas." Wika ni Imaru saka siya tumalikod.
"Saglit lang Imaru." Mabilis na pinigilan ni Sasu ang braso ng kaibigan.
"Bakit?"
"May tao." Tinuro niya ang isang dereksyon na nasundan lang ng tingin ni Imaru. Pareho silang namangha dahil may tao ngang nakakulong sa isa sa selda doon.
Nagkatinginan sila saka agad na pinuntahan ang lalaki.
"Hoy, ayos ka lang ba? Hoy!" tawag ni Sasu sa lalaking nakatalikod sa dereksyon nila.
Napakislot ito saka manghang napatingin sa kanila. Nagulat ito ng makita sila pero nagulat sila dahil. . . kaedad lang nila ang lalaki. "Anong ginagawa niyo dito?" takang tanong nito na agad tumingin sa paligid. "Paano kayo nakapasok?"
"Basta na lang kaming napadpad dito. Ikaw? Anong ginagawa mo dito ng mag-isa? Sino ka?" tanong ni Imaru sa lalaki.
May alala sa anyo nito habang patingin-tingin sa paligid. "Umalis kayo dito bago pa kayo makita ni Noburi. Hindi maganda ang gagawin niya sa inyo."
"Siya ang nagdala sa amin dito." Sagot ni Sasu.
"Pero mga tao kayo."
"Hindi ba't tao ka rin?" si Imaru.
Umiling ito saka tumayo ng tuwid at tumingin ng mataman sa kanila. "Ako si Gem. Isa akong Keeper."
Hindi nakapagsalita ang dalawa dahil hindi nila maintindihan ang sinasabi nito.
"Gem? Pero hindi ba't yun ang tawag sa mga bagay na hawak nina Takari?"
"Kilala mo si Takari?" napangiti ito. "Sinabi ba niyang ililigtas niyo ako dito?"
"Hindi pero hindi ka namin iiwan dito. Anong ibig mong sabihing Keeper?"
"Ako ang gumawa sa mga Gem nila. Alam ko ang lahat ng sekreto ng Gem. Isa yun sa dahilan kaya kinulong ako ni Noburi dito. Gusto niyang malaman ang lahat ng sekreto ng Gem dahil gusto niyang maging Diyosa ng lahat." Natawa ito ng pagak. "Hindi makakaya ng isang Diyosa na makontrol ang pitong Elemento. Kaya nga may pitong Diyosa."
"Ang ibig mong sabihin, alam mo kung paano matatalo si Noburi sa nangyayari sa kaniya ngayon?" si Imaru.
"Anong ibig mong sabihin? Anong nangyayari?"
"Kino-kontrol ng kusa ni Noburi ang mga Dragon."
Pinanlakihan ito ng mga mata.
"Hindi namin alam kung paano niya ginagawa yun pero napakalakas niya."
"Masama to." Sagot lang nito.
Nagkatinginan lang sina Imaru at Sasu.
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantasíaIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...