Chapter 20

28 6 1
                                    

HUMIHIKAB na napabagon si Takari. Hindi kasi maganda ang pakiramdam niya eh. Basang-basa ang katawan niya at nilalamig pa siya.

Syempre hindi naman niya nakakalimutang inanod sila ng rumaragasang tubig mula sa silid.

Anong silid naman ang puno ng tubig? It doesn't make sense.

Ginalugad na lang niya ang mga mata saka tiningnan ang sariling basang-basa. Pumiksi na lang siya ng maalalang baka inanod rin ng tubig ang damit niya.

Hindi na niya aasahang may pamalit siya.

"Hoy, Imaru. Inanod rin ba ang bag niyo?" tiningnan niya ang mga ito sa likuran. Pinanlakihan siya ng mga mata.

Ganoon na rin ang apat. Gulat na gulat ang mga ito habang nakatingin rin sa kaniya.

Hindi siya nakapagsalita. Nanatili lang siyang nakatitig sa mga itong parang sinaunang tao ng mundo. Nakapalibot pa ang mga sira sa nag-iisang torch ng hubo't-hubad.

Noon lang siya napasigaw ng malakas. Nagsigawan rin ang mga sira na kaniya-kaniyang kubli ng katawan.

"Ano bang ginagawa niyo? Mga bastos kayo!" nagsisigaw na bumaba siya ng mesa at lumayo sa mga ito.

Nagkubli naman ang apat sa kabilang bahagi ng mesa na parang mga sira.

"Hindi mo naiintidihan. Nagpapatuyo kami ng damit. Ayun o!" tinuro ni Imaru ang mga damit nilang nakasampay.

Nasundan yun ng tingin ng nanlalaking mga mata ni Takari. Hindi siya nagsalita saka tiningnan ang apat. Parehong naka-topless ang mga ito na nakatago sa kabilang side ng mesa.

Wala na siyang pagkakataon na makita ang buong katawan ng mga ito.

Noon lang siya kumalma. "Nagpapatuyo lang kayo?" ulit niya.

Sabay na tumango ang apat. Parehong alanganin ang anyo.

Marahas na bumuntong-hinga na lang siya. Nasapo pa niya ang dibdib. "Buti naman."

"Ano ba kasi sa tingin mo ang ginagawa namin?" asik ni Naru. "Hoy, ang dumi ng isip mo ha?"

Tumitig ito ng masama sa kanila. Tumingin na lang ito sa paligid. "Si Kazumi, nasaan?"

"Nasa taas. Nagpapatuyo rin." Sagot ni Sain. "Sundan mo na lang siya doon at iwan mo kami dito."

Inikot nito ang itim na mata saka tumalikod at umakyat ng hagdanan. Bago ito tuluyang umakyat ay tumingin muna ito sa katawan nila.

"By the way, nice biceps boys." Nag-aprub pa ito saka umakyat na.

Nagkatinginan na lang silang apat.

"Ang wierd ng isang yun." si Sasu.

"Baliw kamo." Pagtatama na lang ni Imaru.


~

NAKANGITING nagpatango-tango na lang si Takari habang paakyat. Hindi araw-araw na makakakita siya ng lalaking hubad eh. Hindi naman sa malandi siya pero may part lang talaga sa katawan ng mga lalaki ang paborito niya.

Hindi ang abs kundi ang biceps. At masaya siyang makakita ng magagandang tanawin sa maiksing oras.

"Sana nakita rin ni Kazumi yun eh. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya kapag nagkataon. Nakakita na kaya ng lalaking hubad ang isang yun?"

Natawa na lang siya sa sarili. "Lalo na kay Imaru." Kinikilig na tumawa lang siya.

Tama naman kasi si Naru. Crush niya si Imaru. Hindi niya alam kung paano nito alam pero siguro dahil napapansin nito ang pagsulyap niya sa lalaki noon sa Dome. Magkatapat lang naman kasi ang bahay nila eh.

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon