Chapter 7

37 5 0
                                    

HINDI nakapagsalita ang lima habang nakatingala sila sa gate ng Dome. Malaking-malaki yun na gawa sa matibay ng bato. Iilan lang naman ang mga Ulome na nakabantay doon dahil hindi rin naman mabubuksan yun ng basta-basta.

Bubukas lang yun kapag binuksan yun ng control operator sa control room. Kailangan kasing spesyal ang gate dahil yun na ang labasan.

Dala-dala na nila ang mga inimpaki nilang mga kagamitan.

Nasa gilid naman ang prinsepe na nanonood lang sa kanila. Nasa balcony ito ng control room at nakamasid sa kanila.

"Kung gusto niyong umatras ay pwede pa." Wika ng prinsepe sa kanila.

Tiningnan ni Imaru ang babaeng pinagigitnaan nila. May pananabik at tuwa sa mga mata nito habang nakatingala sa malaking gate ng Dome. Malayo na yun sa sibilisasyon at walang naninirahan na kahit ano sa malapit non.

"Hindi na salamat." Sagot nito na hindi na tiningnan ang Prensepe.

Tiningala niya ang presepe.

"Baka ang mga kasama mo, gustong umatras."

Tiningnan sila isa-isa ni Takari. "Gusto niyo bang umatras?" tanong nito sa kanila.

Umiling lang siya. Umiling rin ang iba.

"Okay, ayos na kami. Pwede ng buksan ang gate." Sagot nito sa prensepe.

Inutusan nito ang tauhan saka naman umugong ng napakalakas ang gate. Dahan-dahan yung bumukas. Inaasahan nilang sasalubong agad ang labas sa kanila pero hindi pa pala. May natatanaw pa silang isang gate sa di kalayuan.

Pareho silang nagtaka kaya tiningala nila ang prensepe.

"Dalawa ang gate dapat. Hindi pwedeng pumasok ang kahit na anong nasa labas dito." Sagot nito.

Bahagya lang bumukas ang gate sapat para makapasok sila.

"Makikita mo. Babalik kami dito kapag natagpuan namin ang mga Diyosa." Bilin pa ni Takari dito. Pero napangisi lang ang Prinsepe. Kampante kasi ito.

Nagsimula na silang lumabas sa gate.

"Bubuksan namin ang ikalawang gate kapag naisarado na ang una." Bilin ng prinsepe.

Nilakad na nila ang ikalawang gate ng tuluyan na silang makalabas. Saka nila naramdamang sumasara na ang unang gate. Palatandaan na yun na hindi na sila makakabalik. Ng tuluyang sumara ang pinto ay saka naman dahan-dahang bumukas ang ikalawang gate. Marahan at umuugong yun ng malakas.

Sumalubong agad sa kanila ang napakalakas na hangin na puno ng alikabok. Para bang sinasalipadpad sila pabalik. Mabilis nilang tinakpan ang mukha habang patuloy pa rin sa paglalakad.

"Ano ba naman to? Hindi ko inaasahang alikabok agad ang sasalubong sa atin." Sigaw ni Naru habang tinatakpan ang bibig.

Kumuha na rin sila ng kahit na anong bagay para itakip sa bibig at ilong. Hindi na rin nila halos maibuka ang mga mata dahil napupuwing sila sa dami ng alikabok.

"Ang mata ko!" sigaw ni Sain.

"Hindi ba kayo nagdala ng googles?" tanong ni Takari sa kanila. May suot na itong googles at may takip na ang bibig.

"Hindi namin inaasahan ang hangin na puno ng alikabok eh!" sagot ni Sasu.

"Ang hina niyo pala eh." Nanglait pa. May kinuha ito sa bag nito saka isa-isang binigay sa kanila ang mga googles na agad naman nilang sinuot.

"Saan mo naman nakuha to?" tanong niya.

"Ninakaw ko kanina." Tumawa ito ng malutong saka nagpatuloy sa paglalakad.

Nagkatinginan na lang silang lahat saka sumunod na lang dito.

Tuluyan na silang nakalabas sa pangalawang gate pero hindi nila makita ang paligid bagammat maliwanag naman. Umugong ng malakas ang gate pasara. Nakatayo lang sila sa paanan non. Pilit inaaninag ang lugar.

"Ano ngayon?" tanong ni Naru sa babae.

"Maghintay lang tayo saglit." Sagot nito.

"Maghintay eh ang lakas ng hangin dito." Si Sasu.

"Magtiwala lang kayo sa akin. Ang sabi ng mga Ulome sa atin, abnormal na ang panahon dito sa labas ng Dome. Siguradong matatapos rin ang sandstorm na ito." sagot nito.

"Sigurado ka?"

Humarap ito sa kanila saka yumuko. Napakalaki nga talaga ng bag nito at may nakasabit pang tela. Kinuha nito yun saka binuka. Malaki yun pero manipis. "Magtago muna tayo dito." Nagbukot ito.

Ginawa naman nila. Pumasok sila sa kumot at inupuan ang dulo non para hindi pumasok ang mga alikabok at hindi liparin.

Nakapalibot sila kaya naman may spasyo pa sa gitna nila.

Inalis nito ang googles ang maskara nito sa bibig na may kinuha sa bag. Isa yung maliit na lampara na agad nitong pinailaw kaya sapat ang liwanag sa kanila.

"Tika, Takari. Paano mo alam ang mga gagawin?" tanong ni Sain dito.

"Sabi ko naman sa inyo, naghahanap ako ng mga impormasyon diba? Saka, sa library ang trabaho ko. Maraming libro na akong nabasa at ang ilang sa mga yun ay makakatulong sa atin para manatiling ligtas dito sa labas." muli itong may kinuha sa bag saka yun inilatag sa tapat nila. Ang mapa lang naman ng mga palasyo. May kinuha pa ito at isa yung compass.

Talagang pinaghandaan nito ha?

"Nandito ang Dome." May tinuro itong isang lugar. Nasa bahaging asya yun. "Ang pinakamalapit na palasyo ay ito." tinuro nito ang puting palasyo.

"Kaninong palasyo naman kaya ito?" si Sain.

Inilagay nito ang compass sa gitna non. "Deretso ang daan natin. Kapag tinahak natin ang hilagang-kanluran ng deretso ay siguradong matutuntun natin ang palasyo na ito."

Nagkatinginan silang lima saka tumango.

Saka lang nila napansin na huminto na ang hangin.

Pinatay agad ni Takari ang lampara at niligpit ang mga gamit bago sila naglabasan.

Namangha sila ng makita ang buong lugar.

Wala silang nakikita kundi puro buhangin. Wala silang nakitang bundok o kahit na ano. Na para bang ang Dome lang ang tanging nakatayo sa lugar na yun.

Maliwanag ang paligid pero wala naman silang nakikitang haring araw dahil sa maulap na kalangitan at hindi naman maitim. Hindi presko ang hangin pero sapat na para makahinga sila. At kahit puno ng buhangin ang lugar, sobrang lamig naman ng klima. Buti na lang at balot na balot sila ng suot. Pinaghandaan talaga nila yun.

"Mahirap ito." bulalas ni Naru. "Napakalawak ng buhangin. Hindi tayo sigurado kung gaano kalawak ito Takari. Hindi rin tayo sigurado kung ilang araw ang aabutin para malampasan natin ito. Baka nga kahit saang lugar ay puro buhangin lang."

"Aatras ka?" tanong ni Sasu dito.

"Ano? Hindi ah!" sumimangot ito.

"Parang gusto mo ng sumuko ah! Pwede kang bumalik don." Tinuro niya ang Dome.

Nasundan yun ng tingin ni Naru at naikunot na lang niya ang noo ng makita ang mistulang napakalaking kalahating itlog na gusali. Saradong-sarado rin ang gate.

"Tayo na." Tawag ni Takari sa kanila. Nagsimula itong maglakad habang nakatingin sa compass. "Dito tayo." Tinuro nito ang dereksyon saka itinago ang compass.

Nagsimula na rin silang maglakad.

Hindi sigurado kung ilang araw silang aabutin. O kung may madadatnan nga ba silang palasyo.

Sana nga meron.

Kung meron.



================

Next, update on 11/24

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon