Chapter 21

25 4 0
                                    

"Aba," nagtaas ng kilay si Iminako. "Nadidinig mo ba ang sarili mo Mortal? Inuutusan mo kaming mga Diyosa? Hindi mo ba alam na sa aming lahat, kapangyarihan ko lang ang nanatili sa akin? Pwede kitang sunugin para maturuan ka ng leksyon." Mahinahon na wika nito pero lumiyab ang kamay nito.

"Iminako." Awat ni Kazumi sa babae. "Tama naman kasi siya. Kung kailangan natin ang tulong nila, kailangan nilang malaman ang totoo."

"Good." Sagot nito. "Simulan natin sa baba." Nauna itong bumaba.

"Tika lang Takari." Mabilis na pigil niya dito. "Yung mga lalaki. Hindi na sila hubad diba?"

Nagulat ito. "Nakita mo rin?"

"Rin?" ito rin ang nagulat.

"Yung bicep. Ang ganda diba?"

Pinamulahan ito ng bongga sa sinabi at bigla itong nataranta. "A-ano bang pinagsasabi mo? Wala akong nakita. Wala akong nakitang bicep ah. Ano ba ang bicep?"

Natawa lang ng malutong si Takari. "Malakas ang kutob kong ibang bicep ang tinutukoy mo."

Lalo itong pinamulahan.

Ang lakas ng tawa ni Takari na siniko pa ng bahagya ang babaeng nangangamatis na ang kulay.

Hindi naman naalis ni Iminako ang kunot ng noo niya. Nalilito siya eh. Una, parang walang pinag-alitan ang dalawa kanina at kung mag-usap parang ang tagal ng magkakilala. Pangalawa, hindi niya maintindihan ang pinag-uusapan ng mga ito. Ang huli, hindi niya alam kung ano ang bicep.

"Tika, ano bang pinag-uusapan niyo?" singit na rin niya sa mga ito.

Tumingin sa kaniya ang nakangiting si Takari. "Yung mga kasamang lalaki kasi namin eh. Nakahubad sila."

Pinanlakihan siya ng mga mata.

"Akala ko nakita rin ni Kazumi ang bicep eh!"

"Lapastangan kang Mortal!"

Napatumba sa gulat si Takari dahil sa biglaang pagsigaw nito. Malakas yun. Isa pa, bigla rin kasing nagliyab ang buong katawan nito.

"Wag mong dumihan ang kaisipan naming mga Diyosa sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga alindog ng lalaking yan. Alam namin ang lahat ng yan dahil mga Diyosa kami!" galit na sigaw nito.

Naikunot na lang ni Takari ang noo. "Alam mo naman pala eh. Ba't galit ka dahil sa bicep lang?"

"Aba't talagang---"

"Iminako!" mabilis na pinigilan ni Kazumi ang kamay ng babae dahil para nitong susunugin si Takari. Nakadapa na ito sa sahig eh. Tinatakpan ang ulo.

Saka naman naapula ang pag-aapoy ng kaibigan. Literally.

"Walang ibig sabihin si Takari sa sinabi niya." aniya dito. "Wala naman talaga akong nakita. Pareho kaming nabasa dahil sa tubig kanina kaya pinapatuyo nila ang mga damit nila. Kaya nga ako umakyat dito eh."

"Pero hindi mo ako sinama." Katwiran ni Takari. Bumangon ito at tumingin sa kanila. "Hindi ko na kasalanan kung nakita ko yun." sabay ngisi.

"Aba't talagang---!" nainis ulit ang babaeng apoy.

"Dito naman ang bicep eh!" katwiran niya saka tinuro ang braso. "Dito ang bicep na tinutukoy ko. Maganda ang dito nila. Ibang bicep naman ang nasa isip niyo eh!" asik niya sa dalawa.

At talagang hindi natakot. Ang kapal talaga ng mukha.

Hindi nakapagsalita ang dalawang Diyosa na nagkatinginan pa.

Sabi na eh.

"Tayo na nga lang, may utang pa kayong paliwanag sa amin eh." Nauna siyang bumaba.

"At kami pa talaga ang may utang ha?" di makapaniwalang bulalas ni Iminako.

Siniko lang ito ni Kazumi. Sumunod na lang silang dalawa dito.

"Alam mong hindi pa natutuyo ang mga damit nila diba?" tanong niya sa babaeng nakauna.

"May Diyosa ng apoy naman tayo dito eh. Pwede niyang patuyuin ang mga damit namin."

"Wala kang respeto. Hindi pampatuyo ng damit ang apoy ko."

Tumingin si Takari sa kanilang dalawa. May nangungutya pa itong titig. "Gusto niyo lang sigurong makita silang hubad eh." Sabay ngisi. "Hindi pa kayo nakakakita ng lalaking hubad noh? Virgin eyes?"

Mabilis na pinigilan ni Kazumi si Iminako dahil nagtangka itong sugurin ang babae.

"Ang dumi ng bibig ng isang to ah!" bulalas na lang nito. Nagpipigil magalit.

"Gawin mo na lang kasi." Nagpatuloy na sa paglalakad si Takari.

Nagkatinginan na lang ang dalawang Diyosa.

Nagbanta pang susunugin ni Iminako ang babae. Pero wala rin silang nagawa kundi ang sumunod na lang dito.

Powerless silang mga diwata ngayon kahit sila ang pinakamalakas. Kung kaya lang sana nila ay sila na ang gumawa ng paraan pero hindi eh. Kailangan nila ng tulong ng mga tao.

Kaya lang hindi nila nagawa o sadyang hindi nila ginawa.

"Sup boys!" bati agad ni Takari ng makababa na ito.

Saka naman nagsigawan ang mga lalaki sa loob.

Natatawang tiningnan lang sila ni Takari.

Nalilitong muli na namang nagkatinginan sa isa't-isa ang mga Diyosa.

Ang wierd talaga ng mga tao.


~~~~


NAPILITANG magbihis ang apat na lalaki kahit medyo basa pa ang mga damit nila. Ayaw naman kasing umalis ni Takari dahil may mahalaga daw itong sasabihin.

More like, may mahalagang sasabihin si Kazumi sa kanila.

Patuloy pa rin naman ang bagyo sa labas kaya ayos na rin yung pangpalipas.

"Tapos na!" medyo inis na sigaw ni Naru.

Tuluyan ng lumabas sa pagkakakubli si Takari na nakangisi pa. Pareho kasing masama ang titig nila dito eh. Hindi naman nito kasalanan kung naghubad sila doon pero kasalanan pa rin nito dahil alam nito.

"Pasensiya na. Urgent eh!" sagot nito saka lumapit sa kanila.

Nakasunod sa likuran nito si Kazumi na bahagya pang nakaiwas ang tingin.

"May nangyari ba?" tanong ni Sasu sa kanilang dalawa.

"Well," tiningnan ni Takari si Kazumi. "Ako ba ang magsasabi o ikaw na lang."

"Anong sasabihin? Bakit?" si Imaru.

"Kasi, si Kazumi ang---"

"Ako na," maagap na pigil nito sa kaniya. "Iminako." Tawag nito sa likuran.

Nasundan nila ng tingin yun saka naman lumabas sa pinangalingan ng mga ito ang isang babae na may asul na buhok. Bahagya pa itong nakasimangot habang palapit. Mas matangkad ito sa dalawang babae.

"Sino yan?" gulat na tanong ni Naru. "Paano siya napadpad dito? Sabi mo walang kahit na sino dito."

Tiningnan muna ni Kazumi si Iminako na tumabi sa kaniya. Bumuntong-hinga siya saka tiningnan ang mga lalaki. "Mga kasama, siya si Iminako. Ang Diyosa ng apoy." Tulad ng inaasahan niya, nabigla nga ang mga ito. "At ako ang Diyosa ng Hangin."

Hindi nakapagsalita ang mga ito na napuno ng gulat.


========================

Next update on Sunday

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon