HINDI na naalis ang kunot sa noo ni Takari sa sobrang pagkalito. Inaasahan niyang katulad ng reaksyon ni Kazumi ang magiging reaksyon ng mga ito pero hindi pala.
Iba-iba yun na siyang dahilan kaya nalilito siyang magdesisyon. Isa pa si Hikari na nalalasing na.
"Gusto ko si Sain." Natatawang sagot nito saka sumigok pa. "Pero hindi ibig sabihin kasing gusto ko na siya tulad ng pagkagusto ko kay Morin. Mabait siya at nakakatuwa kaya gusto ko siya." tumawa pa ito ng malutong.
"Hikari," hinahawakan naman nina Wunesa at Inaka ang babae dahil baka matumba itong bigla. "Wala akong karapatang magdisesyon Takari. Dapat kayo ang mag-iisip niyan dahil kayo ang may gusto sa kanila eh."
"Hindi ah!" mabilis na sagot naman agad ni Takari.
"Ka-Diyosa mong tao, nalalasing ka agad." Wika naman ni Inaka saka niya tiningnan si Takari. "Kayo na ang bahalang magdisisyon. Wala namang mababago kung may alaala sila sa atin o wala eh."
"Hindi ako lasing." Sagot ni Hikari na sinundot pa ang pisngi ng dalawang Diyosa na napasigaw sa inis.
"Walang problema sa akin kung burahin mo ang alaala nila." sagot naman ni Miyakira. "Mas mabuti na nga yun para mas mapadali ang lahat diba?" nagtaas lang ito ng kilay.
"Ayaw ko." mariing sagot ni Iminako. "May gusto man siya sa akin o wala o ako sa kaniya, hindi pa rin ako papayag na burahin mo ang alaala nila. Hindi araw-araw na may mga kaibigan tayong tulad nila. Mukhang masaya rin silang kasama eh."
Napasimangot na lang si Takari habang pinagmamasdan ang mga kasamahan. Si Kazumi naman walang imik. Hinihintay lang nito ang desisyon niya.
"Mas nahihirapan akong magdisisyon sa mga sinasabi niyo eh."
"Bakit kasi," umahon sa karagatan si Hydro at tumingin sa kanila. "Hayaan mo na lang ang lahat ng ito. Ba't kailangan mo pang burahin ang alaala nila. Kahit siguro gawin mo yun, hindi mo pa rin mabubura ang nararamdaman nila."
"Oo nga." Sang-ayon ni Aero. "Kung kunwari may gusto si Sasu kay Kazumi, kahit hindi niya maalala ang pinagdaanan nila ni Kazumi maalala naman yun ng pakiramdam nila. Pinapahirapan mo lang sila."
"Aero naman, wag mo nga akong gawing halimbawa." Kinikilig na wika ni Kazumi.
"Ang sarap sapakin." Bulalas lang ni Takari sa reaksyon ni Kazumi.
"Ano ngayon ang gagawin mo?" tanong ni Miyakira sa kaniya.
"Pag-iisipan ko pa. Hindi ko na muna gagawin yun ngayon kaya sulitin niyo ng kasama sila bago pa ako may gawin." Banta niya sa mga ito. "Hawakan niyo ngang mabuti si Hikari." Aniya ng makitang matutumba na ang babae.
"Masyado siyang makulit eh." Katwiran ni Inaka habang nakahawak sa babae.
"Tayo na." Tawag niya sa mga ito saka siya naunang maglakad pabalik sa grupo.
Saglit siyang natigilan ng makitang nakatingin sa dereksyon nila si Imaru.
Bumuntong-hinga na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad pero natigilan ulit siya. May kung anong itim na imahe ang sumulpot sa gitna ng mga ito.
Hinawakan ng imahi na yun ang noo ni Imaru dahilan para mawalan ng malay si Imaru. Nagulat sina Sasu na agad tinulungan ang lalaki pero nasuntok naman ito ng itim na imahi.
"Sasu," gulat na bulalas ni Sain. Sinubukang tumulong ni Sain pero sipa naman ang inabot niya. Sumugod na rin ang nagulat na sina Naru pero gulpi rin ang inabot nila.
Hindi na kumilos ang itim na imahe saka ito lumingon sa kaniya at sumalubong sa paningin niya ang ngiti nito.
Huli na para malaman ni Takari kung sino yun at tuluyan yung naglaho.
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantasyIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...