NAPADILAT lang si Noburi pagkatapos ng mahaba niyang pag-iisip ng marating na nila ang Dome.
Ikinulong muna pansamantala ang mga bihag nila habang gumagawa pa ng paraan ang mga halimaw para mahuli ang iba pang mga Diyosa. Hindi niya agad mahuhuli ang mga ito pero gusto niyang magbakasakali.
"Noburi," tawag ni Loreni sa kaniya kasabay ng katok sa pinto.
"Loreni," tumayo siya saka tiningnan ang babaeng Ulome. "Kailangan na nating maghanda."
"Ihahanda ko na ang mga Diyosa sa pwesto nila at ang mga Gem."
Tumango lang siya. "Parang alam ko na rin kung saan hahanapin ang iba pang mga Diyosa eh. Sa pagkakataong ito, siguradong wala na sila sa bangin." Tumingin siya sa labas ng bintana kung saan kitang-kita niya doon ang bayan ng Dome. "Masama ang kutob ko ngayon eh." Pumiksi lang siya.
"Pero hindi ako natutuwa sa nalaman ko tungkol sa anak ko. Totoo bang kumampi siya sa mga Diyosang yun?"
"Siguro nalaman na niya ang totoo."
Hindi kumibo si Loreni. Bumuntong-hinga na lang siya.
"Pero wag kang mag-alala, buhay pa si Miho. Kapag ipinaliwanag mo sa kaniya ang lahat, siguradong maiintindihan niya yun. Nabulag lang siya sa kung ano ang nakita niya."
"Siguro."
"Maghanda na tayo. Mas mabuting nakahanda na ang lahat bago pa may mangyaring kakaiba. Ayaw kong magambala ang gagawin ko."
"Alam mo na kung saan sila hahanapin?"
"Wag kang mag-alala, nagpadala na ako ng mga halimaw."
Tumango lang si Loreni.
"ANONG ginagawa mo?" takang tanong ni Hikari ng makita niya si Sain na kinukulikot ng kung ano ang lock ng kulungan.
Nakakulong ito sa ibang kulungan habang magkasama naman silang mga Diyosa sa kulungang gawa sa bakal.
"Kailangan nating makaalis dito." Sagot lang ni Sain. Hindi siya huminto sa ginagawa. Nasa malayo ang mga guardiya at kung hindi lang siya mag-iingay ay hindi malalaman ng mga ito.
"Gagana ba yan?" tanong ni Wunesa sa kaniya.
Tumango lang siya. Hindi na niya kailangang ikwento sa mga ito na ginagawa talaga niya yun. Parte ng trabaho niya sa Dome pero hindi naman siya magnanakaw.
Biglang tumunog ang lock na ikinamangha nila.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto na bumukas. Natuwa ang mga Diyosa pero mabilis niyang sininyasan na wag maingay ang mga ito.
Lumabas siya saka tiningnan pa ang mga kawal. Lumapit siya sa kulungan ng mga Diyosa at ginawa rin ang ginawa niya sa kulungan niya.
"Ang galing, paano mo nagawa ang ganoon?" tanong ni Miyakira sa kaniya.
"Pwede mo na ring sabihin na parte ito ng trabaho ko bilang alipin sa Dome na ito." sagot niya habang kinukulikot pa rin ang lock.
"Ano nga ba ang trabaho mo?" tanong naman ni Inaka.
"Umaayos ng lock." Ganoon na lang ang gulat nila ng biglang kumaluskus sa di kalayuan. Para bang may paparating.
"Bilisan mo Sain. Bilis!"
"Sandali lang." binilisan niya ang ginagawa niya. Puno ng pagmamadali ang bawat kilos habang nakamasid naman ang mga ito sa paparating. "Ayos!" bulalas niya ng mabuksan yun. "Dali, labas!"
"Alam mo ang daan paalis dito?" tanong ni Hikari.
"Hindi ko alam pero kailangan nating makaalis agad dito. Dali, sumunod kayo sa akin."
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantasíaIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...