Chapter 30

24 5 0
                                    

NAPAKUBLI agad si Takari ng makita ang tatlong Diyosa na nag-uusap sa silid na nadaanan niya. Bahagya siyang sumilip.

Napatutup na lang siya ng bibig dahil umiiyak si Miyakira. Pilit naman itong pinapakalma ng dalawa.

Seryoso? Talagang umiiyak ito? Masyado ba talagang masakit ang sinabi niya? Siguro, truth hurts eh.

"Hindi ka naman umiiyak dahil nasaktan ka diba? Umiiyak ka dahil alam mong totoo ang mga sinasabi niya." dinig niyang wika ni Iminako.

"Iminako, hindi ka nakakatulong!" mahinang asik ni Kazumi sa babae. "Wag mong pansinin yun Miyakira."

"Ano bang alam mo? Palibhasa kasi, nasa sayo pa ang Gem mo." Sagot nito.

Napanganga sa gulat si Iminako saka niya hinarap ang babae. "Kalahating Gem . Alam nating pareho na hindi ko ito makukuha kung hindi dahil sa Diyosa ng Tubig. At least ako, gumagawa ako ng paraan para mahanap siya. Hindi ako tumigil. Wala ka ngang kapangyarihan pero ano nga ba ang ginawa mo? Nagkukulong ka lang dito at nilalamon lahat ng pwede mong lamunin." Napikon na rin siya. "Alam mo? Parang mas bagay pa yatang maging Diyosa si Takari kesa sayo eh. At least siya, may malasakit sa mundo at sa mga tao."

"Iminako!" umalingawngaw sa paligid ang malakas na sigaw na yun ni Kazumi.

Natahimik ang paligid. Tanging mga huni ng ibon na lang ang nadidinig nila.

Hindi naman nakapagsalita si Miyakira pero may lungkot na ito sa anyo. Maya-maya ay napayuko na lang ito at umiyak ng mahina.

"Pwede bang iwan mo muna kami dito?" mahinahong pakiusap ni Kazumi sa babae.

"Ikaw kaya ang nagdala sa akin dito? Kasi naman eh!" Naging apoy ito saka lumipad palabas ng silid.

Naiwan ang dalawang Diyosa sa silid.

Nasundan na lang ni Takari ng tingin ang palayong si Iminako. Hindi siya nito napansing nakakubli sa gilid ng pinto eh.

Ibang klase rin yun ah.

Nag-aaway rin pala ang mga Diyosa.

Hinarap na lang ni Kazumi si Miyakira na umiiyak pa rin.

"Wag mo ng piliting pagaanin ang loob ko Kazumi. Alam mo rin naman tama ang tao diba?" humihikbing wika nito.

"Kapag nagsalita pa ako ng tulad niya, siguradong iiyak ka lang lalo." Naupo siya sa tabi nito. "Alam mo, nong una ko rin siyang makita ay nag-away rin kami. Sa katunayan nagpambuno pa kami." Napatingin ito sa kaniya na namangha.

"Ikaw?"

Tumango siya. "Ako."

"Hindi ko sinabi sa kanilang ako ang Diyosa ng Hangin. Sinabi ko lang na, ako ang katiwala ng Diyosa at binabantayan ko ang palasyo para sa kaniya. Sinabi ko sa kanilang wala na ang mga Diyosa, na itigil na nila ang pag-hahanap. Tulad mo nawalan na rin ako ng pag-asa, Miyakira. Alam natin kung nasaan ang Gem pero hindi natin makuha. Hadlang sa atin ang Dome at hindi tayo bastang makakapasok doon. Nawala na ako sa sarili ko. Yun yung mga panahon na hindi ko na magawang linisin ang sarili ko. Kasi, bigong-bigo na ako.

"Saka naman sila nadala ng mga Horus at sinabing sa aking hinahanap nila ang mga Diyosa. Hindi ako naniwala. At ayaw ko na ring maniwala. Mga tao sila, kahit ang mga Ulome ang totoong kalaban natin, may naging kasalanan pa rin naman sila. Nagalit rin ako at sinabing sumuko na sila. Pero hindi eh. Gusto nila tayong hanapin at gusto nilang ibalik sa dating ganda ang mundo. Naninawala akong nagbago na sila, Miyakira. Yun lang naman ang pagkakamali ng mga tao eh. May panahon pa para bigyan natin sila ng isang pagkakataon. Lima lang sila pero gusto nilang bayaran ang mga pagkakamali ng mga ninuno nila sa pamamagitan ng pagtulong sa atin. Hayaan mo silang gawin yun."

Matagal bago nagsalita si Miyakira. "Pero Kazumi," napailing ito. "Hindi ko kaya. Hindi ko kayang makipagsapalaran. Ayaw kong sumugal. Natatakot ako. Masasaktan lang ako Kazumi. Alam mo yun."

Hindi nakapagsalita si Kazumi lalo na ng umiyak ulit ito.

"Pero Diyosa ka diba?" agaw pansin ni Takari. Napatingin ang mga ito sa kaniya na nakatayo na sa pinto. "Dapat tanggap mo at kaya mong labanan ang ano mang sakit o takot na nararamdaman mo. Kung hindi mo makakayang gawin ang mga yun. Paano ka naging Diyosa?"

Nagdilim ang anyo ng Diyosa ng Lupa. "Hindi ka dapat nan---"

"Pasensiya na." Natigilan ito. Kahit si Kazumi. "Hindi ko sinasadyang sabihin ang mga yun sayo kanina. Siguro nainis lang ako dahil sobrang nega mo. Mas nega ka pa siguro kay Kazumi nong una ko siyang makita. Pasensiya na rin dahil ngayon ko lang din nalaman na, mahirap rin pala ang maging isang Diyosa. Akala ko madali lang sa inyo ang lahat eh. Nasasaktan rin pala kayo at umiiyak."

Hindi nagsalita ang dalawa.

Naglakad siya palapit sa mga ito. "Pero isa kang totoong Diyosa diba? Siguradong hindi ito ang gagawin ng isang totoong Diyosa."

"Ano nga ba ang alam mo? Isa ka lang namang hamak na tao?"

Ang taray pa rin eh. Humingi na nga siya ng pasensiya eh. "Kung isa ba akong Diyosa, maniniwala ka sa mga sasabihin ko?"

"Ang masama hindi ka Diyosa."

"Pero hindi ibig sabihin na mali ako."

"Ano ba ang gusto mong palabasin? Na tama ang mga tao at mali ang mga Diyosa? Na mas matatag ang mga tao at hindi ang mga Diyosa? Sino ka ba sa akala mo para ikumpara ang mga tulad niyo sa amin?" nagalit ulit ito.

"Wala akong sinabing ganoon."

"Ano ba ang gusto mo?"

"Ang koperasyon mo. Ang tulong mo. Hindi ba pwedeng gawin yun ng mga tao? Dati naman ay humihingi sila ng tulong sa inyo diba? Bakit hindi pwede ngayon? Dahil nasa anyong tao lang kayo? Dahil wala kayong kapangyarihan? Pero mga Diyosa pa rin naman kayo diba?"

Hindi ito nagsalita.

"Kung gusto mo, lumuhod ako dito." Nagulat ito. "Bilang isang hamak na tao na humihingi ng tulong mula sa isang Diyosa." Nagsimula siyang lumuhod.

"Takari," nasambit na lang ni Kazumi. Naisip niya kung nasaan na ang pride nito eh. Sigurado siyang mataas ang ego nito at pride. Pero hindi niya alam kung nasaan na yun ngayon?

Siguro ganoon nito kagustong mabalik sa dati ang mundo.

Hindi nakapagsalita ang dalawang Diyosa. Pareho lang silang nakatingin kay Takari na nakayuko habang nakaluhod ang isang paa.

Saka naman pumasok ulit sa silid si Iminako pero nabigla siya sa nasaksihan.

Inis na pumiksi lang si Takari habang nakayuko. Hindi siya makapaniwalang ginagawa niya yun. Ni minsan, hindi pa siya lumuhod sa kahit na sino. Napilitan lang naman siyang gawin yun dahil sa pustaan nila ni Imaru. Talagang pahihirapan niya ito para makaganti siya.

Pero dahil lang ba talaga doon kaya ginagawa niya yun o dahil naawa siya sa Diyosa. Pagkatapos madinig ang usapan ng mga ito, naisip niyang hindi nga madali ang maging Diyosa.

Ilang hirap at sakit ang kailangang tiisin ng mga ito para lang magampanan ang responsibilidad.

May pagkakataon rin naman pala na napapagod ang mga ito.

"Tingin mo ba dahil ginawa mo yan ay papayag ako?"

Tiningala niya si Miyakira ng magsalita ito. "Hindi kita pipilitin." Tumayo siya ng maayos. "Siguro napapagod rin kayo. Napapagod ka na kaya ayaw mong subukan, pero hindi pa ba sapat ang isang siglong pahinga? Hindi ba panahon na rin para, kumilos ang mga Diyosa at ipakita sa mga Ulome na yun kung sino ang binabangga nila at kung sino ang tunay na mas makapangyarihan?"

"Yeah!" malakas na sigaw ni Iminako. Noon lang nila nalaman na naroon pala ito. "Gusto ko ang sinabi mo Takari!"

Natawa lang siya bago tiningnan si Miyakira. Nakangiti na rin si Kazumi habang hinihintay ang sagot ng babae.

Nag-iwas ito ng tingin. "Fine," mataray pang sagot. "Tutulong ako pero hindi dahil sinabi mo yan, kundi dahil nakikita ko ang isang kaibigan sayo at gusto ko siyang makita ulit."

Natawa ng maiksi si Kazumi. "Sinabi ko rin yan." 

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon