NAGTAKA na rin si Takari sa nakikita sa paligid. Hindi na naalis ang kunot ng noo niya.
"Hindi!"
Nasundan niya ng tingin ang boses na yun ni Noburi saka niya ito nakitang puno ng pagkalito ang anyo.
"Anong ginagawa niyo? Hindi si Darkos ang kalaban." Galit na sigaw nito na agad ginamitan ng usok ang mga halimaw pero walang nangyari. Pinanlakihan ito ng mga mata na hindi makapaniwala lalo. "Hindi."
"Anong nangyayari Noburi?" tanong ni Takari sa babae. Matalim na titig agad ang sinalubong nito sa kaniya. "Hindi mo ba kagagawan ang biglaang paglabas ng mga halimaw?"
Hindi ito nagsalita.
Tinitigan lang ni Takari ang babae. Kitang-kita niya ang lito at galit sa anyo nito dahil sa pangyayari. Tulad niya ay hindi rin nito alam kung ano ang nangyayari.
"Binabawi na namin ang kapangyarihan namin sayo Noburi."
Nasundan nila ng tingin ang nagsalitang yun. Nakatayo na ang Hari ng mga halimaw habang nakatingala sa kanilang dalawa.
"Duno," sambit ni Takari sa pangalan nito.
"Anong ibig mong sabihin?" galit na sigaw ni Noburi dito.
"Ginamit mo lang ang kapangyarihan para mapalaya si Darkos. Wala ito sa naging usapan natin." Sagot nito.
"Ano bang pinagsasabi mo? Parte ito ng plano ko. Kailangan kong palabasin si Darkos para tuluyang matalo ang mga Diyosa at wala silang magagawa kundi ang gawin akong Diyosa ng buong Elemento. Kapag nangyari yun, ikukulong ko ulit si Darkos at magiging maayos na ulit ang mundo." Mahabang paliwanag agad ni Noburi sa halimaw.
"Masyado mong minamaliit si Darkos at ang mga Diyosa, Noburi."
Nagdilim ang anyo ni Noburi. "Kung pati ikaw ay kumakalaban na rin sa akin, pwes, masisira ang mundong ito kasama na kayo!" malakas na napasigaw ito saka agad na naglaho.
Tiningnan ni Takari si Duno. Namangha siya sa ginawa nito. "Nagising ka ba sa ginawa kong leksyon, Duno?"
Natawa ito ng pagak. "Wag mong masyadong pasalamatan ang sarili mo, Diyosa." Ngiti lang ang naging sagot ni Takari. "Hindi mo ba susundan si Noburi?"
"Saan pa siya pupunta ngayon? Kung hindi na niya magagamit ng kusa ang kapangyarihan niyo, simpleng Diyosa ng Pagkalimot na lang siya. Ang importante ngayon ay ang pigilan si Darkos. Saka ko na siya hahanapin kapag nakulong ulit si Darkos."
"Siyanga naman."
"Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero mabuti na ito." masayang wika ni Kazumi saka sumugod na rin kay Darkos. Sumunod naman ang tatlong Dragon.
Tiningnan lang ni Takari ang kaibigang Diyosa. Sumugod na rin si Duno papunta at nakita niyang dumaan si Iminako deretso sa halimaw. Natanaw rin niya si Coran at ang kapatid nito. Lahat ng halimaw ay sumugod kay Darkos.
Umalingawngaw sa paligid ang malakas na sigaw nito. Wari'y nasasaktan.
Lumipad na rin palapit si Takari pero natigilan siya ng may maalala. "Oo nga naman." Sambit na lang niya. "Kailangan ko palang ibigay kay Kazumi ang Gem niya."
----
"KAZUMI,"
Natigilan sa pagsugod si Kazumi ng madinig ang tawag na yun ni Takari. Huminto siya saka hinintay na lumapit ito. "Ano yun?"
"Ito," may nilahad ito.
Namangha siya ng makita ang Gem. "Ang Gem ko."
"Pasensiya na kung itinago ko yan sayo."
"Masama ang loob ko na inilihim mo sa akin ang sarili kong Gem pero natutuwa akong ginawa mo ito. Pero, bakit mo nga pala ito kinuha?"
"Ginamit ko ang Gem para manatiling malinis ang hangin na hinihingahan ng mga tao."
"Ano?"
"Kapag naubos ang mga puno, wala ng makakapagbigay ng malinis na hangin sa mga nilalang na naririto sa mundo. Ginamit ko ang Gem mo para magbigay ng hangin sapat para makahinga at mabuhay ang lahat ng nakikinabang ng hangin."
Natawa na lang siya ng maiksi. "Sana ginamit mo rin ang Gem mo para manatili ang tubig kahit sa tuyong lupa na ito."
"Hindi ko pwedeng gawin yun. Malalaman ni Noburi na peke ang Gem na nasira niya. Pero hindi ang tungkol sa hangin. Masyado siyang manhid para malaman ang kaibahan ng malinis at maduming hangin."
Tumawa ito saka tumingin kay Darkos. "Pero hindi ito sapat para matalo natin si Darkos."
"Pero sapat na para ma-delay natin siya sa pag-kain ng mundo. Isa lang naman siyang malaking uod na ang agahan ay ang mundong ibabaw na ito. Masamang uod."
Saka sila sumugod kay Darkos.
Sunod-sunod na ang naging sigaw nito. Tinatambanan na ito ng mga halimaw. Kung ano-ano ang ginagawa sa katawan nitong nakabalot lang ng itim na ulap.
Hindi rin humihinto sa pagbuga ang mga Elementong Dragon at minsan pa ay lumilikha yun ng malakas na pagsabog. Tinulungan na rin nila ang mga ito.
Hindi na halos makakilos ang mga galamay nito dahil paulit-ulit yung pinuputol ng mga halimaw.
Nagsisimula na rin itong mangisay at hindi na natigil sa sigaw nito.
"Masyado na nating ginagalit si Darkos." Di mapigilang sambit ni Hydro.
"Ano naman ngayon? Galit na rin ako eh!" sagot naman ni Aero.
"May mangyayari ba kapag nagagalit siya?"
"Hindi ko alam pero masamang-masama ang kutob ko sa reaksyon niya ngayon."
Hindi na lang kumibo si Hydro. Alam niyang walang silbi ang ginagawa nila ngayon. Hindi nila matatalo ng ganoon-ganoon lang si Darkos. Parang tinutulak pa nila ito sa kung ano pa ang pwede nitong gawin.
Biglang nag-iba ang sigaw nito. Naging matinis yun at nakakabingi sa pandinig nila.
Natigilan ang lahat at walang nagawa kundi takpan ang mga teynga dahil sa malakas na sigaw nito.
Kasunod naman non ay unti-unting naglaho ang nakapalibot na itim na ulap sa katawan nito hanggang sa nakita nila ang kabuuan nito.
Sumalubong sa kanila ang mahabang katawan nito na puno ng mas marami pang galamay. Sa isang iglap ay naghabaan ang mga yun at nagwala. Hinahampas ang kahit na ano at kinakagat rin ang mga nakikitang haliamaw.
Sa pagkakataong yun ay sobrang dami na ng mga galamay at wala ng halos nagawa ang mga halimaw.
Mabilis na kumilos sina Hydro. Sinugod nila si Darkos pero kumilos ito at humarap sa kanila. Wala na ang mga galamay sa bibig nito. Natigilan sila lalo na ng magsimulang magliyab ang buong bunganga nito.
"Umilag kayo!" malakas na sigaw ni Takari sa mga Dragon.
Kasunod ng malakas na pagbuga ni Darkos ng itim na mahika. Naging abo lahat ng natamaan non at sa sobrang lakas non, halos mahati na ang lupang kinaroroonan nila.
Tumilapon naman sa malayo ang nasa malapit non at napapikit ang mga tao sa sobrang lakas non. Lumikha pa yun ng malakas na shockwave kasunod ng malakas na lindol.
Saglit yung nagtagal hanggang sa nawala at nakita nila ang malaking pinsala na nagawa non. Nakabuo yun ng malalim na bangin at lahat ng mga nilalang na nakatayo doon ay naglaho na.
Mabilis na tiningnan ni Takari ang mga Elementong Dragon pero hindi niya nakita ang mga ito. "Hydro!"
Kinabahan siya.
Hindi naman makakilos sa sobrang gulat sina Kazumi at Iminako. Pati na rin sina Duno, Coran at Cirun. Natulala sila sa sobrang lakas ng kapangyarihan na yun.
Kung iisipin, kayang-kaya na nitong hatiin sa dalawa ang buwan.
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantasyIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...