UMALINGAWNGAW sa bulwagan ang napakalakas ng sampal.
Nagulat ang lahat. Lalong-lalo na ang nasampal na prinsepe ng Ulome.
Bahagya siyang nakalingo. Nasapo niya ang pisngi bago niya tingnan ang Inang Reyna na galit na galit ang anyo. Napuno ng pagtataka ang anyo niya at hindi niya maintindihan kumbakit bigla na lang siya nitong sinampal.
Hindi rin nakapagsalita ang mapapangasawa niyang Halimaw na nagulat rin.
"Ina, anong kasalanan ko?" taka niyang tanong.
"Nalaman kong may pinalabas kang mga tao. Paano mo nagawa yun? Bakit mo hahayaang basta na lang lumabas ang mga tao? Lalo na ang mga taong may alam sa mga Diyosa."
Naikunot niya ang noo niya. "Pero Ina, ikaw ang nagsabing patay na ang mga Diyosa? Wala na sila. Isa pa, siguradong patay na ang mga taong yun ngayon. Tatlong araw na ang nakaraan ng---" isa pang sampal ang dumapo sa pisngi niya.
"Tatlong araw?"
Naguguluhang tiningnan ulit niya ito. Hindi na mapinta ang anyo nito sa sobrang galit.
Walang nababakas na pagtanda sa maganda nitong mukha. Matagal na itong naging Reyna, pero ni minsan ay wala siyang napansin na nababakas na pagtanda sa anyo nito.
Nabubuhay silang mga Ulome sa loob ng tatlong siglo at sa mga panahon na yun, unti-unti silang tumatanda at namamatay. Namatay ang Ama niya nong maliit pa siya kaya ito ang nag-alaga sa kaniya.
Huli na siyang nabuhay. Sa Dome na siya isinilang. Nadidinig lang niya mula dito ang mga kwento ng mga Diyosa sa ina niya at kung paano nawala ang mga ito.
Sinabi nitong dahil sa mga tao kaya namatay ang mga Diyosa. Nasira ang kalikasan kaya unti-unti ring nagkasakit ang mga Diyosa hanggang sa tuluyang nabura sa mundo.
Binuo nito ang Dome na yun para sa kanila at para mabuhay sila. Mas malapit ang mga Ulome sa Diyosa kaya malusog ang mga halaman doon at sapat ang mga pagkain at tubig. Dahil sa kabaitan ng mga Ulome kaya biniyayaan ng mga Diyosa ng magandang lugar.
Ang lugar na yun ang huling habilin sa kanila ng mga Diyosa. Para sa kanila lang dapat yun pero kailangang panagutan ng mga tao ang kasalanan nila sa mga Diyosa kaya naging alipin ang mga ito at lahat ng mga susunod sa mga ito.
Naging payapa ang pamumuhay nila. Hindi na sila lumabas sa nasirang mundo.
Sabi nito, ang Dome lang ang pag-asa ng lahat ng nilalang.
Pero ngayon ay nalilito siya sa Ina niya. Nanibago rin siya sa galit na galit na anyo nito. Likas itong mabait at kalmado.
Hindi niya maiwasang isipin kung bakit ito ganoon ka-apektado.
Hindi siya nakapagsalita na ang nagawa lang ay ang titigan nito.
Bumuntong-hinga ito ng malalim saka nasapo ang noo. Tumalikod lang ito.
"Lumabas ka at hanapin mo sila."
"Po?" Di niya inaasahan yun.
"Nadinig mo ako diba?" humarap ito sa kaniya at sumalubong sa kaniya ang napakatalim nitong titig. "Lumabas ka at hanapin mo sila. Ibalik mo sila dito, buhay man o patay." Mariin nitong utos.
Hindi siya nakapagsalita. Hindi lang siya makapaniwala kung gaano ito ka-desperadang mabalik ang lima.
Alam nila pareho, alam ng lahat ng mga Ulome na kaya nilang mabuhay sa labas ng Dome. Hindi lang sila sigurado kung pati na rin ang mga tao.
Sigurado siyang patay na ang mga tao ngayon.
"Wala akong pakialam kung makita niyo ang mga bangkay nila, basta ibalik niyo sila dito. Buhay man o patay."
"Pero bakit?"
"Dahil gusto ko. Hindi mo ba ako nadinig, Miho?"
"Mawalang galang na mahal na Reyna." Naglakad sa tabi niya ang mapapangasawa niya. May ngiti ito sa labi at magalang na nakatingin sa Reyna.. "Kung mamarapatin niyo po, gusto ko sanang samahan si Miho na lumabas. Isa akong halimaw, marami akong mga kalahi sa labas ng Dome. Pwede silang tumulong sa paghahanap. Mas mapapadali ito."
"Coran," sambit niya sa pangalan ng babae. Nakangiting hinawakan lang nito ang braso niya. "Ano bang ginagawa mo?"
"Isa itong utos, Miho. Kailangan natin itong gawin." Tiningnan ni Coran ang Reyna.
"Gawin mo ang mas makakabuti. Hanapin niyo sila. Buhay man o patay." Saka ito tumalikod at naglakad paalis doon.
Nasundan na lang ni Miho ng tingin ang Ina. Siguradong masama ang loob nito dahil sa ginawa niya. Kahit nalilito siya sa reaksyon nito ngayon, ayaw naman niya itong biguin.
Tumalikod na siya. "Ihanda ang mga kagamitan ko, lalabas kami ni Coran sa Dome." Utos niya agad sa mga Uloming kawani.
Dali-daling umalis ang mga ito.
"Wag kang mag-alala, Miho. Tutulong ang mga kalahi ko. Mapapadali rin ito. Saka, isipin mo na lang na advance honeymoon natin to." Wika ni Coran sa prensepe.
Ngumiti lang ang prensepe. "Pero hindi ko maintindihan si Ina. Hindi pangkaraniwan ang reaksyon niya eh."
"May dahilan ang Ina mo. Hindi natin alam. Siguro ito ang mas makakabuti para sa atin. Siya ang Reyna. Responsibilidad niya ito. Ayaw nating masaktan pareho ang Ina mo kaya gagawin natin ang gusto niya."
Tumango lang siya. "Maraming Salamat Coran."
Ngumiti lang si Coran saka sila naglakad paalis doon. Tiningnan niya ang Reyna na papasok sa isang pinto. Bago tuluyang pumasok at tumingin muna ito sa kanila.
Nagsalubong ang mga mata nila bago ito tuluyang umalis.
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantasyIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...