Chapter 83

9 1 0
                                    

NAPUNO ng itim na usok ang buong Dome pagkatapos yung sumabog. Natilapon ang malalaking bitak non at kung hindi sa ginawang mga bubbles ni Takari bilang shield ay marahil na marami na sana ang namatay.

Lahat ng mga nilalang doon ay nakikita niyang pinapalibutan ng harang na gawa sa bubbles. Lumulutang ang mga yun palayo sa Dome.

Nagulat na lang ang lahat ng madinig nila ang malalakas na hiyawan ng mga dambuhalang nilalang.

Umalingawngaw ang galit na boses ng mga yun.

Puno ng takot ang anyo ng mga nilalang kahit nasa loob sila ng mistulang harang na bulang yun.

"Tika, ano to?" gulat na tanong ni Sain ng mapansin niya ang nakapalibot sa kanila. Napatingala siya ng makita ang itim na usok mula sa nasirang Dome. Hindi sila makakilos habang hinahayaan lang ang sarili nilang tangayin ng bula.

Hindi umimik si Imaru. Tinitigan lang niya ang itim na usok dahil doon nangagaling ang malakas na tunog ng mga nilalang. Hindi siya sigurado pero pakiramdam niya ay mga Dragon ang mga nilalang na yun.

"Hoy, Tika! Ano ang bagay na ito? Ano ang nangyayari sa Dome?" agaw pansin ni Kazuki sa kanila. "Buhay pa kaya ang mga Diyosa sa loob?" hinahawakan nito ang bula pero hindi naman yun nawala.

Marahil siniguro ni Takari na hindi yun masisira para walang kahit na sino ang masawi.

"Buhay pa sila, sira!" sagot ni Hayato habang nakatingala lang. "Mga Diyosa sila eh. Gagawan nila ito ng paraan." Nalilito rin si Hayato sa bulang pumalibot sa kanilang apat.

Hindi pa rin nahinto ang malakas na sigaw hanggang sa tuluyang nawala ang itim na usok at nakita na nila ang hindi inaasahang mga nilalang.

Apat na dambuhalang Dragon ang nakita nilang nasa gitna ng Dome. Pare-parehong itim ang mga ito na may pulang mata at halatang galit na galit.

"Para silang mga ahas na kakalabas lang ng itlog! Malalaking ahas! Ano ang mga yan?" hintakot na sigaw ni Kazuki na nagsimulang umatras pero wala naman talaga siyang maatrasan.

"Mga Dragon." Napatingin ang tatlo sa kaniya pagkatapos niya yung sabihin. Hindi niya maintindihan ang nangyayari pero sigurado siyang ang mga Dragon na yun ay ang mga Elementong Dragon na kasama ni Hydro.

Pero bakit itim?

Naging mas nakakatakot ang mga ito. Hindi katulad ni Hydro na puno ng liwanag at magaan ang pakiramdam niya. Kabaligtaran sa mga Dragon na nakikita niya ngayon.

"Kailangan agad nating makaalis dito."

Sinubukan nilang itulak ang bula palayo sa Dome. Mukha namang ligtas sila sa loob pero kailangan pa rin nilang makalayo sa lugar na yun.

Sinulyapan niya ang mga Dragon na panay pa rin ang sigaw hanggang sa, isa sa mga Dragon ang bigla na lang bumuga ng kidlat.

Sa lakas ng kidlat na yun ay lumikha yun ng napakalakas na pagsabog dahilan para liparin ang nasa malapit. Napadapa sila sa lakas ng impact non kahit nasa loob sila ng harang. Naramdaman pa rin nila ang shockwave na nilikha non.

Isa namang Dragon ang gumapang papunta sa isang bahagi. Hinampas nito ang buntot sa lupa. Yumanig ng napakalakas yun non dahilan para magsimulang mabitak ang lupa.

Bumuga naman ng yelo ang isa pang Dragon at nag-yelo lahat ng natamaan non. Isa pang dragon ang nagpalabas ng usok sa bibig. Sa isang kisap-mata lang ay naging malalaking halimaw yun at agad na sinugod ang mga taong nagkakagulo.

Hindi na nila maipaliwanag ang nangyayari. Basta ang alam lang nila ay nagkakagulo na ang paligid. Wala silang nagawa kundi ang panoorin ang nangyayari.

"Imaru, Sain."

Ganoon na lang ang tuwa nila ng makita sina Sasu at Kazumi. Nakasakay sa Horus ang mga ito.

"Ang harang na yan." Manghang bulalas ni Kazumi.

"Nandito si Takari." Masayang wika ni Aero.

Mabilis na bumaba si Kazumi na ikinagulat ni Sasu.

"Kazumi, saan ka pupunta?" gulat na tawag niya.

"Ialis mo dito ang mga nilalang Sasu. Ligtas sila ngayon sa harang na ginawa ni Takari pero hindi magtatagal ito. Mga Elementong Dragon ang mga yan, kailangan ko silang pigilan." Sagot niya saka inayos ang sarili.

"Mag-iingat ka!" sagot lang niya saka sinimulang itulak palayo ang mga bulang harang kung saan ay protektado ang mga nilalang.

Nasundan lang ng tingin ni Kazumi ang mga ito.

Sumipol siya ng malakas. Kailangan niyang tawagin lahat ng Horus para tulungan at ilayo ang mga nilalang sa lugar na yun. Siguradong mauubos ang mga ito sa pagwawala ang apat na Dragon.

"Mas malala pa ito sa inaakala ko!" wika ni Aero habang nakatuntong sa balikat niya.

Tinakbo ni Kazumi ang dereksyon ng Dome. Wala na siyang pakialam sa mga lupang nagkabitak-bitak. Nilundag niya ang mga yun at hindi siya tumigil.

"Anong nangyayari sa kanila Aero?" tanong niya.

"Kino-kontrol sila ni Noburi, Kazumi. Kailangan mong pigilan si Noburi. Kailangang maialis mo sa kontrol niya ang mga Dragon saka sila babalik sa dati."

"Naiintindihan ko. Siguradong papunta na rin dito sina Takari at Iminako. Apat na Dragon lang ang nakikita ko. Siguradong kasama nila sina Pyro at Hydro." Sagot lang niya.

Palapit na siya sa Dome ng bigla na lang may asul na Dragon ang lumitaw. Sumigaw ito ng malakas at agad sinugod ang mga itim na Dragon.

"Si Hydro. Dali, hanapin mo si Takari, Kazumi. Kami ang lalaban sa mga Dragon para makalapit kayo kay Noburi."

"O sige,"

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon