Chapter 37

18 5 0
                                    

"MGA tao lang sila. Natakasan kayo ng mga tao?" di makapaniwalang tanong ni Coran sa mga halimaw.

Huli na ng makarating sila sa lugar na yun. Akala niya matatapos na agad ang paghahanap nila ng malamang nahuli ang mga ito. Saka niya malalaman na nakatakas pala ang mga ito.

"Paano nangyari yun?" mahinahong tanong ni Miho sa pinuno ng mga halimaw. "Siguradong hindi magiging madali sa kanila ang pagtakas sa bundok na ito."

"May mga kasama silang tatlong babae." Sagot nito.

Nagkatinginan sila ni Coran.

"Sinong mga babae?"

"Mga tao lang din sila. Pero hindi yung isa. Kaya niyang gumamit ng apoy at nagiging apoy rin siya."

"Apoy?" naikunot niya ang noo niya. Pinanlakihan naman ng mga mata si Coran.

"Tumakas sila dito sakay ang mga dambuhalang puting ibon. Hindi na namin sila naabot dahil don." Patuloy nito.

"Tika, sinong mga babae? Isang babae at apat na lalakin lang sila." Patuloy ni Miho.

"May tatlo pa silang mga kasamang babae."

"Sino ang mga yun?"

"Ang mga Diyosa."

Nagulat si Miho saka niya tiningnan ang kasintahan na seryoso na ang mukha. "Diyosa?" di makapaniwalang tanong niya.

Tumingin ito sa kaniya. "Diyosa, Miho. Diyosa."

"Pero patay na ang mga Diyosa diba? Si Ina ang nagsabi sa akin. Anong ibig sabihin nito?"

Pero hindi sumagot ang babae na tumingin lang sa malayo.

"Coran," hinawakan niya ang braso ng babae.

"Hindi ko rin alam." Nakaiwas ang tingin na sagot lang nito. "Malalaman natin ito oras ng mahuli natin ang mga tao kasama ang mga Diyosa." Hinarap niya ang pinuno. "Balaan lahat ng mga halimaw at mag-matyag. Kailangang mahuli ang mga taong yun." utos niya.

"Opo," saka ito umalis.

Nasundan na lang ng tingin ni Miho ang halimaw bago niya tiningnan ang babae na blangko ang ekspresyon.

Naguguluhan siya at kinakabahan. Para kasing may alam ito na hindi niya alam.

"SILA ba ang mga taong hinahanap ng mga halimaw?"

Natigilan silang lahat ng sumalubong agad ang isang babaeng sa bungad ng palasyo.

Hinala nila, ito ang Diyosa ng Kidlat. Permente lang itong nakatayo doon. Kasing-kulay lang yata ng buhok ni Imaru ang buhok nito pero light. Manipis ang suot nitong damit. Nakikita nga nga yata nila ang pang-ilalim na suot nito eh.

Madali lang matuntun ang palasyo nito na nasa gitna lang ng isang disyerto. Hindi sila sigurado kung disyerto nga ba yun o dagat noon.

"Hikari," masayang salubong ni Kazumi sa babae.

"Kumusta." Ngumiti ito saka sinalubong ang mga Diyosa. "Buti at nadalaw kayo dito."

Hindi kumibo sina Imaru na nanatili lang sa kinatatayuan nila. Sabi naman kasi ni Kazumi, ay mag-iingat daw silang mga lalaki eh.

"Ano pang ginagawa niyo diyan? Hali na kayo." Tawag ni Takari sa kanila.

Hindi sila kumibo. Mukha namang mabait ang Diyosa dahil ngumiti agad ito pero sila yata ang nahihiyang tumingin dito dahil sa sobrang nipis ng damit nito eh. May suot naman itong damit sa ilalim pero masyado na kasing maiksi.

"So," tumingin sa kanila ang Diyosa na ikinagulat nila. "Kayo ang hinahanap ng mga halimaw?" tanong pa nito.

"Alam mo ang tungkol doon?" tanong ni Iminako dito.

"Oo naman. Masyado na silang maingay nitong mga nagdaan na oras. Saka nadidinig ko sa ilan sa mga yun ang tungkol sa hinahanap nilang mga tao. Sila ba yun?"

"Sila nga. Siguro takot ang mga Ulome na mahanap nila tayo." Sagot ni Miyakira.

"Hm." Sagot lang nito. "Pasok kayo. Sa loob tayo mag-usap." Saka ito naunang pumasok.

Napasunod na lang sila dito.

Ordinaryo lang ang itsura ng malaking palasyo nito. Yun nga lang yata ang palasyong napakadaling pasukin ng kahit sino eh. Wala silang kahirap-hirap na nakapunta doon maliban sa binaybay pa ng mga Horus ang malawak na disyerto na yun.

Ba't nga ba doon ito sa disyerto nakatira?

"Nalaman mo na rin ba kung bakit hinahanap nila tayo? Mukhang nadidinig mo kasi lahat eh." Tanong ni Iminako sa babae.

"Isa lang naman ang dahilan ng mga tao para hanapin tayo eh."

"Ibalik sa dati ang mundo saka ulit nila sisirain." Sagot ni Miyakira.

Tiningnan nilang lahat ito. Ayun na. Bumalik na naman ang pagiging nega sa mga tao. Nag-iwas lang ito ng tingin.

"Tutulungan ba nila tayong makuha ang mga Gem?" tanong nito. Lumiko ito kaya lumiko rin sila.

"Oo. Sinabi na namin sa kanila ang mga nangyari. Handa naman silang tumulong sa atin para makuha ang mga Gem." Si Kazumi.

Dinala sila nito sa isang malawak na bulwagan. May mga upuan sa gitna non at doon sila pinaupo.

"Umupo kayo." Wika nito sa mga tao.

Nagkatinginan muna ang mga lalaki bago sila umupo. Kakaiba kasi ang titig ng Diyosa sa kanila pero nakangiti naman ito. Ayaw rin nila itong tingnan dahil baka kung ano ang isipin nito.

Natawa na lang si Takari dahil sa reaksyon ng mga ito. "Naiilang ba kayo dahil ang nipis ng suot niya?"

Mabilis na pinigilan ni Imaru ang bibig ng babae pero huli na dahil tumingin na ang lahat sa Diyosa ng Kidlat. Kahit ang Diyosa mismo ay tumingin na rin sa sarili.

Nagkatinginan lang sina Kazumi at Iminako. Mahinang natawa naman si Miyakira. Natahimik rin ang paligid.

Umalingawngaw bigla ang malutong na tawa ng Diyosa ng Kidlat.

"Mukhang friendly naman siya eh!" wika ni Naru sa mga kasama. Siniko lang siya ni Sain.

"Bakit? Ngayon lang ba kayo nakakita ng katawan ng isang babae?" nang-aasar na tanong nito sa mga lalaki.

"Hikari, wag mo na silang tuksuin." Mahinahong awat ni Kazumi sa babae.

"Bakit naman hindi? Matagal na rin bago ako makakita ng mga lalaking tao noh?" naglakad ito palapit sa mga lalaki. Pareho lang ang reaksyon ng apat. Nag-iwas ng tingin.

Ayaw sigurong bastusin ang Diyosa sa pamamagitan ng pagtingin sa anyo nito.

"May pangalan kayo?"

"Ako si Imaru, ito sina Sasu, Naru at Sain." Tinuro niya ang mga kasama pero hindi tumingin sa Diyosa na ngayon ay nakatayo sa tapat nila.

"Huh," sagot lang nito saka natawa ng maiksi. "At ikaw ang babaeng kaibigan nila?" Nilingon nito si Takari.

"Takari ang pangalan ko. . . uh, Diyosa ng Kidlat?"

"Tawagin mo na rin ako sa pangalan ko tulad ng kung paano mo tawagin ang mga kasamahan ko. Hindi na siguro bago sayo yun dahil mukha lang naman tayong magka-edad diba?"

Ngumiti lang si Takari saka siya tumango. Sinulyapan niya ang mga kasamahang lalaki na nakayuko pa rin.

"Umaandar na naman ang sakit ng isang to." Wika ni Iminako. Siniko lang siya ni Kazumi.

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon