Chapter 44

20 5 0
                                    

Nasundan niya ito ng tingin habang papasok sa school. Hindi na naalis ang gulat niya at mas lalo siyang nagulat ng makita ang isang lalaking humabol dito. At walang pagdadalawang isip na umakbay sa babae.

Ngumiti ito ng matamis saka sabay na pumasok sa gusali ang mga ito.

Hindi na niya maitikom ang bibig sa sobrang gulat. Napuno na rin takot at kaba ang dibdib niya. Mabigat na mabigat ang pakiramdam niya. Yung pakiramdam na nag-iisa lang siya. Yung kahit napakaraming tao ay siya lang ang mag-isa. Wala siyang kilalang kahit sino sa mga kaibigan pero ang kilala niya ay umiiwas naman sa kaniya.

Ano bang nangyayari?

Hindi niya gusto ang nararamdaman niya. Natatakot siya.

"Imaru, ayos lang yan." Natatawang tinapik siya ng nagpakilalang si Naru. "Hindi ka talaga papansinin non kahit kailan noh? Isa pa, may boyfriend na yung tao."

Gulat na tiningnan niya ito. "Ano bang pinagsasabi mo?"

Natawa ito ng maiksi. "Nakalimutan mo ba?"

"Ang alin?" wala talaga siyang maintindihan.

"Crush ka non nong middle high pa lang tayo. Nagtapat sayo pero binasted mo siya. Syempre hindi ka papansinin non dahil naka-move on na yun. Kita mo naman, mukhang mahal na mahal siya nong boyfriend niya."

"Tayo na oi!"

Naglakad na papasok sa gusali ang mga ito.

Napasunod na lang siya pero puno pa rin ng katanungan ang isip niya. Kasabay naman non ay ang mabigat na pakiramdam ng dibdib niya. Parang gusto na nga niyang bumigay eh.

Pumasok na sila pero mga locker ang sumalubong sa kaniya. Nagpalit ng sapatos ang mga studyante na nakalagay doon. Ginawa na rin niya ng mapatingin siya sa babaeng blonde na nakatayo sa tabi.

Namangha siya ng makita si Kazumi. Hindi rin ito nagbago.

"Kazumi,"

Mabilis itong tumingin sa kaniya. Puno ng pagtataka ang anyo nito habang nakatitig sa kaniya. "I'm sorry, kilala ba kita?"

Hindi siya nakapagsalita.

"Sige ha?" saka ito nagmamadaling umalis ng makapagpalit ng sapatos.

Ang nagawa na lang niya ay ang sundan ito ng tingin.

Nakita rin niya doon sina Iminako, Miyakira at Hikari. Hindi rin nag-iba ang itsura ng mga ito pero tulad ni Kazumi. Hindi rin siya kilala ng mga ito.

Natapos na lang ang klase ay hindi pa rin naaalis ang bigat ng nararamdaman niya.

Mabilis siyang umuwi kahit inaya siya ng mga kaibigan na mamasyal. Nagbabakasakali siyang kapag nakita ang mga magulang ay gumaan ang pakiramdam niya.

Ayaw niya sa pakiramdam na yun. Mas mabigat yun at mas masakit sa nararamdaman niya nong mamatay ang mga magulang niya.

Ibang-iba kasi yun eh.

Yung pakiramdam na nag-iisa lang siya.

Ayaw niya ng ganoon.

"Mama, papa." Mabilis siyang pumasok sa bahay.

Inaasahan niyang makita ang mga magulang pero wala ang mga ito sa sala o kahit sa kusina.

Kunot-noong nilibot niya ang buong bahay pero wala siyang nakitang tao.

Saka lang niya napansin na ibang-iba ang itsura ng buong bahay sa natatandaan niya kanina. Malinis na malinis yun kaninang umaga at maaliwalas.

Ngayon naman, puno na ng alikabok ang bawat sulok non na para bang hindi na nilinis na maraming taon. May mga amag at mga cobwebs na rin sa paligid.

Nilibot niya ang paligid. Nakita niya ang kusinang maduming madumi. Puno ng mga maruruming pinggan at iba pang mga utensils.

Naging mas mabigat ang pakiramdam niya. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari eh. Nalilito siya ng sobra.

Lumabas siya ng bahay pero pinanlakihan siya ng mga mata.

Wala na ang mga kabahayan sa paligid. Nasa kalagitnaan siya ng tuyong lupa. Wala siyang makitang kahit ano sa paligid. Sobrang lamig doon at inuulan pa ng alikabok.

Tanging ang bahay lang nila ang nakatayo sa malawak na kalupaang yun at walang kahit isang tao ang nakikita niya.

Siya lang mag-isa ang naroroon.

Napaluhod siya.

Kahit sobrang bigat ng nararamdaman niya ay hindi pa rin siya bumigay. Hindi niya alam kung ano ang pakiramdam na yun na mas masakit pa kesa sa sinasaksak.

"Kalungkutan ang tawag diyan, Imaru."

Mabilis siyang tumingin sa likuran.

Isang kalansay ang nakita niyang nakatayo sa likuran niya. Ang nakakatakot pa ay dahil kapareho ng suot niya ang suot nito.

"Namatay kang mag-isa at malungkot, Imaru." Patuloy nito.

Napasigaw siya ng malakas.

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon