Pagkatapos ng anunsyo ng mga ito ay nag-uwian na ang mga tao at bumalik sa kung ano ang ginagawa nila.
"Isang halimaw? Nasisiraan na ba sila ng bait?" di makapaniwalang tanong ni Naru.
"Hoy, hinaan mo ang boses mo." Sita ni Sain sa lalaki.
"Hindi ba nila alam na tayo ang agahan, tanghalian at hapunan ng mga nilalang na yun? Gusto pa yata nila tayong gawing buffet!" bulalas nito. Kung ano ang inis na nararamdaman nito ay higit pa ang sa kaniya. Hindi lang ang katotohanang maubos sila ang ikinagagalit niya eh.
Sa tao ang mundo. Alam ng lahat yun kahit ng mga ninuno niya. Siguro kung hindi lang naging mapangahas at sakim ang mga tao ay hindi mangyayari yun. Saka naman gustong ariin ng mga Ulome na yun at binibigyan pa ng karapatan ang mga halimaw.
Iniinsulto na ng mga ito ang lahi nila.
Tuluyan na silang naghiwalay para balikan ang mga ginagawa nila. Humiwalay na rin siya sa mga ito at bumalik sa gusaling pinagsisilbihan niya.
Isang library, yeah. Isa siyang librarian.
Nahinto siya sa di kalayuan ng makita ang pamilyar na babaeng sinipa ang damo doon. Para bang galit. Saka ito pumasok sa pinto na pagalit pang tinulak yun.
Kilala niya ito at talagang pikunin ito.
Kasama niya ito doon dahil isa rin itong librarian tulad niya. Malaki ang library doon, halos yata lahat ng libro ng mundo ay naroroon na. Kaya hindi lang isa o sampu ang mga librarian doon.
Mabilis siyang tumakbo at pumasok saka hinabol ang babae na papunta sa isang section kung sana ito naka-assign.
"Takari," tawag niya. Itim ang naka-bun pigtail na buhok nito. Berde ang mata. Walang kasing berde na para bang kailaliman na ng karagatan. Hindi pa niya nakita ang karagatan pero sigurado siyang maganda yun.
Hindi ito huminto. Para bang hindi siya nadinig. Sinundan lang niya ito. akala niya pupunta na ito sa pwesto nito pero hindi pala. Lumiko pa ito sa isang sulok. Saglit siyang natigilan kung ano yun. Pinagbabawal ang bahaging yun sa mga tao. Hindi pwedeng pumasok ang mga tao doon eh.
Pero wala itong takot. Tumingin pa ito sa paligid kaya agad siyang nagtago. Ng walang makita ay agad nitong pinasok ang isang malaking pinto. Nagtaka pa siya kung paano nito nabuksan ang lock don.
Mabilis siyang tumakbo para maabutan ang papasarang pinto. Mabilis siyang lumusot saka kusang sumara ang pinto at nag-lock.
Tumingin siya sa paligid. Namangha siya ng makita ang kalumaan ng lugar. Puno ng alikabok ang mga libro doon na para bang napakahalaga ng lahat ng yun. Malawak ang silid at napakaraming libro. Yun marahil ang pinakamalaking silid sa library na yun.
Hinanap niya agad si Takari sa paligid pero hindi na niya ito napansin.
Saglit siyang huminto ng makita itong hinihila ang isang hagdanan sa isang bahagi at umakyat doon. Madilim ang anyo nito at seryoso. Umakyat ito hanggang sa napadpad sa pinakadulo non.
Saka niya napansing may kinuha itong makapal na libro at agad dinala yun pababa. Saka ito pumwesto sa isang mesa doon at nagsimulang magbasa.
Kunot-noong nakatitig lang siya dito.
"Kung nagtataka ka, lumapit ka dito."
Patda siya ng magsalita ito. Tumingala ito at agad tumingin sa kaniya. Nagsalubong ang mga mata nila kaya lumabas na lang siya at lumapit dito.
"Alam mong nandito ako?" tanong niya.
"Alam kong sumusunod ka sa akin." Sagot nito habang kinakalkal ang libro.
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantasyIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...