Chapter 95

6 0 0
                                    

SINUBUKANG kumawala ni Kazumi sa usok ni Noburi pero hindi niya nagawa. Nakita niyang sumara ang lupang kinahulugan ni Takari. Gusto pa naman niya itong sundan.

"Dito ka lang Kazumi." Wika ni Noburi sa kaniya. "Pagmasdan mo kung paano ko sisirain ang mga Gem sa harap mo."

Tiningnan niya ito saka niya nakitang hawak na naman nito ang mga Gem.

"Pagkatapos ay papatayin ko ang mga kapwa mo Diyosa. Sila ang una, at isusunod ko kayo ni Iminako, saka si Takari." Natawa pa ito ng maiksi.

"Akala mo ba, magtatagumpay ka?"

"Bakit naman hindi? Kunting-kunti na lang at matatalo ko na kayo." Lumipad ito. Hinila naman siya ng usok nito pasunod hanggang sa huminto sila sa ere sapat para makita nila ang paligid.

Pinanlakihang ng mga mata si Kazumi ng makita ang mga halimaw sa paligid. "Ang mga halimaw."

"Gusto nila ng pagbabago sa mundo. Kayang-kaya kong ibigay sa kanila yun oras na ako ang maging Diyosa kaya nila ako tinutulungan." Wika lang nito. May tuwa sa anyo habang nakatingin sa kaguluhang nangyayari.

Nilalabanan nina Iminako at Pyro ang mga halimaw. Hindi rin magtatagal at mapapagod rin ang mga ito dahil hindi nauubos ang mga halimaw. Marami rin ang lumalabas pa mula sa bangin.

"Malapit na akong magwagi Kazumi." Tumingin ito sa kaniya. "Di maglalaon at mapapagod rin ang mga Elementong Dragon na nakikipagdigma sa mga kapwa nila Dragon. Hindi na rin magtatagal at mapapagod na rin si Iminako at ang Dragon niya. Hindi rin basta-bastang makakabalik si Takari dito. Ilang sandali na lang ang kailangan kong hintayin para tuluyan ko kayong matalo. Pag-nangyari yun, saka ko kokontrolin ang mga Elementong Dragon at magiging Diyosa ako ng buong Elemento." Natawa pa ito ng malutong.

Tinitigan lang ng masama ni Kazumi ang babae.

"Hindi mo kayang kontrolin ang mga Elementong Dragon ng sabay Noburi." Naalis ang ngiti nito sa sinabi niya. "Kapag inalis mo ang nag-iisang ugnayan namin sa mga Elementong Dragon, babalik sila sa pagiging mabangis nilang sarili."

"Tingin mo hindi ko alam yun? Tingin mo hindi pa ako handa? Kayang-kaya ko silang hulihin ng mag-isa. Hindi ako katulad niyo, mga walang silbi."

"At kung hindi? Ilalagay mo lang sa panganib ang mundo."

"Hindi pa ba nanganganib ang mundo ngayon?" natawa ito ng pagak.

Hindi siya sumagot. Tinitigan lang niya ito ng mataman. Gusto niyang mapangiti pero hindi niya ginawa. May isang bagay kasi itong hindi napansin.

Hindi na nito napansin na wala na si Hikari at ang iba pang mga Diyosa na nasa kontrol nito. Kahit sirain nito ang mga Gem, hindi rin nito mapapatay ang ibang Diyosa kung hindi nito alam kung nasaan ang mga ito. Siguro nagawan na yun ng paraan ni Takari bago ito tumulong sa kaniya.

Naalis ang ngiti nito bigla habang nakatitig sa kaniya. Para bang binabasa nito ang isip niya at nabigla ito.

"Anong klaseng titig yan Kazumi?" inis na tanong nito. "Pinagtatawanan mo ba ako?"

Hindi siya sumagot. Nababasa rin pala nito ang tuwa sa mga mata niya?

Pinanlakihan ito ng mga mata saka agad tumingin sa paligid. Saka lang nito napansin na nawawala sina Hikari sa paligid. Hinanap nito sa paligid ang mga ito pero hindi nito nakita kaya siya ang hinarap nito.

"Nasaan sina Hikari? Saan mo sila dinala?" galit na asik nito.

Nagpigil siyang mapangiti. "Sa lugar na hindi mo mapupuntahan." Sagot niya. Pero kahit siya walang alam kung nasaan ang mga ito ngayon.

Napamura ito ng malakas.

Tinignan nito ng mariin ang paligid. Sinusubukang hanapin ang mga Diyosa pero hindi nito makita. Inilabas nito ang mga Gem.

Sinubukan nitong kontrolin sina Hikari pero nagulat ito ng malamang walang reaksyon.

"Anong nangyayari? Bakit hindi sila sumusunod sa akin?" inis na tanong ni Noburi. "Anong ginawa mo, Takari?"

"Tingin mo, malapit ka ng manalo?" nangungutyang tanong ni Kazumi dito.

"Tumahimik ka!" galit na sigaw nito sa kaniya.

Hindi na kumibo si Kazumi. Natutuwa siya sa reaksyon ngayon ni Noburi. Sinusubukan pa rin nitong kontrolin sina Hikari pero wala itong makuha.

Isang lumilipad na ibon ang nagpaagaw ng atensyon niyang lumabas sa bangin.

Isang Horus. Nakikita niyang sina Imaru, Sasu at Naru na nakasakay doon at may kasamang isang lalaki ang mga ito. Naikunot na lang niya ang noo niya dahil hindi niya kilala kung sino yun.

Matulin na lumilipad ang mga ito, papunta sa dereksyon ng mga tao.

May kakaiba sa kilos ng mga ito. May pagmamadali at tuwa siyang nakikita sa anyo ng mga ito.

Tiningnan niya agad si Noburi dahil baka makita nito ang tinitingnan niya. Ayaw niyang magkaroon ito ng hinala.

Kaya lang nakatitig na sa kaniya si Noburi. Saka nito nasundan ng tingin ang tinitingnan niya.

Kumunot ang noo nito pero agad pinanlakihan ng mga mata.

"Si Gem. Paano siya nakalabas?" bulalas nito.

"Gem," naulit niya saka tiningnan sina Naru na nasa malayo na. Marahil na yun ang pangalan ng lalaking kasama ng mga ito.

Basi na rin sa reaksyon ni Noburi. Hindi bastang tao si Gem. Mabilis na lumipad ng matulin si Noburi at sinundan ang mga ito. Naiwan siya doon na nakabalot pa rin sa itim ng usok.

"Noburi!" sigaw lang niya.

Sinubukan niyang kumawala pero hindi niya kaya. Sigurado siyang malalagay sa panganib sina Naru kapag naabutan nito. Kung ano man ang tuwang nakikita niya sa anyo ng mga ito, baka yun na ang solusyon.

"Iminako!" tawag niya sa babae abala sa ginagawa. Isa pang tawag ang ginawa niya hanggang sa mapatingin ito sa kaniya. Agad itong lumipad palapit.

"Kazumi. Saglit lang, ilalabas kita diyan!"

"Wala ng oras! Bilis, sundan mo si Noburi. Nasa panganib sina Naru. Dali!"

Nagulat ito saka agad tumingin sa tinitingnan niya.

Hindi na ito nagsalita. Naging apoy ito at mabilis na lumipad sa dereksyon ni Noburi.

Sinubukan naman niyang kumawala sa mga usok. Kailangan niyang tulungan ang mga ito.

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon