HINDI nakapagsalita ang buong grupo ng makita silang lumabas na rin sa kweba. Binalot agad sila ng lamig ng sumalubong sa kanila ang nagyeyelong lugar.
"Isang Ulome?" gulat na tanong ni Hikari.
"Hindi bastang Ulome. Siya ang prensepe ng mga Ulome." Sagot ni Takari na mukhang masaya pa. Abala itong tinatali ang katawan ng wala pa ring diwa na prensepe.
"Presepe? Di ang ibig sabihin ay narito rin ang mga kasamahan niyang halimaw?" tiningnan agad ni Iminako ang paligid pero puro yelo lang ang nakikita nila.
Tulad nga ng inaasahan ay nakalabas sila sa gilid ng bundok. Agad naman na sumipol ng malakas si Kazumi para tawagin ang mga Horus. Siguro ilang sandali lang ay dadating na rin ang mga ibon.
"Anong nangyayari sa kaniya?" tanong ni Sasu.
"Marahil na nasa loob pa rin siya ng isang ilusyon." Si Wunesa ang sumagot. "Maya-maya lang ay mawawala din yun lalo na at wala na siya sa kweba."
"Kaya nga tinatalian ko para hindi manlaban eh."
"Kung ganoon ay pumasok sila sa kweba?" tanong ni Miyakira. "Hindi ba nila alam ang tungkol sa ilusyon."
"Baka. O baka siya lang ang pumasok."
"Ba't dinala mo pa siya dito Takari? Sana hinayaan mo na lang siya." wika ni Naru sa babae.
"Sira ka ba? Siguro kung ordinaryong Ulome lang ay iniwan ko na pero prensepe ito eh."
"Naniniwala kasi siyang hindi tayo sasaktan ng mga halimaw kapag nasa atin ang prensepeng to." Dugtong ni Imaru.
"Tama, at siya ang magdadala sa atin papasok sa Dome. Imposibleng makapasok tayo doon ng tayo lang." Patuloy ni Takari.
"Pwede ko bang suntukin yan? Nangigigil ako sa mukha niya eh!"
"Naru!" mabilis na pinigilan ni Sasu ang kaibigan na nakataas na ang kamao. "Tumigil ka nga. Baka magising pa eh."
"Iho-hostage lang natin siya hanggang sa pumunta tayo sa Dome?" tanong ni Iminako.
Tumango lang si Takari na nakangiti.
"Hindi pa tayo pwedeng pumunta doon ngayon." Wika naman ni Wunesa. "Kailangan pa nating puntahan si Inaka."
"Alam mo kung nasaan si Inaka?" mabilis na tanong ni Kazumi sa babae. Naintriga na rin ng iba pang mga Diyosa.
"Hindi ako sigurado pero alam kong isang lugar lang ang pupuntahan niya."
"Ang palasyo ng Diyosa ng Tubig?" si Takari.
Tiningnan nilang lahat ito. Abala pa rin ito sa pagtatali sa Ulome. Siguro dahil sa liit nito at sa tangkad ng Ulome ay hindi pa rin ito tapos.
Bumuntong-hingang lumapit na lang si Imaru at tinulungan ito.
"Paano mo nasasabing nasa lugar na yun siya?" tanong ni Miyakira dito.
"Wild guess." Nagkibit balikat lang ito. "Imaru, wag mo ngang talian ang leeg niya. Gusto mo pa yata siyang patayin eh!"
"Naniniguro lang."
"Yun rin naman ang hula ko eh." Agaw pansin ni Wunesa. "Baka nga sa tindi ng pagsisisi niya sa nangyari sa Leader ay nagpunta siya doon para ayusin ang sarili."
"Pero imposible ng makapunta doon." Kontra ni Hikari.
"Yun nga rin ang sabi ko eh." Sagot agad ni Iminako. "Walang tao ang nakakapunta doon lalo na ngayon. Baka nga natabunan na ng alikabok ang lugar na yun eh."
"Bakit? Mahirap bang pumunta doon?" tanong ni Sasu sa mga Diyosa.
"Nasa pinakamalalim na trench ang palasyo ng Diyosa ng Tubig. Walang kahit na sinong nilalang ang nakakapunta doon ng walang pahintulot sa kaniya. Kahit nga nong may karagatan pa ay kahit ang mga mababangis na lamang-dagat ay hindi basta-bastang nakakapunta doon eh." Sagot ni Kazumi. "Hindi nga ako sigurado kung paano mapupuntahan ni Inaka ang lugar na yun. Hindi ko rin alam kung makikita pa natin ang palasyo sa panahon ngayon."
"Parang nakakalungkot na lugar yata yun." komento ni Takari. "Napakalalim at walang kahit na sino ang nakakapunta. Hindi ba't malamig at madilim na ang ilalim ng karagatan?"
"Siguro," sagot lang ni Kazumi. "Pero hindi naman madilim ang palasyo niya eh."
"Pero madilim na yun ngayon kung abandunado na yun diba?" tanong ni Imaru.
"Ano ba kayo?" agaw pansin ni Naru sa kanila. Napansin rin nilang kanina pa ito tahimik. Yun pala ay yakap-yakap na nito ang sarili habang panay ang pagbahin. "Kung mag-usap kayo diyan parang hindi kayo nilalamig ah." Muli itong bumahin.
"Pasensiya na Naru. Kunting hintay lang, palapit na dito ang mga Horus." Nakangiting sagot ni Kazumi dito.
Tinanaw niya ang paligid. Napangiti siya lalo ng makita ang mga ibong lumilipad palapit sa dereksyon nila.
"Nandito na pala sila eh."
Nasundan yun ng tingin ng lahat. Hanggang sa maya-maya ay umangkas na sila sa mga ibon at lumipad paalis sa malamig na lugar na yun.
Napag-desesyunan rin nilang tingnan ang palasyo ng Diyosa ng Tubig. Magbabakasakali lang sila dahil baka may makita sila sa lugar na yun.
Sana nga lang, may oxygen pa sa kailaliman ng lugar na yun.
NAALIMPUNGATAN si Miho dahil sa mga boses na nag-uusap sa paligid niya. Masakit na masakit rin ang katawan niya at nangangalay ang leeg niya.
Nagulat pa siya ng makita ang kakaibang paligid.
Mabilis niyang tiningnan ang lugar. Nasa kalagitnaan siya ng disyerto. May limang malalaking ibon siyang nakikita sa di kalayuan. Nakalapag lang ang mga ito. Animo'y may hinihintay.
Nakaupo lang din siya sa buhangin at saka niya napagtantong nakatali ang katawan niya maliban sa paa. Sinubukan niyang kumawala pero mahigpit ang tali.
Tumingin siya sa gilid at gusto niyang mapasigaw dahil halos nasa gilid na siya ng isang napakalaking bitak sa lupa. Madilim na madilim rin ang kailaliman non at hindi siya sigurado kung gaano nga kalalim non.
Tumingin siya sa pinangalingan ng ingay. Pinanlakihan siya ng mga mata ng makita ang mga taong tinutugis nila kasama ang mga babaeng tingin niya ay ang mga Diyosa. Nag-uusap ang mga ito sa di kalayun at hindi yata napansing gising na siya.
Anong nangyari?
Nahuli ba siya ng mga ito habang walang malay na nasa kweba siya?
Pero paano naman siya nadala ng mga ito doon? Binuhat ba siya?
Wala siyang maalala maliban sa lahat ng mga imahing nakita niya. Hindi siya naniniwalang ilusyon lang yun. Sigurado siyang nakaraan yun at hindi siya makapaniwala sa lahat ng natuklasan.
Hindi siya makapawanilang yun, ang totoong nangyari.
Napayuko na lang siya saka napailing.
"Yo, gising ka na pala, prensepe."
Mabilis siyang tumingala ng madinig ang pamilyar na boses na yun.
Sumalubong sa kaniya ang berdeng mata ng babaeng walang takot na nakipag-pustaan sa kaniya.
Si Takari.
Hindi siya nakapagsalita na nakatitig sa mukha nito.
"Pasensiya na pero bihag ka namin ngayon at wala kang magagawa kundi ang sundin ang ano mang gusto namin sa ayaw o sa gusto mo." Nakangising wika nito.
Hindi siya kumibo.
Muling nag-flash sa utak niya ang mga eksinang nakita niya sa ilusyon.
Nalilito na tuloy siya kung ano ang dapat gawin.
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantasyIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...