"NAKU naman!" malakas na sigaw ni Naru. "Horus!" sigaw niya. Lumipad ng matulin ang Horus. Paliko-liko ang lipad nito dahil hinahabol sila ng mga halimaw na mistulang paniki.
Papunta siya sa dereksyon ng mga nagpapambunong mga Dragon. Gusto niyang humingi ng tulong mula sa mga ito pero hindi niya akalaing hahabulin siya ng mga halimaw.
"Horus!" nataranta na rin siya. Panay ang yuko niya dahil siya ang puntirya ng mga halimaw. Kahit gaano pa katulin ang lipad ng ibon, hindi rin naman agad itong makakalayo dahil sa dami ng mga halimaw na humahabol sa kanila.
Nakita niya ang mga Dragon. Palapit na siya sa dereksyon ng mga ito. Walang nagpapatalo sa mga ito. Pantay lang ang naging laban ng mga ito kahit tatlo laban sa apat ang namagitan.
"Pyro!" malakas na sigaw niya ng nasa malapit na siya. "Hydro! Aero!"
Hindi niya alam kung madidinig siya ng mga ito lalo pa at abala ang mga ito. Panay ang iwas niya sa mga halimaw.
Napasigaw siya ng malakas ng mahawakan siya ng isang halimaw sa braso at pilit na dinadagit mula sa likod ng ibon.
"Bitiwan mo akong lintik ka!" sinuntok niya ang halimaw na napasigaw saka tumilapon. Muli siyang yumuko ng makita ang isa pang halimaw na nagtangka siyang dagitin. "Pyro!"
Napadapa na lang siya. Saka niya napansin ang malakas na apoy sa paligid. Naramdaman niya ang init pero hindi naman sila natamaan ng ibon. Nakita niya kung paano maging abo ang mga halimaw hanggang sa nawala na ang mga ito.
"Anong ginagawa mo dito, Naru?" nadinig niyang tanong ni Pyro.
Napangiti siya ng makitang nakatingin ito sa kaniya. Sinasakal nito ang isang Dragon gamit ang buntot nito.
"Kailangan ko ang tulong niyo. Pakiusap. Alam kong abala kayo pero..." tinuro niya ang dereksyon ng Dome.
Nasundan yun ng tingin ng Dragon at nagulat ito ng makita ang hindi mabilang na mga halimaw sa paligid.
"Anong nangyayari? Bakit ngayon pa lumabas ang mga halimaw?"
Bigla itong napasigaw at agad napahiga ng hindi nito maiwasan ang ataki ni Litna.
"Pyro!" sigaw niya.
Susugurin na sana ni Litna ang nakahigang si Pyro pero mabilis na nahuli ni Aero ang Dragon at hinagis ito sa malayo.
"Bilis, Pyro! Tulungan mo sila." Sigaw ni Aero saka nito binangga ang iba pang mga Dragon na sumugod. "Kami na ang bahala dito."
Bumangon si Pyro saka niya tiningnan ang mga kasama. Sabay lang na tumango sina Hydro at Aero sa kaniya bago siya kumilos.
"Tayo na Naru!"
Mabilis siyang gumapang papunta sa dereksyon ng Dome. Mabilis niyang binanga ang mga humaharang na halimaw. Sa laki niya ay nadadaganan ang mga ito. Sinusunog naman niya ang mga lumilipad na halimaw na umaataki sa kaniya.
Sumunod naman si Naru dito.
Napasigaw ng malakas si Pyro ng dambahin ng mga halimaw ang mahabang katawan nito. Pinagkakagat at sinusugatan ito. Galit na pinaliyab nito ang sarili kaya agad namang nasunog ang mga halimaw hanggang sa wala ng nakalapit dito.
"Wag kang lumayo sa akin Naru." Wika ni Pyro sa kaniya.
"May maitutulong ba ako?"
"Maging ligtas ka lang." yun lang ang sinabi nito saka kinagat ang malalaking halimaw na sinubukan itong tumbahin.
Walang nagawa si Naru kundi ang panoorin ang pagwawala nito. Walang naging kalaban-laban ang mga halimaw pero hindi rin naman nauubos ang mga lupon ng mga halimaw.
Panay pa rin ang paglabas ng mga ito mula sa nabitak na lupa.
Di maglalaon ay mapapagod rin ang mga Dragon.
Kung may magagawa lang sana siya para makatulong. Hindi siya pwedeng tumunganga na lang doon. Kahit papaano, dapat na may gawin siya.
Tiningnan niya ang Dome. Kitang-kita pa rin niya ang itim na usok na nakapaligid sa palasyo. Hindi niya makita sina Imaru at Sasu sa paligid kaya sigurado siyang nasa loob ng palasyo ang mga ito.
Pero mukha namang walang kahit na sino ang basta-bastang nakakapasok sa mga usok na yun. Hindi nga magawa ni Takari eh.
May kung ano sa loob non na pino-protektahan ni Noburi. Sigurado siyang kung ano man yun, yun na lang ang natitirang pag-asa nila para manalo sa digmaan na yun.
Napanganga siya ng makita si Takari na tumilapon matapos itong masapak ng isang dambuhalang halimaw. Agad namang kinagat ni Pyro ang halimaw na yun at sinungod.
"Takari!" sigaw niya saka pinuntahan ang dereksyon nito.
"Ano bang ginagawa mo dito?" gulat na tanong nito saka agad na bumangon. Pinagpag nito ang sarili na parang walang nangyari.
May sugat ito sa mga katawan pero ang nakakapagtaka dahil wala namang dugo na umaagos. Purong liwanag lang ang nakikita niya imbis na ang laman nito.
"Takari, ayos ka lang ba?" nalilito niyang tanong dito. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari sa katawan nito.
"Ayos lang ito." tiningnan nito ang sarili. "Wag mo akong alalahanin. Hindi dumudugo ang mga Diyosa kung yun ang gusto mong malaman. Umalis ka na dito."
"Gusto kong tumulong. Ano ang dapat kong gawin? Sabihin mo sa akin." Bulalas niya.
"Hindi ka talaga susuko noh?" natawa ito ng maiksi saka tumitig sa kaniya. Hindi siya sumagot na tinitigan lang ito ng mataman. "Ayaw ko sanang gawin mo ito dahil dilikado."
"Ano yun? Sabihin mo sa akin kung ano."
"Kailangan mong liparin ang bangin na yun." tinuro nito ang bangin na nilalabasan ng sandamakmak na mga halimaw.
"Ha?"
"Hanapin mo ang palasyo ni Noburi. Sigurado akong nasa ilalim ng bitak ng lupang yan ang palasyo ni Noburi."
"Anong meron sa lugar na yun?"
"May bihag siyang lalaki doon. Tulungan mo siya."
Hindi siya nakapagsalita kaya nginitian siya nito ng nangungutya. Gusto pa yata siya nitong magpakamatay. Siguradong naman kasing maraming-marami ang halimaw sa ilalim ng lupang yun.
"Kaya mo ba?" tanong nito.
Hindi siya nakasagot. Hindi naman kasi madali ang pinapagawa nito pero siya ang nakiusap dito.
"O-oo naman. Madali lang naman yan eh!"
Natawa ito ng maiksi. "Sigurado ka?"
Tumango siya.
"Wag kang mag-alala. Po-protektahan kita habang naroroon ka." Natatawang sagot nito saka nagpalabas ng tubig sa mga kamay at hinagis sa kaniya.
Naging bulang harang yun at pinalibutan silang dalawa ng ibon. Siguradong magiging ligtas na sila pero sa gulat niya ay biglang naglaho ang harang na yun.
"Takari,"
"Wag kang mag-alala. Hindi kayo makikita ng mga halimaw." Sagot nito.
Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin. Napansin niya ang mga lumilipad na halimaw deretso sa kaniya. Akala niya susugurin siya ng mga ito pero dumiritso ang mga ito papunta sa nagwawalang si Pyro.
Kunot-noong nasundan na lang niya yun ng tingin.
Mistula kasing hindi siya nakita ng mga halimaw. Napanganga siya ng malaman kung ano ang ibig sabihin nito saka niya tiningnan si Takari. Ngiti lang ang ibinigay nito sa kaniya.
"Mag-iingat ka." Sagot lang nito.
Tumango siya saka agad pinalipad ang Horus papunta sa bangin. Hindi nga sila nakikita ng mga halimaw. Hindi niya alam kung ano ang meron sa tubig harang na ginawa nito at hindi siya nakikita ng mga ito.
Huminto muna siya saglit sa bunganga ng kweba. Napahiyaw ang ibon ng maramdaman nito ang hindi pangkaraniwang hangin na nagmumula doon.
"Horus," marahang hinimas niya ang ulo nito para pakalmahin ito. "Ayos lang yan. Kaya natin to." Humiyaw ito bilang sagot.
Saka niya pinalipad ng matulin ang ibon pabulusok sa malalim at madilim na bangin na yun.
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantasyIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...