Chapter 101

7 0 0
                                    

DADAMBAHIN na sana sila ng mga galamay ng biglang bumuo ang isang harang sa paligid nila. Bumangga doon ang mga galamay at walang nagawa.

"Takari," sambit nila ng makilala ang tubig harang na yun.

Kasunod ay isang malakas na apoy ang bumalot sa labas ng harang na yun. Saglit yung nagtagal hanggang sa naglaho. Naiwang sunog ang mga galamay at agad na nalaglag.

"Ayos lang kayo?" tanong ni Iminako sa kanila.

Tumango lang sila.

"Wag kayong lumabas sa harang hangga't maari." Sagot nito saka lumipad pabalik pero hindi nito inasahan ang sunod na nangyari. Muling bumangon ang mga galamay na sinunog nito at pumulupot dito.

"Iminako!" sigaw nila.

Napasigaw na lang si Iminako. Pinaliyab niya ang sarili at sinubukang kumawala pero hindi niya magawa. Hindi rin siya makakilos hanggang sa matabunan siya ng mga yun.

"Iminako, lumaban ka!" sigaw ni Naru.

Hindi na naalis ang pag-alala nila para sa kaibigan habang nakapulupot sa buong katawan nito ang mga galamay na parang mga ahas. May nakikita silang apoy na lumalabas sa pagitan ng mga yun pero hindi yun umipekto."

"Hindi ba tumatalab sa kanila ang apoy?" manghang tanong ni Sasu.

Napasinghap sila ng makitang humigpit ang mga galamay at nadinig nila ang nasasaktang sigaw ni Iminako sa loob.

"Iminako!"

"Wag kang hangal, Naru!" mabilis na pinigilan ni Inaka ang lalaki ng akmang lalabas ito ng harang. "Gusto mo bang mamatay?"

"Hindi ba natin siya tutulungan? Baka mamatay siya."

"Wala tayong magagawa kundi ang umasang kakayanin niya. Kapag isa sa inyo ang nasaktan, walang silbi ang pakikipaglaban nila. Hindi mo ba maintindihan na ginagawa nila ito para sa inyo?" wika naman ni Wunesa.

"Kaya nga hindi inaalis ni Takari ang harang sa lahat." Si Hikari. "Malaking kawalan ito sa buong lakas niya. Hindi niya pwedeng ialis ang focus dahil baka maglaho ang mga tubig harang na ginawa niya at mapahamak kayo."

"Anong ibig mong sabihin? Hindi seryoso sa pakikipaglaban si Takari?" nalilitong tanong ni Imaru.

"Hindi. Hindi lang niya kayang gamitin ang buong lakas niya dahil sa harang. Mas inaalala niya ang kalagayan niyo kesa sa sarili niya. Hindi rin kayang gamitin ni Iminako ang buong lakas niya dahil sa kalahating Gem niya. Ganoon rin si Kazumi dahil wala sa kaniya ang Gem niya." si Gem ang sumagot sa kanila.

"Ano bang pinagsasabi mo? Sinasabi mo bang nilalabanan nila si Darkos sa kabila ng lahat ng yun?" tanong ni Miho.

"Hindi namin pwedeng pabayaang masira ang mundo." Si Inaka.

"Iminako!"

Nakita nilang binitiwan na ng mga galamay ang walang malay na si Iminako at deretso itong bumulusok sa lupa.

Akala nila tapos na ang mga ito pero muli na namang sumugod ang mga galamay sa walang malay na Diyosa.

"Iminako!"

Kasabay ng malakas nilang sigaw na yun ang biglaang pagkapira-piraso ng mga galamay. Namangha sila ng mistulang parang umuulan ng laman sa paligid.

"A-anong nangyayari?" nalilitong tanong ni Wunesa.

Pinanlakihan ng mga mata si Miho ng makita niya ang nilalang na nakahawak sa Diyosa ng Apoy. "Coran." Bulalas niya.

Lumindol ang paligid. Nagsimulang mabiyak ang mga lupa at ilang saglit pa, naglabasan doon ang napakaraming halimaw. Kinabahan sila sa nangyari pero agad naman yung naalis ng tambanan ng mga halimaw ang galamay ni Darkos.

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon