Hindi naman kasi nila inaasahan ang sobrang bilis ng pangyayari.
"Tika, sandali lang." Si Imaru. "Hindi kami basta-basta na lang babalik sa kung saan kami nanggaling. Hindi biro ang pinagdaanan namin para lang hanapin ang mga Diyosa."
"Ikinalulungkot kong sabihin pero kailangan niyo ulit pagdaanan yun." walang lingon na sagot nito.
"Ano?"
"Ipapahatid ko kayo sa mga Horus sa kung saan nila kayo nadampot." Marahil ang mga ibon ang tinutukoy nito.
"Hindi mo pwedeng gawin yan. Hindi na kami babalik doon." Si Sasu. "Hindi mo alam ang lugar na yun. Wala kang alam kung ano ang trato nila sa aming mga tao doon."
"Pero buhay kayo diba? Sapat na yun para mamuhay kayo doon at ipapatuloy ang lahi niyo." Parang nang-iinsulto pa ito.
"Upakan na natin ang babaeng yan eh." Si Naru. "Awatin mo ako Sain. Awatin mo ako!"
"Bahala ka sa buhay mo."
"Naman eh! Hindi mo alam ang joke. Syempre hindi ako papatol sa babae. Gusto ko lang siyang takutin." Bulalas nito.
"Sino ka ba sa akala mo?"
Hinarap nito si Sasu. Blangko lang ang ekspresyon nito. "Katiwala ako ng Diyosa dito at hindi niyo alam kung ano ang nakita ko bago pa man kayo sinilang. Mas mabuti pang umalis na lang kayo dito. Irespeto niyo ang pananahimik ng Diyosa. Itigil niyo na rin ang paghahanap sa iba pang Diyosa. Mga statwa lang ang madadatnan niyo. Tanggapin niyo na lang na wala na sila."
"Hindi kami titigil sa paghahanap at wala kang magagawa doon." Agaw pansin ni Takari sa babae. Bahagya pa itong nakangiti. Halatang hinahamon si Kazumi.
Saka lang nagkaroon ng emosyon ang anyo nito. Bigla kasing nagdilim ang anyo nito ng tingnan nito si Takari. "Hindi niyo sila matutuntun." Kampanting sagot nito. "Nakapunta lang naman kayo dito dahil sa mga Horus."
"Lol." Sagot lang ni Takari.
Mukhang magkakasubukan ang dalawang babae ah. Hindi na lang nakialam ang mga lalaki. Ayaw nilang masangkot.
"Dito kami papunta kahit nong bago pa kami dagitin ng mga ibon."
Kumunot ang noo nito. "Paano naman nangyari yun? Walang kahit na sinong mga tao ngayon ang nakakaalam sa palasyo ng mga Diyosa."
"Mapa~" itinaas nito ang mapa.
Lalong nagdilim ang anyo ng madungis ng babae.
Bago pa man mapigilan ng apat na lalaki ay agad nitong sinugod si Takari. Inagaw nito ang mapa pero mabilis yung naiiwas ng babae. Dahil doon ay mas lalo itong nagalit.
Dinamba nito si Takari at parehong natumba ang dalawa. Umalingawngaw sa paligid ang tilian at sigawan ng mga ito habang gumugulong na nagsasabunutan at nag-aagawan ng mapa.
Parehong nanlalaki ang mata ng apat. Hindi makakilos. First time nilang makakita ng girl fight eh. Bawal kasi yun sa Dome.
~~~
"IBIGAY mo sa akin ang mapa!" sigaw ni Kazumi habang nakasakay sa nakahigang si Takari. Hindi niya maagaw agad ang mapa dahil hinihila nito ang mahaba niyang buhok. Hindi niya mahawakan ang buhok nito dahil nakatali eh.
"Finders keepers, losers weepers." Nagawa pang mang-asar.
Tumili siya ng malakas na sinakal ito.
Pumalag naman si Takari saka nagwala. Ito naman ang nahiga at siya naman ang nasa ibabaw. Pero magkaganoon man ay pilit pa rin nitong inaagaw ang mapa na hawak niya. Natatawang pinigilan niya ang ulo nito kaya hindi ito makabangon ng maayos.
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantasyIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...