"A-ANO ang bagay na yun?" nakangangang tanong ni Hikari. Lahat silang nakasaksi sa malakas na pwersa na yun ay natulala sa sobrang gulat.
Wala ng nakapagsalita sa sobrang gulat at takot. Napaka-imposibleng mabuhay kapag natamaan ng kapangyarihan na yun.
Hindi na rin naiwasan ni Gem ang panlakihan ng mga mata ng makita yun. Inabala niya ang sarili niyang tingnan yun pero hindi siya makapaniwalang sobrang lakas pala talaga ni Darkos.
Binawi na lang niya ang sarili sa gulat saka niya tiningnan ang mga Gem. Hindi na niya pinansin ang pagsisikip ng katawan niya. Malapit na niyang matapos ang mga Gem.
Hindi na niya pinansin ang pamumutla ng balat niya. Dahan-dahan ring kumukulobot ang mga yun pero wala na siyang pakialam kung ano ang mangyayari sa kaniya. Ang mahalaga ay ang makulong ulit si Darkos.
"Wag mong masyadong madaliin ang sarili mo Gem." Wika ni Wunesa sa kaniya ng mapansin ang ginagawa niya.
"Hindi mo pwedeng sabihin yan, Wunesa. Hindi mo ba nakita ang ginawa ni Darkos? Wala ng oras." Sagot niya.
Hindi na lang sumagot si Wunesa. Napailing na lang siya ng makita ang pangungulubot ng balat nito.
"HYDRO!" tawag pa rin ni Takari sa Dragon lalo na dahil hindi niya makita ito. "Hydro!"
"Takari, hindi ko sila makita." Wika ni Kazumi sa kaniya. May pag-alala na rin sa boses nito.
Umiling lang si Iminako ng tingnan niya ito.
Mabilis nilang naiwasan ang pag-ataki ng mga galamay sa kanila.
"Nandito ako Takari," boses ni Hydro.
Mabilis na kinuha ni Takari ang Gem niya saka naman lumabas mula doon si Hydro. Naglabasan na rin sina Aero at Pyro sa mga Gem nina Kazumi at Iminako.
"Muntik na yun ah! Kung hindi agad kami umiwas ay talagang tigok na kami." Wika ni Pyro na marahas na bumuntong-hinga.
"Imposibleng matalo natin ng ganito si Darkos." Si Aero.
"Pero kailangan nating subukan." Sagot lang ni Hydro saka siya sumugod kay Darkos.
"Hindi ka talaga susuko noh?" napasunod na lang sina Aero at Pyro dito.
Sumunod na rin sina Takari. Madali nilang naiiwasan ang mga galamay ni Darkos. Hindi rin nagpatalo ang mga halimaw at sumugod. Hindi huminto ang mga ito.
Napasigaw ulit si Darkos saka ito kumilos at humarap sa isang dereksyon. Muli na namang nagliwanag ang bibig nito.
Pinanlakihan ng mga mata sina Takari ng makitang nakaharap ito sa dereksyon ng mga tao. Siguradong walang matitira sa mga ito kapag natamaan.
Mabilis na kumilos sina Hydro at agad na sinubukan pigilan si Darkos na maipalabas ang malakas na pwersa na yun. Kung ano-ano na ang ginawa nila pero hindi ito natitinag lalo na dahil sa mga galamay nitong pumu-protekta dito.
"Takari!" gulat na sigaw ni Kazumi ng makita niya ang pinunong lumipad sa pagitan ni Darkos at sa mga tao. "Anong gagawin mo? Hindi mo kayang harangan ang kapangyarihan ni Darkos."
"Hindi ko susubukan." Sagot lang ni Takari.
Mabilis niyang iwinasiwas ang mga kamay. Pinalipad niya paalis ang mga tao sa bahaging yun gamit ang harang. Ipinasok rin niya sa harang sina Imaru at binuhat niya paalis doon.
Saka naman bumuga ng malakas na pwersa si Darkos.
Natilapon na naman sila sa lakas ng pwersa non at muli, nakalikha na naman ito ng malalim na bangin. Mabuti na lang at walang natamaan sa mga tao.
"Kailangan na talagang tumigil ng Darkos na yan." Gigil na asik niya saka hinarap si Darkos.
"Takari!"
Pero huli na. Muling bumuga si Darkos sa dereksyon niya.
Napasigaw na lang sa gulat sina Kazumi sa nasaksihan. Hindi nila inaasahang bubuga agad ng pangalawang pwersa si Darkos at sa pagkakataong yun, si Takari ang puntirya nito.
"Takari!" sinubukan niyang lumapit pero mabilis siyang napigilan ni Iminako.
"Magpapakamatay ka ba?" asik nito sa kaniya.
Hindi na rin nakakilos sa sobrang gulat sina Hydro.
Ng tuluyang huminto si Darkos ay muli na naman itong nakalikha ng bangin. Hindi na rin nila nakita ang babae.
"Takari,"
"Parang ganoon kadali lang niya akong mapapatay." Sagot ni Takari sa likuran ng dalawang Diyosa. Mabilis na lumingon ang mga ito saka natuwa. "Pero muntik na."
Muli nilang tiningnan si Darkos pero nagliliyab ulit ang bibig nito.
"Hindi ba siya nauubusan ng kapangyarihan?" nalilitong tanong ni Iminako.
Muling bumuga ng kapangyarihan si Darkos pero hindi nila inaasahan ang sunod na ginawa nito. Kung saan-saang dereksyon nito itinapat ang mistulang laser na pwersang yun kaya lahat ng nadaanan ay agad na naging abo.
Nagwawala na si Darkos. Galit na galit na ito. Sinusubukan na nitong ubusin sila sa pang-isahang buga lang. Kahit na anong matamaan ng kapangyarihan na yun ay agad na naglalaho.
Kahit ang kaulapan ay nahahati na rin ng matamaan ng malakas na pwersa na yun. Nagsimulang magpakita ang Haring araw mula sa pagitan ng makapal na ulap na yun.
Gumuguho na rin ang mga lupang natatamaan non.
---
HINDI nagsalita si Noburi. Nakamasid lang siya mula sa malayo. Kitang-kita niya kung paano magwala si Darkos. Umaabot sa dereksyon niya ang pwersa nito pero nasusubukan naman niyang iwasan.
Pero isa lang ang sigurado niya, wala ng kahit na ano ang mabubuhay sa ataki na yun.
"Ako ang nagwagi Takari." Bulong niya sa sarili. "Hindi mo ako kayang talunin ng ganoon lang."
Napatingala siya ng masinagan siya ng maliwanag na sikat ng Haring araw pagkatapos magkaroon ng siwang ang ulap.
Ang tagal na panahon na rin ng makita niya ang liwanag na yun.
At kailan man, hindi na yun masisilayan ng iba pa.
Saka naman huminto sa pagwawala si Darkos. Wala na siyang nakitang kahit na anong gumagalaw sa paligid nito. Ang laki rin ng pinsala na nagawa nito.
Hindi na niya makita ang mga Elementong Dragon. Ang mga taong nakakubli sa harang. Ang mga halimaw lalong lalo na ang mga Diyosa.
Siguradong ubos na ang mga ito sa pagkakataong yun.
Biglang sumigaw ng malakas si Darkos.
Natigilan siya dahil wala naman siyang nakikitang kahit na ano para masaktan ito. Naputol ang mga galamay sa katawan nito ng bigla.
Nasisikatan na rin ito ng araw at sunod-sunod ang pangingisay nito hanggang sa magsimulang magliwanag ang katawan nito.
Naikunot na lang niya ang noo at napasinghap siya ng malakas.
Hindi sikat ng liwanag ang nakikita niyang tumatanglaw sa ibabaw nito kundi ang mga Diyosa.
Nakaikot ang mga ito sa ibabaw at tumatanglaw ang kung anong liwanag sa pagitan ng mga ito deretso sa ulo ni Darkos. Saka naman biglang sumulpot sa isang bahagi ang mga tao at ang mga halimaw na may mas malakas na harang.
"P-paano nangyari ito? Nasira na ang mga Gem nila." muli siyang napasinghap. "Si Gem."
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantasyIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...