Chapter 93

9 0 0
                                    

"WOAH!" di napigilang sambit ni Naru ng marating rin niya ang dulo ng bangin sa wakas.

Hindi niya inaasahan ang mistulang underground world na nakikita niya. Madilim ang kapaligiran at tanging apoy ang nagsisilbing ilaw ng mga ito.

Maraming mga kabahayang tagpi-tagpi sa paligid. Sa sobrang lawak non ay hindi na niya makita ang kabuuan ng buong paligid.

Pinamumugaran rin ng napakaraming halimaw. Isa lang ang dereksyon na pinupuntahan ng mga ito. Ang malaking bitak sa lupa.

Ni minsan ay hindi niya naisip na ganoon pala kalaki ang mundo ng mga halimaw sa ilalim ng lupa.

"Paano sila nabuhay sa sirang mundo na ito?" nalilito niyang tanong. Hindi maganda ang kondisyon ng mundo para dumami at mabuhay ang mga ito doon. Hindi rin niya alam kung ano ang kinakain ng mga ito.

Di na lang niya pinansin yun. Lumipad siya sa malawak na lugar na yun at sinubukang hanapin ang palasyo ni Noburi. Hindi niya alam kung ano ang itsura ng palasyo nito pero bahala na.

Sa kakalipad niya ay napadpad siya sa mistulang mga bundok sa lugar na yun. Malayo sa bayan ng mga halimaw. Saka niya nakita ang hindi pangkaraniwang palasyo sa di kalayuan na umuusok ng itim.

"Yun marahil ang palasyo ni Noburi." Sambit niya.

Wala na rin siyang nakitang mga halimaw sa paligid kaya magiging maayos lang yun.

Malaki ang palasyo ni Noburi. Pinalipad niya papasok ang Horus dahil kakasya ito. Saka niya pinalapag sa malawak na bahagi ng palasyo ang Horus.

"Diyan ka lang." bilin niya sa ibon na humuni lang ng mahina ng makababa siya. Tinuka nito ng marahan ang ulo niya. natatawang hinimas niya ang mukha nito. "Gusto mo na ako noh? Hindi mo na ako kakainin?"

Humuni ito saka siya binanga ng ulo nito ng marahan.

"Okay, Okay. Dito ka lang."

Iniwan na niya ang ibon saka niya nilakad ang palasyo. Patingin-tingin pa siya sa paligid habang naglalakad ng mahina.

Mabigat ang pakiramdam niya sa lugar at mahirap huminga. Pero magkaganoon man, hindi pa rin siya susuko. Nilibot niya ang buong lugar. Inisa-isang tingnan ang mga silid. Nagbabakasakaling makita ang taong sinasabi ni Takari.

"Sino nga ba ang taong yun?" tanong niya sa sarili.

Patda siya ng may madinig na naglalakad. Tarantang agad siyang naghanap ng lugar na mapagtataguan.

Isang poste ang nahagip niya kaya agad siyang nagkubli doon.

Hinintay niyang makadaan ang sino mang naglalakad na yun. Hindi iisang tao ang nadidinig niya. Marahil na dalawa o tatlo.

"Saglit lang, may nararamdaman ako."

Pinanlakihan ng mga mata si Naru ng madinig ang boses na yun ng hindi pamilyar na tao. Napansin rin niyang huminto sa paglalakad ang mga ito.

"Nandito ang mga Gem."

"Sigurado ka?" boses ni Sasu.

"Sasu!" mabilis na lumabas sa pinagtataguan si Naru. Napangiti siya ng makita ang mga kaibigan maliban sa isang lalaking hindi niya kilala. Nagulat rin ang mga ito.

"Naru!" wika ni Imaru. "Anong ginagawa mo dito? Nahuli ka rin ba ni Noburi at dinala dito?"

"Hindi." Umiling siya saka lumapit sa mga ito. "Pinapunta ako dito ni Takari para iligtas ang isang lalaki."

"Si Takari?" wika ni Gem. "Sigurado ka bang sinabi niya yun?"

Tiningnan ni Naru ang isa pang lalaki. "Ikaw marahil ang tinutukoy ni Takari." Napangiti siya. "Mabuti. Kailangan na nating umalis ngayon. Hindi na maganda ang nangyayari sa Dome. Sumusugod lahat ng halimaw. Napakarami nila, hindi ako sigurado kung kaya pa silang labanan ng mga Diyosa lalo pa't naroroon pa rin si Noburi."

"Ang ibang Diyosa. Anong nangyayari sa kanila?"

"May ginawa si Takari para makatulog sila pero nanatili pa ring itim ang mga balat nila. Kasalukuyan silang kasama nina Sain."

Tumango ito. "Nararamdaman kong nandito ang mga Gem. Kailangan nating hanapin yun."

"Ng sa ganoon ay mababalik natin sa dati ang ibang Diyosa?"

Tumango ito. "Dito." Tinuro nito ang isang dereksyon at naglakad. Napasunod na lang silang tatlo.

"Tika, paano ka nakapunta dito?" takang tanong ni Sasu sa lalaki.

"Sumakay ako sa Horus." Napangisi ito. "Alam niyo bang nasa ilalim ng lupa ang palasyong ito at sa di kalayuan ay naroroon ang syudad ng napakaraming halimaw?"

"Hindi ka nakita ng mga halimaw na papunta dito?" si Imaru.

"Hindi. May ginawa si Takari. Isang harang para hindi kami makita ng mga halimaw."

Tumango lang ang mga ito.

Naunang naglalakad si Gem. Sinusundan niya ang pakiramdam ng mga Gem. Sigurado siyang ang mga Gem yun. Hindi siya pwedeng magkamali dahil siya ang gumawa sa mga yun.

Sa kakalakad nila sa loob ng palasyo ay narating nila ang isang malaking pinto. May lumalabas na usok mula sa mga yun.

"Nandito ba ang mga Gem?" tanong ni Imaru sa lalaki.

Tumango lang ito. Saka naunang maglakad at agad na binuksan ang pinto ng malakas. Umugong yun ng malakas hanggang sa nakita nila ang itsura ng buong silid.

Wala namang kakaiba sa lugar maliban sa nakikita nila ang apat na Gem sa gitna. Maitim na maitim ang mga yun at umuusok pa.

"Ang mga Gem." Bulalas ni Naru.

Hindi kumibo si Gem. Tinitigan niya ang mga yun. Hindi niya inaasahang magiging ganoon kadumi ang mga Gem na ginawa niya.

"Kaya mo bang linisin ang mga yan?" tanong ni Sasu sa kaniya.

"Hindi ako sigurado. Pero susubukan ko."

"Ang tanga naman yata ni Noburi para iwan dito ang mga Gem kasama niyo. Hindi ba niya naisip na pwede nating makuha ang mga Gem?" natatawang tanong ni Naru. Natigilan siya ng tumingin ang tatlo sa kaniya.

"Tama ka. Parang imposible naman na gagawin ni Noburi ang ganito kadaling bagay."

Sabay nilang tiningnan ang mga Gem at hindi sila kumilos. Kailangan nilang mag-ingat dahil baka kung ano ang mangyari oras na lapitan nila ang mga yun.

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon