"Naru! Naru gising!"
Pero kahit sila ay tinutulak nito palayo.
"Lumayo ka sa akin! Pangit!" Tinulak nito si Takari.
Pinanlakihan ng mga mata si Takari. Napangiwi rin si Kazumi at nagulat siya sa nakitang pagdidilim ng anyo ng babae.
"Sinong tinatawag mong pangit? Lintik ka!"
Bago pa niya ito napigilan ay dinapugan nito ng malakas si Naru. Marahil sobrang lakas nga non dahil natauhan ito.
Puno ng takot at gulat sa anyo nito habang nakatitig sa kanila.
"Gising ka na?" asik ni Takari dito.
Bigla itong napangiti. "Salamat naman." Walang babalang hinila sila nitong dalawa payakap. "Akala ko talaga totoo eh!"
Hinayaan na lang nila ito pero wala silang ideya kung ano ang bangungot nito. Marahil na tao dahil pangit daw.
Di naglaon ay natauhan na rin ito at tulad ni Takari ay nagtaka rin ito kumbakit silang tatlo lang ang naroroon.
Ipinagpatuloy nila ang paghahanap sa mga kasama.
"Pasensiya ka na ha? Tinawag mo kasi akong pangit eh!" wika ni Takari kay Naru ng kamutin nito ang nadapog na ulo.
"Ano ka ba? Nagpapasalamat nga ako sayo eh. Yuck! Ayaw ko na ulit makita ang bangungut na yun." nanginig pa ito.
"Ano ba ang napanaginipan mo?" tanong ni Kazumi dito.
"Akala ko maayos lang ang lahat dahil mayaman ako. Malaki ang bahay ko. Magaganda ang mga katulong kong naninilbihan sa akin."
"Ibang klase ah."
"Pero saka naman nagpakita sa akin ang isang napakapangit at matabang babaeng mukhang bakla sa make up. Saka niya sinabi sa akin na asawa ko siya." muli itong sumigaw ng malakas.
Nagkatinginan ang dalawang babae. Pareho silang nagpigil matawa pero napansin yun ni Naru.
"Anong tinatawatawa niyo? Hindi niyo ba naiintindihan kung gaano kasama ng panaginip na yun?" asik nito.
"Ang ibig kasi sabihin non, Naru. Ang worst nightmare mo ay ang makapag-asawa ng pangit diba?" tanong ni Takari.
"Eh sino naman ang gustong makapag-asawa ng pangit?"
"Kung makapanlait o." Si Kazumi.
"Hindi naman sa ganoon. Pero hindi naman ganoon kapangit na mukha ng baklang dapat barilin sa mukha eh."
Nagtawanan lang ang dalawa dahilan para magalit ulit ang lalaki.
~~~~~
MAGKASAMA nilang nakita sina Hikari at Sain. Nakatali pa pareho ang kamay ng dalawa.
Sunod-sunod ang pagwawala ni Sain habang si Hikari naman ay umiiyak ng mahina.
Hindi na nila pinatagal yun. Dilikado kasi kapag tuluyang nagtagal sa ilusyon. May ilan na nakukulong na sa ilusyon at kahit ilabas sa kweba ay hindi na nagigising kahit kailan. Meron naman na namamatay.
Tulad ng nangyari kay Takari. Pwede itong mamatay dahil pinipigilan nito ang sarili nitong hininga.
Kaya nga, may pagmamadali sa mga kilos nila habang hinahanap ang mga kaibigan.
"Sain. Bro. Gising!" niyugyug ni Naru si Sain na sumisigaw pa rin. "Sain!" sinigawan niya ito.
Bigla itong napadilat saka tumitig sa kaniya pero napasigaw ito ng malakas. Napasigaw rin siya sa gulat.
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantasyIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...