Chapter 100

9 0 0
                                    

SABAY-sabay na binugahan nina Hydro, Aero at Pyro ang bunganga ni Darkos. Naging dahilan yun para maantala ito sa pagkain ng lupa. Nagsisimula rin itong umatras habang sumisigaw.

"Mukhang matatalo niyo na siya ah," wika ni Kazumi. Hindi niya naiwasang wag mapangiti dahil umaatras na ang halimaw.

"Hindi ito tatalab sa kaniya, Kazumi." Sagot ni Aero.

"Anong ibig mong sabihing hindi? Kaya nga umaatras siya diba?" nalilitong tanong niya.

"Ano pa ba ang dahilan ng pag-atras niya?" tanong naman ni Iminako.

"Yan," si Pyro.

Napasigaw sa gulat ang dalawa ng makita ang mistulang mga ahas na lumabas sa bibig nito. Para bang mga mini-version na itsura nitong mukhang tentacles sa bibig.

Sumugod sa kanila ang mga yun na may matatalas rin na ngipin sa dulo.

"Nakakadiri!" gulat na sigaw ni Kazumi ng makita ang mga uod na yun sa loob ng bibig nito. Mabilis silang umiwas ng humabol sa kanila ang mga yun.

Iba-iba ang laki ng mga yun. May kasing laki ng braso nila hanggang sa kasing-laki ng mga Elementong Dragon. Napakarami rin ng mga yun at nagmistula yung buhok sa bibig ni Darkos na may sariling utak at bibig sa dulo.

Pero hindi sila nagpatalo. Pinutol nila ang mga mistulang galamay na yun. Kaya lang kahit ano ang gawin nila ay hindi naman nauubos ang mga yun. Humahaba rin ang mga yun sa di maipaliwanag na taas. Nagagawang sundan ng mga yun sina Iminako at Kazumi na lumilipad sa mataas.

Hindi rin nagpatalo ang tatlong Elementong Dragon.


---

MABILIS na naiwasan ni Takari ang mga usok na sumugod sa kaniya. Ginantihan niya si Noburi at inataki rin ito ng tubig. Nakaiwas rin ito at agad na ginalaw ang mga daliri.

Pinanlakihan siya ng mga mata saka agad gumawa ng harang sa sarili. Tamang-tama lang para hindi siya tuluyang matamaan ng mga lumilipad na lupa.

Pero hindi ito tumigil. Isinuot nito sa ilalim ng lupa ang mga usok at saka kumuha ng tibag at hinagis sa kaniya.

Napamura ng malakas si Takari saka niya iwinasiwas ang mga kamay. Sumugod lahat ng tubig na gawa niya kay Noburi. Mabilis itong naglaho na parang bula.

Pinanlakihan siya ng mga mata saka hinanap ito sa paligid.

Pero hindi inaasahan ni Takari ang sumugod sa kaniya. Matulin na palapit sa kaniya ang maraming galamay ni Darkos. Nagulat siya saka agad na gumawa ng harang sa sarili.

Tumama doon ang mga galamay. Akala niya aatras ang mga ito pero nilagpasan lang siya ng mga yun at deretso ang mga yun sa likuran.

Nasundan niya yun ng tingin at nabigla siya ng makitang palapit ang mga yun sa dereksyon ng mga tao.

Sa pagkakataong yun, humaba na ng sobra ang mga galamay ni Darkos at inaataki lahat ng nasa paligid nito.

"ANONG mga bagay na yun?" kinikilabutang tanong ni Naru habang nakatanaw sa nangyayaring laban.

Pare-pareho silang namangha ng makita ang mistulang gumagalaw na galamay sa bibig ni Darkos. Humahaba ang mga yun at inaataki ang kahit na ano na para bang may sariling isip.

Napuno na rin ng alala ang mga Diyosa habang pinapanood ang mga nangyayari. Hindi na rin naiwasang wag mapasigaw ng mga taong nanonood mula sa mga harang na kinapapalooban ng mga ito.

"Gem," nilapitan ni Imaru ang lalaki. Umiilaw ang mga kamay nito habang nakahawak sa mga Gem. Hindi niya alam kung ano talaga ang ginagawa nito pero nag-aalala siya.

"Wag kang mag-alala, Imaru. Susubukan kong tapusin agad ang mga ito." walang lingon na sagot nito.

Hindi siya nagsalita na pinagmasdan lang ito ng mapansin niya ang braso nito. Pinanlakihan siya ng mga mata ng makitang unti-unting nawawala ang kulay nito. Nagsisimula ng mamutla ang balat nito.

"Gem, anong nangyayari sayo?"

"Wag kang mag-alala. Normal lang ito."

Pero hindi siya naniwala. Hindi naman nangyari yun nong gumawa ito ng Gem para tulungan sina Hikari. Hindi nga siguro ganoon kadali na gawin ang mga Gem ng mga Diyosa.

Pakiramdam niya ay hindi maganda ang mangyayari dito pagkatapos nitong magawa ang mga Gem.

"Kailangan niya itong gawin, Imaru." Agaw pansin ni Miyakira sa kaniya. "Ito na lang ang paraan para mapigilan si Darkos."

"Kahit ang ipahamak niya ang sarili niya?"

"Alam ni Takari na pwede itong mangyari sa kaniya," si Wunesa ang sumagot. "Pero hindi niya magawang pigilan si Gem dahil alam niyang ito na lang ang paraan."

"Naku hindi!" taratang sigaw ni Sain.

"Palapit dito ang mga galamay ni Darkos." Sigaw ni Miho.

Nasundan nila yun ng tingin at binalot sila ng matinding kaba ng makita ang mga galamay ni Darkos. Matulin na sumusugod ang mga ito sa kanila. Nagsigawan na rin ang mga tao sa takot.

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon