MABILIS na lumabas sa butas si Imaru ng masigurong wala na ang mga ibon. Sumunod rin sa kaniya ang apat. Sinilip nila ang ibaba. Nakita nila ang mga ibon doon na para bang may pinaliligiran. Hindi nila maaninag kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga ito.
Sigurado rin namang hindi kinakain ng mga ito ang kung sino mang naroroon doon.
"Mawalang galang na!" malakas na sigaw ni Imaru.
Biglang nagkagulo ang mga ibon at naghiyawan. Huminto lang ang mga ito saka lumipad. Noon nila nakita ang isang tao sa ibaba.
Hindi naman ito ang Diyosa eh. Wala sa itsura nito na isa itong Diyosa.
Nakatingala ito sa kanila na may pagtataka sa anyo.
Bago pa sila makapagtanong ay dinagit ulit sila ng mga ibon. Lumipad pababa ang mga ibon saka sila hinagis sa sahig. Gumulong na naman sila.
"Sobra na yun ha?" asik pa ni Naru.
Tumayo agad si Imaru at pinagpag ang sarili saka tiningnan ang babae. Pero nawala na ito. "Tika, nasaan na yun?" tiningnan niya ang paligid.
"Nandoon." Tinuro ni Sasu ang isang poste.
Nasundan nila yun ng tingin saka nila nakita ang babaeng nakakubli doon. Animo'y takot. Sumilip pa ito. Maruming-marumi ang suot nitong damit at magulong-magulo ang blonde na naka-pigtail nitong buhok.
"Sino kayo? Anong ginagawa niyo dito?" tanong nito pero hindi umaalis sa pagkakubli.
"Nakita mo naman siguro kung paano kami dagitin ng mga ibon diba? Hindi namin sinasadyang mapadpad dito." Sagot ni Naru. Suminyas pa ito ng baliw.
Siniko lang ito ni Sain.
"Pasensiya na. Hindi kami mangugulo. May hinahanap lang kami." Sagot ni Imaru. Bahagyang humakbang.
"Girl, ang dungis mo!" si Takari. Tinitigan lang ito ni Imaru. Nag-iwas ito ng tingin.
"Wala ang hinahanap niyo dito." Sagot ng babae.
"Hindi pa namin sinasabi kung sino ang hinahanap namin eh!" sagot ni Sasu.
Matagal bago ito nagsalita. "Ang Diyosa diba?"
Sila naman ang hindi nakapagsalita.
Hindi ba ito magtataka kung bakit may mga tao pa? Tulad ng pagtataka nila na naroroon ito.
Sa totoo lang, talagang nakakapagtaka kumbakit ito naroroon. Kung ano ang ginagawa nito doon at kung paano ito nabuhay doon. Sigurado naman kasi silang nasa Dome na lang ang lahat ng mga tao at walang mabubuhay doon.
O baka naman yun lang ang akala nila.
Tinitigan lang sila nito. Para bang tinatantiya pa kung masama ba silang tao. Tumingin pa ito mula ulo hanggang paa.
"Pakiusap, gusto lang naming alamin kung naririto ba ang Diyosa." Patuloy ni Imaru dito.
"Bakit? Ano ba ang kailangan niyo sa kaniya?"
"Nandito siya?" napangiti si Takari pero agad yung naalis dahil sa sama ng titig sa kanila ng babae. "Ang sama ng titig nito ah, uupakan ko na to eh!"
"Hoy, Takari. Kumalma ka nga." Asik ni Imaru sa babaeng pikon. Hinarap niya ang babae. "Pwede ba namin siyang makita? Kahit saglit lang."
Hindi ito nagsalita. Maya-maya ay lumabas ito sa pinagtataguan at pumasok sa palasyo. "Sumunod kayo sa akin."
Masayang agad silang sumunod.
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantasyIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...