"MAGALING Takari, nakapasa kayo sa pagsubok ko." Yun agad ang sinalubong ng Hari ng mga Diyos sa kanila pagtuntong pa lang nila sa bulwagan.
Hindi sumagot si Takari. Mariin lang siyang nakatitig sa lalaking nakaupo sa gitna ng bulwagan. Mas malaki at mas maraming dekorasyon ang upuan nito kesa sa upuan ng mga Diyos at Diyosa sa paligid ng bulwagan.
Hindi naman kumibo sina Kazumi na namangha. Hindi yun ang unang pagkakataon na nakatuntong sila doon pero namangha pa rin sila sa tagal ng hindi nila nakapunta doon.
Naroon sila sa Palasyo ng Hari ng mga Diyos. Gawa sa ginto ang kahit na anong makikita na bagay doon. May napakalaki ring chandelier sa itaas ng malawak na silid.
Nakapaligid ang mga iba't-ibang mga Diyos at Diyosa sa kani-kanilang mga upuan. Habang pinapagitnaan naman ang Hari.
"Pagsubok?" tanong ni Kazumi sa pinuno nilang wala lang kibo. Tiningnan niya ang mukha ni Takari pero natigilan siya dahil madilim na madilim ang anyo nito habang nakatitig sa Hari.
Mahaba ang puting buhok ng guapong Hari. Hindi naman ito matanda at hindi rin naman bata. Matipono ang pangangatawan nito at napapalamutian ng magarang kasuotan ang katawan nito.
Kitang-kita sa anyo nito at sa itsura nito na isa itong Hari. Nararamdaman rin nila ang presensiya nito at kahit sila ay ayaw itong tingnan sa mata.
Nakakamangha lang na nagagawa ni Takari yun. At wala siyang nakikita sa mga mata ng pinuno maliban sa galit.
"Takari," mahinang tawag lang niya.
"Hindi niyo ba babatiin ang Hari niyo mga Diyosa?" makapangyarihang utos ng isang Diyos sa tabi ng Hari.
Nagulat sina Kazumi saka siya yumuko. Nagsiyukuan na rin sina Iminako at ang iba pero namangha siya dahil walang ginawa si Takari.
"Anong nangyayari Takari?" tanong ng Hari. Baritono ang boses nito pero magaan at malumanay. "Hindi ka ba natutuwang nakapasa kayo sa pagsubok niyo bilang mga Diyosa ng mga Elemento?"
"Pagsubok?" malamig na tanong ni Takari kaya natahimik ang lahat. "Pagsubok ang tawag mo doon, mahal na Hari?"
Hindi umimik ang Hari. Bumuntong-hinga na lang ito saka tumingin sa ibang dereksyon. "Inaasahan ko ng dadating ang araw na ito."
Walang sagot si Takari.
Hindi naman umimik ang ibang Diyosa. Nalilito sila sa sinabi ng Hari. Bumalik na sa alaala nila ang lahat pero hindi nila maalala ang kung ano mang sinabi ng Hari.
"Kazumi, alam mo?" tanong ni Iminako sa babae.
Umiling lang si Kazumi. "Hindi ko rin alam eh. Hindi ko maalala ang tungkol doon."
Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito ngayon. Naging ganoon na ito katahimik simula nong makalimutan na ito ni Imaru.
Hindi na maalala ni Imaru si Takari maliban sa ito ang Diyosa ng Tubig. Nag-aalala siya lalong-lalo na dahil walang reaksyon si Takari. Hindi ito nagulat. Hindi ito nagalit. Nanatili lang itong nakatitig sa lalaki at kusang naglaho sa gabing yun.
Nagsialisan na rin sila pagkatapos ng piging. Nagpatawag ito ng madaliang pagtitipon sa kanilang pito at saka nito sinabing pupunta sila sa Palasyo ng Hari ng mga Diyos.
Wala na itong ibang sinabi maliban doon kaya nga nag-aalala siya.
"Ano ba talaga ang nangyayari?" nalilitong tanong na ni Hikari.
"Hindi mo ba sinabi sa mga kasamahan mong Diyosa, Takari?" tanong ng Hari maya-maya. "Hindi magandang bagay yan." Umiling pa ito.
"Hindi ko na kailangang sabihin sa kanila. Ang mahalaga ay nakapasa na ako sa sinabi mong pagsubok. Pero alam nating hindi pagsubok yun mahal na Hari." Mariing sagot ni Takari na humakbang.
"Diyosa!" mabilis na pigil ng Diyos sa tabi ng Hari. "Wag mong pagsalitaan ng ganyan ang Hari." Galit na sigaw nito.
"Ayos lang, Sie. Ayos lang." pigil ng Hari sa katabi nitong Diyosa na naupo na lang. Tinitigan na lang niya si Takari na matapang na nakatingin sa kaniya.
"Takari?" nalilitong tawag ni Inaka.
"Takari," wika ng Hari saka siya tumayo at naglakad palapit sa babae. Hindi naman kumibo ang iba pang mga Diyos sa trono ng mga ito.
"Napigilan kita sa gusto mo. Hindi ka pa rin naman titigil diba?" mariing tanong ni Takari dito. "Gagawa at gagawa ka pa rin ng paraan para masira ang mundo namin." Natigilan sina Kazumi sa nadinig.
Hindi sumagot ang Hari.
Hindi na rin nakapagsalita sa sobrang gulat ang iba pang mga Diyosa ng Elemento sa nadinig. Hindi nila naiintindihan ang pinag-uusapan ng dalawa.
Yun ba ang dahilan kaya ang dami nitong nililihim sa kanila.
"At ito," si Takari saka nito iwinasiwas ang kamay. Sumulpot sa tapat nito ang walang imik na si Noburi saka galit na sinipa nito ang babae.
Nagulat sina Kazumi na napaatras pa lalo na ng matumba ang babae. Manghang tiningnan lang niya si Takari.
"Sa inyo na ulit ang babaeng yan. Hindi ko kailangan ng isang Diyosang mamamatay tulad niyo sa mundo ko."
Walang sagot ang Hari.
"Takari, saglit lang." pumigil na rin si Kazumi. Mabilis niyang hinawakan ang babaeng nag-ngingitgnit na sa galit. "Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Pakiusap, ipaliwanag mo sa amin ang lahat."
"Kazumi," tawag ng Hari sa kaniya kaya tumingin ito sa kaniya. "Ang mundong binabantayan niyo ngayon, ay isang mundo na ginawa ko bilang tapunan ng mga pagkakamali ko." Pinanlakihan sila ng mga mata.
"Anong ibig sabihin non?" nalilitong sumingit na rin si Iminako. "Isang tapunan ng basura ang mundo?" napailing siya dahil hindi sumagot ang Hari. Hindi siya makapaniwalang matuklasang ganoon lang ang mundong minamahal nila sa tingin ng iba pang mga Diyos.
"Oo, isang tambakan ng mga basurang hindi niya kayang kontrolin." Si Takari ang sumagot. Naroroon pa rin ang inis sa boses nito. "At ng makita niyang tagumpay nating naitaguyod at nabantayan ng maayos ang mundo ay saka niya sisirain yun. Ang mundo natin ang pinakamatagumpay na ginawa niya. Hindi niya ginawa ang planeta para maging ganoon kaganda at ikinagalit yun ng iba pang mga Diyos na namamahala sa iba pang mundo. Ikinainggit yun ng ibang Diyos at pinagpulungan nilang dapat na sirain ang mundo natin."
Hindi nakapagsalita sa gulat ang anim na Diyosa. Hindi nila alam kung ano ang iisipin pagkatapos matuklasan ang lahat ng yun.
Marahas na bumuntong-hinga na lang si Takari. Tinitigan niya ng masama ang Haring nakatitig lang din sa kaniya. Nawala na lahat ng takot niya dito. Hindi siya natatakot kung ano ang gagawin nito dahil talagang galit na galit siya. Pagkatapos niyang maalala ulit ang pagiging Diyosa ng Tubig niya, ay saka niya ulit naalala kumbakit nangyari ang pagkasira ng mundo sa una't-una pa lang.
Dahil sinadya yung gawin ng Hari.
Mariing napapikit na lang siya ng maalala ulit ang nangyari saka niya sinimulang ikwento sa mga kasamahang Diyosa ang nangyari bago tuluyang masira ang mundo.
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantasyIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...