"SANDALI, hindi niyo ba kasama si Takari?" agaw pansin ni Imaru.
"Nandito rin siya?"
Kumislapt ulit ang Gem pero sa pagkakataong yun ay mas malakas na. Napapakit pa sila dahil sa malakas na liwanag non. Ng mawala ang liwanag ay saka ulit nila yun tiningnan.
"Hindi ko maintindihan kumbakit naririto ang Gem niya." napailing na lang si Kazumi sa sarili niyang tanong.
Walang nakapagsalita sa mga ito.
Ang nagawa na lang ni Kazumi ay ang titigan ang Gem. Muling bumalik sa kaniya ang boses na nadinig niya. Sigurado siyang yun ang Diyosa ng Tubig pero hindi niya maintindihan kung ano ang tinutukoy nito.
"Hindi niyo pa alam diba?"
Napatingin sila ng magsalita ang Ulome. Nakatitig lang ito ng mataman sa kanila. Hindi naman kumibo sina Imaru at Naru.
"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ni Sasu saka lumapit sa kanila.
"Pasensiya na kung inilihim ko itong lahat sa inyo. Hindi pa kasi ako sigurado kung ano ang gagawin ko eh. Ayaw kong may kampihan kaya nanahimik ako."
"Anong alam mo? Dali! Sabihin mo na!" gigil na wika ni Iminako.
"Si Takari ang Diyosa ng Tubig." Si Imaru na ang sumagot.
Parehong pinanlakihan ng mga mata sina Kazumi at Iminako. Bahagya pang nakaawang ang mga bibig at hindi na makapagsalita sa gulat.
Kahit nga si Sasu ay hindi na rin nagpatalo sa palakihan ng nganga eh.
"Ano?!" si Iminako na rin ang nakapagsalita sa wakas. "Pero paano nangyaring siya?"
"Siya ang Diyosa ng Tubig." Ulit ni Miho. "Nakita ko siya sa ilusyon. Nakita ko ang araw ng ibigay ni Inaka ang mga Gem sa isang Ulome. Nakita ko kung paano siya mawalan ng kapangyarihan at kung paano siya nawalan ng alaala. Kung paano siya napadpad sa Dome at kung bakit walang kahit na sino ang nakakaalam na siya ang Diyosa ng Tubig."
"Paano?" tanong ni Kazumi. "Sabihin mo sa amin kung paano?"
Magsasalita pa sana si Miho pero biglang kumislap ng malakas ang Gem. Sa pagkakataong yun ay sobrang liwanag na non at wala na silang makitang kahit na ano.
Mariing napapikit na lang silang lahat at hinintay na mawala ang liwanag.
Ng masigurong wala na ang liwanag ay dumilat na sila. Parehong lugar lang naman ang nakita nila. Wala namang nagbago maliban sa nawawala ang Gem.
"Ang Gem!" gulat na tinuro ni Naru ang dereksyon non.
Nawala na ang Gem na nakalutang lang.
"Nasaan ang Gem? Kinuha mo ba?" Galit na agad sinugod ni Iminako ang Ulome.
Napaatras sa gulat si Miho ng makitang nagliyab ang kamay ng Diyosa ng apoy habang papalapit sa kaniya.
Biglang bumukas ng malakas ang pinto kaya agad nila yung nasundan ng tingin.
Pare-pareho silang pinanlakihan ng mga mata ng makita si Takari. Mali, ang Diyosa ng Tubig. Kompletong-kompleto ang ayos nito, mula sa damit at sa itsura nito. Maliban sa, hindi naman ito naging ibang tao. Ito si Takari.
Katulad na katulad ng sinabi ni Sain sa kanila ang itsura ng Diyosa ng Tubig.
"Takari?" di makapaniwalang tanong ni Kazumi.
Biglang tumingin sa kanila ang babae at seryosong naglakad palapit sa dereksyon ni Imaru. Hindi sila nakakilos na hinintay lang ang paglapit nito pero hindi nila inaasahan ang nangyari.
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantasíaIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...